Chapter 10

7.3K 259 4
                                    

**

DATA

Today is the day kung kailan magaganap na ang underground battle o ranking battle sa aming campus. Kinakabahan na talaga ako. Marahil ay dahil sa unang beses ko pa lamang na sumali sa mga ganito. Pakiramdam ko tuloy ay matatae ako sa sobrang kaba. Parang gusto ko na lang tumakbo papalayo kapag tinawag na ang pangalan ko sa mga sasalang sa labanan.

Ilang araw ko na ring hindi pinapansin si Tripp Axis. Hanggang sa hindi siya humihingi ng tawad ay hindi ko siya papansinin at kakausapin. Ganyan kataas ang pride ko.

Nandito nga pala ako ngayon sa loob ng classroom. Wala rito ang Hell Guerriers pati na rin sina Hana Rios, kaya wala akong makausap. Hindi ko naman ka-close ang ibang mga kaklase ko rito dahil hindi ko naman sila nakakausap.

Naalala ko, ako nga pala ang gangster recruit ng Hell Guerriers, at mamaya na 'yon malalaman ng mga studyante rito. Tiyak ko namang alam na ng mga tauhan ng uniberdidad na 'to na ako ang gangster recruit. Siguradong magugulat sila dahil isang baguhan ang bago at napili nilang i-recruit. Hindi nga rin ako maka-paniwala noong una, eh. Parang magic lang, diba?

But I'm also happy dahil mas nakilala ko na ang Hell Guerriers. At ngayong alam ko na ang sikreto ng Intrepide University, maaari na rin siguro akong umalis dito, pagkatapos kong mag-aral rito, hanggang sa susunod na taon.

Biglang may umupo sa tabi ko kaya napa-lingon ako. Si Leroy Fortich. Ang leader ng The Phantoms. Naka-ngiti ito sa akin ngayon ng malapad na malapad.

"Hi, new kid." Bati niya. Ngumiti ako pabalik sa kanya. A fake one. Hindi ko alam, pero masama ang kutob ko sa taong 'to.

"Hello, Leroy." Bahagya itong nagulat, pero kalaunay ngumisi rin.

"Oh? You know my name? You know me?" Ngumisi ito. Tumango naman ako, at tinuro ang name plate niya. Baka mag-assume pa siyang stalker o admirer niya ako.

"Naka-sulat sa name plate mo ang name mo." Palihim akong umirap sa kanya, pagka-tapos kong sabihin 'yon. Nag-fake cough naman ito.

"I want you to date me." Seryosong sabi nito  kaya nanlaki ang mata ko. It's not a question, it's a command.

"W--"

"No. She's not going out with you, asshole." Nagulat ako nang biglang may humila sa akin palabas.

Nau-una ito sa akin ngayon, habang nasa likod ako nito at hawak rin nito ang aking kamay.

Napa-titig ako sa likod niya. Ang pamilyar ng likod at buhok niya. Pati na rin ang presensya niya.

Sinubukan kong tanawin ang mukha niya at bahagyang nagulat.

Ang lalaking humihila sa akin ngayon ay walang iba kung hindi ay si Tripp Axis.

Ng maka-rating kami sa may harap ng malaking pinto ay huminto ito at...

Binitawan ang kamay ko, at malamig na tumitig sa akin.

"W-why did you do that?" Tanong ko, at tumingala sa kanya. Ang taas niya kasi, hindi ko siya ma-reach.

"Tss. Don't think that I saved you from that asshole. I just did that to get you here, because the battle will start, five minutes from now so get ready." Sabi pa nito at saka nauna na itong mag-lakad papasok sa loob.

I don't know, pero hindi ko maiwasang hindi mapangiti, even if sinabi niya ng hindi niya 'yon ginawa para iligtas ako, ngunit para lamang dalhin ako rito sa arena.

"You look like an idiot."

Biglang may nag-salita sa gilid ko kaya napa-tingin ako ron.

Si Kyla lang pala.

"Why?" Kunot noo kong tanong. Ngumiti lang, idiot na? At saka, duh! Bakit bigla na lang sumusulpot ang mga tao ngayon? Sulputan day ba?

She just tsk-ed and rolled her eyes bago umalis sa harapan ko at naunang pumasok.

"Meron ba yun?" I asked at nag-lakad na rin papasok sa loob ng arena.

Narito na halos lahat ng estudyante. Napaka-ingay nila at napaka-gulo.

Inilibot ko ang aking paningin. Mayroong may dalang baseball bat, may nag-lilinis ng baril at throwing knives or dagger, may nag-papaikot ng kutsilyo sa daliri, etcetera.

Kinuha ko sa bulsa ko ang mega-blade at ngumisi, bago ito binulsang muli, tsaka nag-lakad patungo sa pinaka-unang row ng arena at umupo sa tabi ng Hell Guerriers.

Napa-tingin pa nga ang ibang gangsters na narito sa akin at kumunot ang noo pero hindi ko na lamang 'yon pinansin.

Tumingin sa akin si Alexander at umakbay.

"Uy, mareng Data." Sabay kindat nito. Nakakadiri talaga siya minsan. Hindi ko talaga alam kung gangster ba 'to at kung anong nangyari sa utak nitong lalaking ito.

"Bakit?" Tanong ko.

Day of why's ko ba ngayon? Tsk. tsk.

"Nothing. I just want to let you know that I'm handsome and single." Sabay pogi sign pa nito sa akin. Nakita ko namang umirap sina Lorein at Xiela kmna tutol sa sinabi ni Alexander.

Napaka-hangin rin kasi talaga ng isang 'to. Nag-buhat na naman ng sariling bangko.

Hindi ko na lang siya pinansin at inilibot ang paningin, ng mahagip ng mga mata ko si Tripp Axis. Wala itong emosyon na naka-tingin sa mini stage.

Bakit kahit naka-simangot siya, ang gwapo niya parin? Those eyes... Para itong mga bituin sa langit, yung ilong niyang napaka-tangos pero tama lang sa kanya, his jawline na napaka-hot tignan, and his lips, na parang ang sarap halikan...

Napa-iling ako sa na-isip ko. Nagiging manyak na ako! Ang lalaswa pa ng mga salitang ginagamit ko. Ano ba, Data!

Biglang tumahimik ang mga gangsters sa paligid at umayos ng upo at tumingin ng diretso sa harapan, kaya lingon rin ako ron. May nakita akong dalawang lalaking naka-tayo ron.

Si Headmaster yung isa, while hindi ko naman kilala yung isa pa niyang kasama na naka-black suit  at walang emosyon sa mukha. He reminds me of Tripp.

"Ehem. So, this is Mr. Jaxon, the owner or Intrepide University." At itinuro si Mr.Jaxon na nasa tabi nito. Ngumisi ito na nag-pataas ng mga balahibo ko sa braso. His name sound's familiar.

"Hello, Intredians." Cold nitong bati at inilibot ang paningin, habang naka-ngisi parin at huminto sa amin. Sa Hell Guerriers.

"I'm here to watch the ranking battle, and to visit my University and beloved son." Hindi umiimik ang mga studyante rito, at pigil hiningang nakikinig lamang sa sinasabi nung Jaxon.

Son?

"That's all." At umupo ito sa malaking upuan sa mini stage kung saan naka-upo ang mga judges,  which is him and headmaster.

"So, today, we're going to start our battle. The rule is, no killing. You can torture your opponent, but don't you dare kill 'em. Every gang should consist six members. No more, no less, or else your gang will be disqualified. That's all, thank you for listening. Now, let's start the game. Play the game fairly, no killing. Weapon's is allowed, by the way." At umalis ito sa stage.

Biglang nag-open ang isang malaking screen sa harapan at nag-countdown.

I hope, makaya ko 'to at manalo kami.

**

Intrepide UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon