Chapter 24

5.5K 196 3
                                    


**

DATA

Nagla-lakad ako ngayon sa hallway habang nagma-masid sa paligid. Bakit, parang ang tahimik ngayon?

Anong problema? May nangyari ba? At saka, parang ang lungkot-lungkot nila. Ang lungkot tignan ng mga mata nila.

Lumapit ako doon sa babaeng naka-tayo sa gilid ng locker, para mag-tanong. Nangingitim ang mata ng babae, at tila wala kain at tulog. Stress na stress ang mukha nito ngayon.

"Ano pong meron? Bakit, parang ang lungkot-lungkot niyo yata?" Bigla ako nitong sinamaan ng tingin at dinuro-dinuro.

"Ikaw! Simula noong dumating ka sa paaralang 'to, nagkanda-letche na ang lahat! Malas ka! Malas! Umalis ka na dito!" Sumbat nito bigla sa akin. Bigla itong umiyak. May lumapit na lalaki rito, at saka niyakap siya.

"Shh. Mahahanap rin natin si Elena." Tumingin ss kanya yung babae.

"Tama, Jasper." Tumingin ito sa akin bigla ng masama, "Ikaw? Ano pang ginagawa mo rito? Umalis ka na! Alis!" Pagta-taboy nito sa akin na para bang kasalanan ko ang lahat.

Nagulat ako sa isinigaw nito. Ako ba ang may kasalanan? Ano bang ginawa ko? Wala naman akong ginagawang masama sa kanila.

Tumalikod na lang ako at saka nag-lakad paalis. Doon na lang muna siguro ako sa hideout namin dahil baka mas lalo pa silang mag-init sa akin.

Habang nagla-lakad ako, masasamang tingin ang ipinu-pukol sa akin ng mga kapwa studyante ko dito-- ng mga kapwa Intredians ko. Hindi ko talaga alam kung anong masamang bagay ba ang nagawa ko at parang galit na galit sila sa akin.

Hindi ko maiwasan ang malungkot. Siguro nga ay malas talaga ako. Sinisigurado kong aalis na ako rito, pag natapos na 'tong gagawin namin ng Hell Guerriers. Pag natapos na ang kaguluhang ito.

Bigla akong nabalik sa reyalidad nang may mabangga akong isang hindi pamilyar na lalaki.

Parang ngayon ko lang siya nakita rito?

Bigla itong yumuko. "Sorry, miss." Hinging tawad nito aa akin. Hinawakan ko 'to sa balikat at saka ako ngumiti.

"Naku! Okay lang," Ngumiti ako nung mag-angat ito ng ulo at saka ko inabot ang kamay ko.

"Ako nga pala si Data." Pakilala ko pa sa kanya.  Tumango naman ito sa akin at saka tinanggap ang kamay ko.

"Ako naman si Lester. Nice to know you, Data." Lester? Parang narinig ko na ang pangalang 'yan.

Ngumiti na lang ako rito dahil sa wala na rin naman akong masabi pa.

"Nice to know you too, Lester. Mauna na ako." Paalam ko sa kanya. Aalis na sana ako nNg hawakan nito ang kamay ko.

"Be ready, and be careful." At nauna na itong umalis sa akin.

Be ready? Saan? At anong ibig niyang sabihin na mag-iingat ako? May alam ba siya sa mga nangyayari sa paaralang ito?

Napa-talon ako sa gulat nang may humawak sa balikat ko, at saka ako impit na napa-tili.

Lumingon ako sa humawak sa akin at saka ako napa-hawak sa dibdib.

"Ginulat mo naman ako, Eos." Sambit ko pa.

"Sorry. Ang lalim kasi ng iniisip mo. By the way, pinapatawag ka ngani Tripp Axis sa headquarters. Baka may importante siyang sasabihin sa iyo kaya ka niya ipinatawag kaya pumunta ka na doon." Sambit niyo sa akin.  Tumango naman ako at ngumiti.

"Tamang-tama. Papunta na rin ako doon ngayon, e." Sagot ko pa sa sinabi niya.

Nag-lakad na kami patungo sa secret headquarters, nang maka-salubong namin si Hana Rios.

"Hi, Data!" Masayang bati nito sa akin. Bakit parang, hindi ko na siya feel ngayon? Parang hindi ko na feel ang presensiya niya.

"Hello, Hana. Mauuna na kami." Dali-dali kong hinila si Eos at saka napa-hinga ako ng malalim ng maka-layo na kami ng tuluyan.

Sa mga nag-daang mga araw ay mas lalong nagiging weirdo ang mga tao dito sa Intrepide. Kung weird sila dati ay mas weird sila sa ngayon.

Nang makarating kami ng tuluyan sa secret hideout namin ay kaagad na sumalubong sa amin ang buong Hell Guerriers. Masama rin ang mga tingin ni ipinupukol sa amin ni Tripp  habang naka-tingin sa mga kamay namin ni Eos na magka-hawak, kaya naman ay dali-dali ko 'yong binitawan at saka ako umupo sa may tabi ni Xiela.

"So, anong pag-uusapan natin ngayon?" Pag-basag ko pa sa katahimikan. Tripp fake a cough at saka ito nag-salita.

"We're going to talk about Elena Cortez. She's missing right now, and I have a bad feeling about it." Seryosong ani ni Tripp. Napa-tikom ang bibig ko nang maalala ko 'yong eksena kanina.

Kailangan ng matapos ang lahat ng 'to, upang agad akong maka-alis sa lugar na 'to. Para maka-laya na ako.

"What if, konektado ito sa pagka-matay ni Quevas? O, baka naman ay patay na rin siya ngayon." Biglang hinampas ni Xiela si Alexander at saka niya ito pinanlakihan ng mata.

"Yes, you're right, Alexander." Tumango-tango si Tripp bilang pagsang-ayon sa sinabi ni Alexander .

"We are going to that secret hideout, tonight." Nag-react naman agad si Alexander.

"Hala?! Bakit ngayon pa? May date kami ng girlfriend ko, e." Pagdra-drama ni Alexander. Sinapak naman siya ulit ni Xiela at saka siya nito sinamaan ng tingin. Parang may iba na sa kanilang dalawa. May tinatago ba sila sa amin?

"Enough. So, as what I am saying, we're going to that secret hideout, tonight. So better get ready and pack your thing's2." Nag-crossarms si Tripp at saka siya huminga ng napaka-lalim.

Hindi ko na lang siguro sasabihin yung tungkol sa weirdong lalaking nagnga-ngalang Lester kanina. Mukhang ang dami na kasi ng pino-problema at iniisip ni Tripp sa mga oras na ito.

"We are going to trespass their hideout, so always be alert. Here's your earpieces, and personalized guns," bigla itong tumingin sa akin at saka nito ini-abot ang kulay itim na may silver na pistol na may naka-ukit na gold ang kulay na Tripp at HG na siyang initials ng Hell Guerriers.

"Ha? Pero sa iyo 'to." Utas ko. Umiling naman ito at saka pinakita ang isang baril, na tulad ng sa akin.

"I have two guns, and because you still don't have your personalized gun, you can use mine." Sambit nito.

Tumalikod ito at nag-lakad patungo sa kwarto niya, pero lumingon muna ito, at nag-salita, "If you're late, you're dead. And, let's win this game." At tuluyan na itong pumasok.

Yeah. Kailangan naming mapanalunan ang larong 'to. Para sa aming Hell Guerriers at para sa unibersidad.

I can't promis but I'll make sure that, we, Hell Guerriers, will win this game.

I will risk my life just to win this game.

Para matapos na ang lahat ng kahibangan at kaguluhang ito...

**

Intrepide UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon