Chapter 12

1.5K 15 3
                                    

(Lee's POV)

Last night was intense. I can still smell her fragrance over my body. Kapit na kapit ang mabangong amoy sa akin ni Lyra kahit sobra kaming pinagpawisan sa isang pagniniig na dinala kami sa ibang dimensyon.

"Hmmmm." Gumalaw siya ng bahagya at naramdaman ko ang mahigpit niyang pagyakap sa katawan ko. Dito na kami sa duyan nakatulog. Napatingin ako sa relo ko at nakitang mag aala-sais na ng umaga. Gusto ko siyang gisingin sana para makita ang pagsikat ng araw. Wishlist #2

Maya maya naramdaman ko ulit ang paggalaw niya at unti unti niyang minulat ang mga mata niya.

"Oh my God!" Bahagya siyang napasigaw pagkatapos niyang mapatingin sa dagat.

"B-bakit?" Medyo kinakabahan kong tanong. Nakakumot naman kaming dalawa, dali dali akong tumakbo pabalik sa bahay kagabi pagkatapos ng kaganapan na iyon para maiwasan ang lamok o ano pa man. Kaya hindi siya dapat kabahan o matakot kung may nakakita sa amin.

"Hindi ko lang inaasahan na mangyayari yung isang bagay na gusto kong makita ngayon-

"Sunrise." I merely said.

"Yeah." Tapos tumayo siya mula sa pagkakahiga. Nagawa ko naman siyang bihisan kagabi dahil nauna siyang nakatulog sa pagod marahil. Hindi ko maiwasan ang mapangisi.

Nakabalot pa din sa kanya ang kumot namin habang nakatingin sa dagat o kawalan. Makikita mo ang kasiyahan sa mga mata niya.

Sana.

Body For Hire (But Heart's Not For Sale) [Ongoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon