Pang Labing Anim na Kwento

881 6 2
                                    

Nakukuha ko ang mga binabasa ko sa madaming paraan. Ang iba ay mula sa reading lists ng mga pina-follow ko na mga accounts. Ang iba naman ay mula sa what's hot list. Ang pinakamarami sa kanila ay mula sa hot lists na completed. Constantly ay tinitingnan ko kung anu ang nasa list ang di ko pa nababasa at ang kwentong ito ay nakuha ko mula doon. 

Book 2 ang nauuna sa listahan if I am not mistaken. Di ko na matandaan sa kadami ng mga nakalista duon. Since Book 2 naman ang nasa listahan ay kailangan kong basahin ang Book 1 or Season 1 para naman di dyahe. At Book 2 din ang ilalagay  ko sa link dahil sa lahat ng series na yun dito ako nadala ng husto. Dito ko di napigilan na magcomment for the first time sa series na yun. Di ko na mabilang kung gaanu kalaki ang iniyak ko sa pagbabasa nito. Basta ang alam ko ay basang-basa ang unan ko. I swear kung hindi lang off-line ako nagbabasa that time ay baka sobra na ang flooding ko sa comment box. Pero baka sa pagkahook ko sa story ay di ko na din magawang bitawan ang binabasa ko. 

Hindi ako mahilig sa heavy drama pero nang dahil sa wattpad ay napapadami na ata ang nababasa ko. Napadami na ata ang naiiyak ko. Grabe kasi ang mga nababasa ko na mga emotions. feel na feel ko masyado. At ang isang ito ay isa dun sa mga iniyakan ko na hindi ko makakalimutan. Dito mapapatunayan na ang pagmamahal sa pamilya ay higit na mahalaga kahit alinman. Ang isang tao ay nakakagawa ng mga bagay na hindi niya aakalain na gagawin niya para lamang maprotektahan ang pamilyang kanyang pinapahalagahan. 

Ang series ay hindi angkop sa lahat ng uri ng mambabasa. Sa title pa lang ay makikita na agad pero mind you ang mga pangyayari sa mga series na yun ay isa lamang patunay na hindi lahat ay akma sa kasabihang what you see is what you get. You will know more of the characters once you read all of those. 

Kilalanin at alamin anu ang mga nangyari sa THE VIRGIN'S FIRST NIGHTs ni Bonitababyy.

Craziness Over Wattpad: RECOMMENDED AUTHORS/STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon