Pang Labing Walong Kwento

816 3 0
                                    

Ang kwentong ito ay tulad ng iba pa ay nakuha ko what's hot list. Title pa lang ay nakakaakit na. Sobra kung makapag-angkin. Noong una ko itong makita ay di masyadong pinagbigyan ng pansin. Nang mga panahong yun ay masyado akong subsob sa dami ng mga story na inaabangan ko pero dahil ubos na ang mga completed na stories na binabasa ko dati at ang mga on-going stories naman ay one-at-a-time naman sila ma-update kaya kailangan kong magsubok ng bago. 

And it matters to me the most na makita na ang author sa aking prospect story ay madami ding follower. Noong bago pa ako dito sa wattpad ay madami na ang Seven Thousand Followers. Katunayan nga, yong kadamihan sa mga pinafollow ko ay di pa umaabot sa Ten Thousand followers na ngayon ay hindi na mabilang ang dami ng naidagdag. At, ang author ng kwentong ito ay mayrong Nineteen thousand plus followers.  Kaya sinabi ko sa sarili ko na kailangan kong subukan at basahin ang kanyang pinakamalaking number of reads na kwento which is ang kwentong ilalagay ko dito. 

Sikat ang mga kwentong may pagkapossessive na leading man and this one is one of them. Pero, ang pinaka-kakaiba sa isang ito ay nang-aangkin ng isang girlfriend na di naman kanya. Umpisa pa lang ay di na ako makapaghintay sa mga susunod na mga pangyayari. Isa ito sa mga kwentong iniyakan ko ng husto at nagpabilis ng tibok ng aking puso. Simula sa kwentong ito ay naging sunod-sunod ang pagbasa ko ng ibang gawa ng author. At ang nakakatawa pala ay third generation na pala ang binabasa ko. Ang kinagandahan lang ay mababasa mo ang bawat kwento na hindi maapektuhan ang bawat story.

Hindi mo tatantanan ang bawat kwento na gawa ni asherina_kenza hangga't hindi mo nasasabi na AKIN KA! 

Craziness Over Wattpad: RECOMMENDED AUTHORS/STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon