Pangwalong Kwento

1.3K 8 0
                                    

Sa lahat ay ito ang di ko pinakamakakalimutan. Madami akong mga ginawa for this kwento. First time kong magPM ng author. First time kong magcomment ng bawat chapter. First time magkaroon ng reading list. 

Dahil sa kwentong ito ay madami akong nakilala at nahanap na magagandang kwento na aking isusulat sa mga susunod. I will be forever thankful sa author nito na siyang nagbukas sa akin ng pagkadami-daming magagandang kwento at magagaling na mga manunulat.

Sa sobrang kagandahan ng story na ito ay di ko na mapigilan na ikwento sa mga pinsan ko. Ganun ako di makaget-over. Bawat ud ay kinukulit ko sila na ikwento ang mga nangyari kahit na ayaw nilang pakinggan kasi gusto ko di lang ako ang may alam ng bawat pangyayari dito. Dapat malaman din ito ng iba lalo na duon sa mga pinsan ko na naging dahilan para mahanap ko ang wattpad. 

Dito sa kwentong ito, ginusto ko na sana marunong ako gumawa ng book cover. Dito napukaw ang attention ko sa hollywood stars. Dito ko inalam sinu ba ang mga casts ng stories na ito na first time ko maririnig. Dito ako nagkainterest na basahin ang fifty shades of grey. Dito ako nagsimula magbasa ng English stories which I will be posting in a different story. 

I will forever remeber that A DEAL IS A DEAL. 

Craziness Over Wattpad: RECOMMENDED AUTHORS/STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon