Chapter 24

108K 1.1K 72
                                    

CHAPTER 24

GIRLFRIEND

Paano nga ba maging isang mabuting girlfriend?

"Bubu! Ito na yung lunchbox mo o." Sapilitan kong nilagay sa kamay niya. "Kumain ka ng mabuti ha! Wag kang magpapalipas ng gutom." Super smile pa ako.

"Mmm."

"Yung gamit mo kumpleto na ba?"

"Mmm. Tara na." Hinahatid na kasi ako ni Jeff ngayon bago siya pumasok. Hatid-sundo na ako ngayon sa shop! Level-up na talaga ako.

"Wait lang bubu! Nagdala ka ba ng extra shirt? Eh ng pamunas sa likod—"

"Tsk. Tara na."

"Pero kasi Bubu diba. Baka pagpawisan ka—"

"Tama na nga yan. Umalis na tayo."

"Wait! Last na bubu!" Lumapit ako sa kanya at inayos ang necktie niya. "Medyo tagilid kasi yung pagkakatali mo eh." Wooooh, ang swerte ko talaga. Hinahayaan na niya akong ayusin ang necktie niya.

Nakatingin lang siya sa'kin. Hala naiinis na ba siya ng todo? Ito talaga si Jeff, nagmamadali lagi. "Wag ka na mainis Bubu. Hindi pa naman tayo late eh." Inayos ko lang ang necktie niya tapos nginitian ko siya. "Ayan ok na."

Nakatingin pa rin siya sa'kin. Galit na ba 'to? "Uy. Sorry na. Sige na, halika na, umalis na tayo, diba nagmamadali tayo—"

"Tin." Binalik niya sa'kin ang lunchbox na binigay ko kanina.

"Huh?" Hala naman. Galit na ba talaga 'to? Bakit niya binabalik? Niluto ko 'to ng maaga.

"Dalhin mo na lang yan mamaya. Ipapasundo kita. Sabay tayo maglunch." Sabi niya tapos lumabas na papuntang kotse.

Naman. Umagang-umaga pinapakilig ako ni Jeff. YES MAY LUNCH DATE KAMI MAMAYA!

Hinatid na ako ni Jeff sa shop. Tapos syempre ang dami ko pang pahabol na paalala bago siya nakaalis. Mahirap na 'no, baka magkasakit ang Jeff ko. Then ayun pumasok na ako sa loob.

"Huy! Ngiti-ngiti ka dyan."

"Hi Anj." Nilagay ko na ang mga gamit ko sa desk. Ang saya!

"Diba kakagaling mo lang sa stress? Eh bakit ang laki ng ngiti mo?"

"Wala naman." Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Parang ang ganda ko today.

"Nako nako nako nako. Tigilan mo 'ko Teeny Weeny." Lumapit naman sa'kin si Anj habang nakapamewang. "Spill it. Anong nangyari??"

Nginitian ko siya. "Blooming ba ako today Anj?"

"Tigilan mo 'ko sa kaartehan mo. Ano na nga! Sabihin mo na!"

"Excited naman 'to! Wala naman kasing masyadong nangyari eh." Inayos-ayos ko ang buhok ko sa salamin. Gusto ko na maglunch!

Binatukan naman ako bigla nito ni Anj. Aray ha. "Sasabihin mo ba o babatukan ulit kita? May pabitin effect pa 'tong nalalaman! Teeny Weeny ha!"

"Sige na sige na. Sasabihin ko na." Lumapit naman ako sa kanya habang nakahawak sa dress ko. "Anj, May boyfriend na ata ako."

"O tapos?" Bakit parang bored siya?

"ANJ! MAY BOYFRIEND NA AKO!!" Super sigaw pa ako tapos tili.

"Tin, may asawa ka na."

"Na boyfriend ko na din ngayon. Diba sabi mo, M.U. lang kami dati? Ngayon boyfriend ko na sya Anj!!"

"O tapos?" Bakit ganyan na naman mukha niya? parang bored.

"Anj naman eh! Kinikilig na ako ng todo dito. Pwede ka naman siguro kiligin din ng konti diba?"

Seducing My HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon