Chapter 11

119K 1.3K 65
                                    

CHAPTER 11

GREATEST FEAR

Nandito na kami sa airplane papuntang Bora. After nito, may boat ride daw para makarating kami sa hotel na inupahan ng kumpanya ni Jeff para lang sa company outing na 'to. 4am pa nga lang gising na kami, and I think hindi na naman galit si Jeff sa akin lalo pa nang nasabi kong boyfriend naman ni Anj si Kev. Nakita ko sina Bessie, Rey, Paul at iba pa nyang ka-officemate kanina sa airport. Kilalang-kilala na naman nila ako dahil sa aking pagpapa-impress dati sa may building nila. Nung una, medyo nahihiya pa silang lapitan ako dahil si Jeff tahimik lang, and parang buong opisina pala natatakot sa kanya. So nilapitan ko sila at nakipagchikahan. Natuwa pa ako kasi iyong ibang lawyers kasama nila ang mga anak nila, so pinagkukurot ko ang pisngi at nakipagkwentuhan ako sa mga mag-asawa. Iyong mga may bitbit naman na girlfriend, chinika ko rin. After all, 21 pa lang din naman ako. Siguro if hindi kami arranged marriage ni Jeff, girlfriend pa lang niya ako ngayon. Ay ambisyosa Tin?!

Speaking of Jeff, magkatabi kami ngayon sa airplane kaya lang tulog siya. Kanina kasi sa airport habang nakikipagkwentuhan ako may ginagawa siyang stuff sa laptop niya. Siguro sa Bora puro trabaho lang din siya aba hindi pwede iyon. Dapat mag-enjoy din siya pero sa bagay, may dala rin naman akong mga pang-paint. For sure habang nagtatrabaho si Jeff pwede akong magpinta. Pero ngayon tinititigan ko 'tong si Jeff. Ang gwapo talaga niya. Ang haba ng pilikmata tapos ang tangos ng ilong. Wala man lang kapimple pimple sa mukha. Mas lalo pa siyang gumwapo dahil tulog siya. Meaning, hindi nakakunot ang kilay niya at hindi galit. Nakaka-inlove talaga!

What if magnakaw kaya ako ng kiss sa lips sa kanya? Tumingin-tingin ako sa paligid tulog naman sila and if may gising man, hindi naman sila nakatingin sa akin. Hindi ko kasi masyado naramdaman iyong kiss namin nung kasal, kaya pwede ko naman siguro siyang halikan nang hindi niya rin nararamdaman. Hindi naman niya alam, sikreto lamang. Pumwesto na ako. Lord promise, 5 seconds lang talaga, hindi ko naman po sya rarape-in. Nilapit ko na ang mukha ko at nginuso ang lips ko. Lumapit ang mukha ko sa mukha niya tapos lumapit pa ulit ako. Pinikit ko pa ang mga mata ko. Ito na, malapit na...

"Excuse me ma'am." Nagulat naman ako at biglang napa-ayos ng upo. Nakatingin sa akin ang stewardess na may awkward na ngiti. "Uh, I just want to ask if you want to have water, juice, or coffee?"

Nakakahiya naman ang mga pinag-gagagawa ko. "Uh-h." Umubo-ubo ako para maayos ang boses ko. "S-sige miss bottled water na lang." Binigyan naman niya ako tapos tinanong niya if ano iyong kay Jeff. "Uhm, sige water na lang din sya. Ibibigay ko na lang sa kanya mamaya pag nagising na sya." Binigyan niya ulit ako tapos nag-move on na siya sa iba pang pasahero.

Nakakahiya talaga baka sabihin niya pinagnanasahan ko si Jeff. Well pinagnanasaan ko naman talaga, pero syempre dapat konting demure. Maya maya pa, nagising na rin si Jeff tapos lumapag na ang airplane. Binigay ko ang water niya at nagstart na kami sa boat ride. Nnakikita ko na ang blue sea at white sand. Nang makarating na kami sa hotel, lunch time na halos so kakain daw muna bago sila magstart mag-company conference. Mga 1pm na lang daw sila magmimeet, so baka mamayang hapon ko na ulit makita si Jeff. Pero kasi, hindi naman 'yan ang main concern ngayon. Ang pinaka-nakakaloka talaga ay ang malaman kong sa isang kwarto lang kami magstastay ni Jeff.

"Bessie. Isang kwarto lang ba talaga yung naka-book para sa amin ni Jeff?" tanong ko kay Bessie at hawak hawak ang ilang gamit naming ni Jeff.

"Well, mag-asawa naman kayo Ms. Tin. Kaya isa lang talaga dapat." Sabi ni Bessie at may chine-check na sa may folder. Magrereklamo pa ba ako? syempre kung pwede lang mag cartwheel dito ginawa ko na. YES! First time namin matutulog sa isang kwarto ni Jeff. Mag-ingat ka Jeff, baka gapangin kita mamayang gabi. Nag-elevator na kami papuntang kwarto naming room 502. Si Jeff naman nakakunot na naman ang noo. Galit na naman kaya 'to? Sa bagay, ayaw niya siguro ako makasama sa iisang kwarto. Tahimik lang kami nag-ayos ng gamit namin. Iisa lang ang kamay. Alam na! After namin magfreshen up, bumaba na kami para kumain. Then after, umalis na agad si Jeff at sinimulan na iyong conference nila. Naiwan naman ako at nakipagkwentuhan na lang ulit sa mga babaeng naiwan din yung mga anak naman nila takbo lang ng takbo around the hall.

Seducing My HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon