Preview

479K 3K 123
                                    

Please read. Thank you!

Unedited version. 2012 pa po 'to nasulat. You've been warned. Thank you for still reading it.

**

Preview


Dumaan muna kami sa bahay para makapagbihis. Kumain na lang kami sa kotse at binaba na niya ako sa harap ng shop namin ni Anj. Gusto ko talaga sana sumama pero ayaw naman niyang pumayag. Pinagbuksan niya ako ng pinto ng BMW hanggang sa nakatayo na kami sa harap ng shop.

"Susunduin kita mamaya. Hintayin mo ako," aniya sabay titig sa aking mata.

"Yes sir!" Sumaludo ako pagkatapos at napangiti siya sa ginawa ko. Napakagat ako ng labi nang makitang kumurba ang labi niya. Gustong-gusto ko 'yon! "Finally." Kasi dati sobrang hirap pangitiin ni Jeff. Iyong tipong ginawa ko na ang lahat pero wala pa rin sa kanya.

"Hmm?" Tumaas ang isang kilay niya sa sinabi ko ngunit lalong lumaki ang ngiti niya.

"Ngumiti ka na sa wakas! Mukha ka kasing panda bear na nakasimangot na ang itim ng eyebags," I kid and my smile widen.

Parang kasing kinakabahan si Jeff sa trial. Pero bakit naman? Si Jefferson Lee 'to no! Okay na rin sigurong mapagaan ko ang loob niya ngayon.

"Gwapo naman," aniya at umiling na parang hindi makapaniwala na sinabi niya iyon.

"Naks! From Mr. Sungit to Mr. Yabang ka na ba?" I played my eyebrows. Hindi ko naman matatangging gwapo talaga si Bubu no! Kahit saan naman 'yatang side gwapo siya! Naks!

"Mahal mo naman."

Tama! Si Jeff talaga! Kailangan pa bang sabihin 'yan?

"Ikaw na! Ikaw na talaga!" sabi ko habang tinuturo siya.

"Ako na ang masungit at mayabang?" tanong niya at nilapit ang mukha sa akin. Uminit bigla ang pisngi ko sa ginawa niya.

"Sabi ko ikaw na ang gwapo at mahal ko." Nilapit ko rin ang mukha ko sa kanya na naging dahilan para magtama ang ilong namin. Hindi na mawala ang ngiti niya. I liked that! I liked that very much!

Grabe! Parang dati lang napakahirap pangitiin ng lalaking 'to. Ngayon sumasaya na siya sa mga sinasabi ko. Worth it!

"Tin! Nandito ka na pala!" Narinig ko ang matinis na boses ni Anj habang palabas sa shop.

"Hi, Anj!" Kagat-kagat ko ang labi ko sa pagpipigil ng ngiti habang nakatingin sa kaibigan ko.

"Hi Teeny Weeny! Uy Papa Jeff nandyan ka pala. Ang laki ng ngiti natin a!" sabi ni Anj saka tumingin kay Jeff.

Na-conscious yata si Jeff at biglang tinanggal iyong ngiti niya. Napaatras siya nang makalapit si Anj sa aming pwesto. Tinanguan naman niya si Anj bilang pag-acknowledge dito. "Infairness naman dyan sa mister mo a! Dati 'di 'yan ngumingiti at namamansin. Ngayon mukhang napaamo mo na a!" bulong ni Anj. Dinunggo pa niya ang balikat ko.

"Baliw ka talaga Anj," natatawa-tawa kong sabi.

"Ehem! Sige Tin alis na ako. Magkita na lang tayo mamaya," He cleared his throat.

"Ah! Okay Bubu! Good luck sa trial mo." Ngumiti ako para maalis papaano iyong kaba niya kung mayroon man. Ang laki kasi ng kasong hinahawakan ni Bubu ngayon. Kaya nagdadasal ako para sa kasong ito. Sana walang mangyaring masama.

Tumingin si Jeff sa akin pagkatapos kay Anj. "Una na ako."

"Wow! Nagha-hallucinate ba ako or narinig ko talagang kinausap mo ako?" Siniko ko si Anj at kumunot ang aking noo. "Sorry naman 'di lang makapaniwala! Bye papa Jeff! Don't worry akong bahala dito kay Teeny weeny!" Tinuro ni Anj habang ngiting-ngiti dahil ngayon lang siya ina-approach ni Jeff ng bongga.

Tumango lang ulit si Jeff tapos tumingin sa akin. Tingin lang siya ng tingin. Hindi ko alam kung bakit. "Teka Bubu, may dumi ba ako sa mukha?" Kinapa ko ang aking mukha siguro may kung ano rito kasi sa kotse lang kami kumain ni Bubu.

"Hindi, wala." Ngumiti na lang si Jeff at naglakad na pabalik sa kotse.

Nanlaki ang aking mata nang hampasin ni Anj ang braso ko. Naging brutal na naman 'to! "Aray Anj! Bakit nanghahampas ka na naman 'dyan?" Humarap ako sa kanya habang hinihimas ang parteng pinalo niya.

"Hay grabe ang slow mo talaga Tin!" Himutok nito.

"Huh? bakit? Ano na namang ginawa ko?" May ginawa na naman ba ako?

"'Di mo ba gets kung bakit ka niya tinitingnan? Gusto niya nito o!" Ngumuso si Anj.

"Anong ganito?" Ngumuso rin ako.

"Hay grabe! Kiss kiss! Ikaw ba talaga 'yung may asawa sating dalawa? My goodness! Sige na papasok na ako hintayin na lang kita sa loob. Habulin mo na!" sabi niya at pinagtutulakan na akong pumunta kay Jeff.

Ganun ba talaga iyon? Pag tinitingnan dapat bibigyan ng kiss? Tumakbo na lang ako papuntang kotse. Nakasakay na siya at paalis na, kaya kumatok ako sa bintana. Binaba niya iyon. "Bakit Tin may prob—" Hindi na siya nakapagsalita dahil biglang lumapat ang labi ko sa kanya.


Isinulat noong taong 2012.  







Seducing My HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon