Chapter 43

68.2K 726 45
                                    

CHAPTER 43

REVELATIONS

"Huwag kang maingay."

Waaaaa! Hinawakan ko naman yung kamay na nasa bibig ko. Inalis naman niya iyon. Akala ko talaga mamatay na ako. Pero pagtingin ko kung sino ang nagtakip sa bibig ko ay nagulat ako. As in super gulat.

"KUYAAAAAAAAA GLENN? WAAA—" Tinakpan ulit ni Kuya Glenn ang bibig ko. Ang tagal din naming hindi nagkita. WAAAA! Namiss ko talaga siya. Siya yung kuya ni Jeff. Hindi nga siya nakaattend ng kasal namin ni Jeff ee. Kung titignan mo talaga parang si Jeff si kuya Glenn pero ang pinagkaiba ni kuya Glenn kay Jeff ay yung mata tapos yung bibig pati na rin yung hugis ng mukha. Crush ko nga si kuya Glenn dati pero ngayon hindi na kasi si Jeff na lang ang lalaki sa buhay ko. Naks Tin!

"Bakit ka nandito? Delikado rito Tin." Bakit ang sexy ng voice ni kuya Glen. Hihi. Bulungan lang kami baka kasi marinig kami ng mga kidnappers. Feeling ko superhero na talaga ako at saka parang ninja rin.

Nilapit ko naman ang mukha ko sa bandang tenga ni kuya Glenn. "Hihi. Kailangan ako ni Jeff."

Nakita ko naman ang gulat sa mukha ni kuya Glenn. What?! Nalaman na ba niyang si Super Tin ako? Patay!

"Kuya Glenn basta secret secret lang." Hindi dapat niya malaman ang identity ko. Kailangan lahat ay misteryo. Naks! "..basta kuya Glenn kailangan ako ni Jeff, kinidnap siya.."

Napabukas naman ang bibig ni kuya Glenn pero sinara naman niya iyon. "I know Christine." Tapos bigla namang hinawakan ni kuya ang magkabilang balikat ko. "Dito ka lang..huwag ka ng pumasok.. ako na lang"

"Pero kuya—"

"Trust me." Sabi ni Kuya at nginitian ako. Eh? Bakit parang kamukha siya ni Bubu. Erase erase Tin. Kapatid siya ni Jeff.

Then naglakad na papasok si kuya sa loob.

Eh? Ako anong gagawin ko? hintayin sila rito ng walang ginagawa? Pero kasi sabi ni kuya Glenn dito raw lang ako at hintayin sila?

Pero hindi ko naman kaya iyon. Kailangan ilabas na ang mga weapons ko. Kung may bakal na krus lang ako katulad ni Juan Dela Cruz naku sure akong matatalo ko ang mga kidnappers. Pero kasi ngayon palaspas lang ang nadala ko.

Pero okay lang iyon, kaya na to. AJA!

Kumuha ulit ako ng damo at sanga sa paligid. Papasok na ako sa loob. Nung naglalakad na ako sa loob kailangan maingat ako. Kailangan walang sounds na maproduce. Nagmamala ninja nga ako tip toe lang. Ano kayo?

Pero kasi ang dilim sa loob ng bodega. Tapos super tahimik at ang nakakainis ay mabaho. Huhuu. Bakit ganun? Pero hindi dapat iinda iyon kailangan ako ni Jeff. Kailangan ko siyang maligtas. Kaya naming harapin ito.

Sa gilid lang ako. Kapag may naririnig akong yabag ay super gilid ako. May patibong na nga akong ginawa ee. Binudburan ko ng asin ang paligid. Pati na rin bawang. Tignan na lang natin kung makatakas sila.

May narinig nga akong nagsalita ee. "Pre bakit ka ba nagkakalat ng asin at bawang. Gago ka ba?" sabi nila pero nakatago lang ako sa gilid. Kitams? Kumagat sila sa pain ko.

Nice one Super Tin.

Nung lumabas na sila ay naglakad pa ulit ako. Sumilip ako. Nung may nakikita akong liwanag ay nagpatuloy lang ako sa paglalakad sa gilid.

Walang tao. Check.

Naglakad pa ulit hanggang sa may narinig akong taong nagsisigawan.

"Nice! Kumpleto ang mga Lee. Reunion ba ito? Pero mamatay din naman kayo. Kayong lahat. HAHAHAH" Anyare kay kuya? Tawa ng tawa pero ano iyong narinig ko mamatay? Sumilip na ako pero napatakip ako ng mukha ng nakita kong hawak hawak nung mga panget si kuya Glenn. Ginala ko pa ang mata ko. Napaatras ako. Si... Jeff ko. Bakit may may sugat sa mukha? Bakit may dugo? Nakatali siya sa isang poste.

Tapos? Sino...yung kasama niya?...

Napapaatras na lang ako hanggang sa natama ako sa malambot. Malambot? Kinakapa kappa ko pa? ang lambot talaga? Sinundot sundot ko pa. Eh? Parang tyan? Tinaas ko pa ang pagkapa ko. bakit ang lambot. Pero biglang may humawak sa kamay ko kaya napaharap ako.

ANG PANGET.

"Long time no see Mrs. Lee. Good you back here." JAIME SANTOS. YUNG PANGET. YUNG PANGET na dati na nakaviolet na coat. Oo, yun yun hanggang ngayon panget pa rin at sakaaa...bading kasi nakapink na siya na coat. Tapos white pants. Hala! Pinanindigan talagang bading.

"Hello. Hehe Nice to see you." Kumaway pa ako. Niready ko naman ang sarili ko sa pagtakbo. 1..2..3.. Takbo Takbo Tin—

"Saan ka tutungo?" Nanlaki naman ang mata ko dahil hinawakan niya ang braso ko at hinila patungo kila kay Jeff. WAAAAAA.

"Look what I have here? Bro" BRO? Seriously? Napatingin naman ako sa kinakausap ni Jaime Santos? Bakit para naman hindi sila magkamukha? Hindi niya siguro kapatid to kasi may itsura ee, mga kasing age lang siguro ni Jeff tong kinakausap nila. Siguro ito yung pinakapinuno.

Marami ring tao rito. All black sila at nakakatakot ang mukha. Lahat sila halos nakangisi ng nakakatakot.

Lumapit naman sakin yung parang pinakapinuno. Hawak pa rin ni panget slash bading ang braso ko. Pilit kong inaalis pero hindi pa rin ako makawala. Hala? Baka may glue na ang kamay niya aa. Tinignan ko naman si Jeff, gulat na gulat siya. Pati na rin si tito Fernan at kuya Glenn.

"MGA HAYOP KAYO. HUWAG KANG LALAPIT SA KANYA JIM. PAPATAYIN KITA" Napapikit naman ako sa sinigaw ni Jeff. Pilit din niyang kinakawala ang sarili sa pagkakatali niya.

Bigla namang hinablot nung Jim ang mukha nung nakalapit na siya sa akin. Napangiwi ako sa hablot niya. "Ikaw pala ang asawa ni Mrs. Lee!" nakangisi siya.

"HUWAG MO SIYANG HAWAKAN JIM. PAPATAYIN KITA KAPAG NAKAWALA AKO RITO. HAYOP K—"

"JEFFF!!" Sinipa nila si Jeff. Sinipa nila. Nasaktan ang bubu ko. May..dugo. Tumingin ako kay Jim. "Parang awa mo na. Huwag mo siyang saktan ako na lang..." Nangingilid na rin ang mga luha ko. Huwag si Jeff.

Ngumisi naman si Jim at hinawi ang buhok ko. Narinig ko naman ang sigawan ng mga tao. Nakita ko rin sa gilid ng mata ko na pilit kinakawala ni kuya Glenn ang hawak ng mga tao ng Santoses sa kanya. Si Tito Fernan ganun din. Inaalis niya ang pagkakatali sa kanya pati rin si Jeff.

Pilit ko rin tinatanggal ang hawak nung bading sa akin. Ang higpit ng hawak ni Jaime Santos sa akin.

"Maganda siya Jefferson. Maganda." Nagulat naman ako sa ginawa ni Jim hinalikan niya bigla ang pisngi ko.

"HAYOP KA. HAYOP KA. HUWAG MO SIYANG HAWAKAN." Sigaw ni Jeff.

Hindi ko naman matulak si Jim kasi hawak ni Jaime ang mga kamay ko. Hinahalikan na rin ni Jaime ang leeg ko. Hindi ako makailing kasi hawak nung Jim ang ulo ko. Lord.

"MGA HAYOP. MGA HAYOP. MGA HAYO—" Binugbog na nila si Jeff.

Tuluyan ng kumawala ang luha ko. Ayoko na tama na. "Parang awa mo na...tama na.. ano pwede kong gawin? Pera? Gusto niyo?" ayaw ng papigil ng luha ko.

Tumawa naman yung Jim. "I don't need it. Since wanted na rin naman kami.. " huminto siya at nilapit ang mukha niya sa may tenga ko. "...papatayin ko na lang si Jefferson."

Nanigas naman ako sa sinabi niya. Umalis siya tabi ko at naglakad patungo kay Jeff. Lalo akong nawalan ng hangin nung nilabas nung Jaime ang baril niya. "Wow, this is great Jefferson. Makikita nang asawa mo ang pagkamatay mo pero don't worry susunod ko rin naman siya.." sabi ni Jim habang papalakad kay Jeff.

Tinadyakan ko naman patalikod si Jaime sa part ng pagkalalaki niya. Nabitawan niya ako at napahiga siya.

Nakita ko namang malapit na si Jim kay Jeff. Nakatutok na ang baril sa ulo niya.

"Parang..awa mo..na huw—" napapigil ako ng biglang may humawak sa paa ko. Hinila ni Jaime ang paa kaya nadulas ako at natama ang ulo ko sa sahig. Naniningkit ang mata ko at parang dumodoble ang paningin... naramdaman ko rin na parang may malagkit sa may ulo ko. Dugo.

"HAYOP. HAYOP KAYO..TIINNN. TINNN" Rinig kong sigaw ni Jeff bago ako napapikit.

Seducing My HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon