// 11 : Dark Sky

20.6K 592 65
                                    

{ Love Rain // 11 }

"Ano ng balita?"

Kenji's POV.

Iyon agad ang narinig ko na tanong ni Rina pagkapasok na pagkapasok niya ng bahay namin. Sabado ngayon, at hanggang ngayon, wala pa rin akong natatanggap na reply.

Sa mga hindi nakakaalam sa kung saang reply, ito ay ang reply sa iniwang kong tanong sa may locker ko para kay Rain. Hindi kaya, hindi pa niya nababasa? Nasa locker ko pa rin kasi yung papel at ni isang guhit ay walang nakasulat.

<"Pwede ba tayong magkita, Rain?">

Yan lamang naman yung nilagay ko sa locker ko at ang tanong na hinihintay ko ng kasagutan. Natapos na nga pala ang field trip, hindi ako nakasama dahil sinamahan ko yung kapatid ko. Masaya naman yung field trip na pinuntahan ko, umambon ng konti tapos minsan natila tapos uulan ulit. Taga payong nga lang yata ni Ashley ang naging trabaho ko dun eh.

"So, pano yun? Hindi niya sinasagot?"

"Uhm.. Rina, hihintayin ko ang Friday."

"Eh? Hmm, sabagay, baka di pa niya nababasa!"

Nagsimula naman kaming magkwentuhan ng kung ano ano. Tulad ng mga napapanuod sa TV. Yung mga kung ano anong pinag-gagagawa ng mga PBB teens. Chika lang :p

Nanunuod lang kami ng movie na binili na illegal, dahil nakakita si Rina ng DVD sa kwarto ko nung marinig ko ang konting tunog mula sa cellphone ko.

Inabot ko yung cellphone ko habang patuloy na nanunuod si Rina. Kumakain pa nga siya ng mga 'snacks' na nakita niya sa bahay namin eh. Feel at home siya kasi eh. Jk.

Pagtingin ko sa screen ay biglang tumibok ang puso ko. Kinakabahan na parang ewan. Akala ko nga sasabog na eh.. siguro dahil, hinihintay ko talaga yung text niya.

- - - - - - - - - - -

From: Rain

Bakit?

- - - - - - - - - - -

Yan lamang yung nakalagay pero parang alam ko na kung ano yung tinatanong niya.

- - - - - - - - - - - - - - - - - -

To: Rain

Gusto kita makita?

(Short Story) Love, RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon