// 19 : Rain Umbrella [End]

28.6K 1.1K 263
                                    

{ Love, Rain // 19 }

"Ma'am? Ma'am..?"

Kenji's POV.

Halos mabigla ako nung nakita ko yung flight attendant na nasa harap ko. May pagkanerbyosa pa man din ako dahil napasobra ata ako sa kape.

"Ma'am, we're already at the Cebu Pacific Airlines.."

"Ah, thank you."

Nagmadali akong tumayo. Hay naku naman kasi, yan ang hirap pag walang kasama eh. Nakatulog tuloy ako ng sobra! Ang sakit sakit pa man din ng ulo ko!

Naku naman, umuulan pa ngayon? Eh wala akong payong!

Magpapasundo na lang ako kay Rina? Pero ang alam ko may shooting siya nung bago niyang drama sa TV eh, so baka di niya ako masundo?

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Napansin ko naman ang pagbabago ng lugar. Namiss ko tuloy ang Pilipinas :')

O___O

Speaking of Pilipinas,

Napatgil ako sa paglalakad. Ayyy! Talagang ang bobo ko talaga! Hindi ko na nakita yung katabi ko! Di ko tuloy na - confirm kung siya nga yun.

Sumakay na ako ng bus papuntang Batangas. Pamasid masid lang ako sa bintana. Buti naabutan ko tong bus na to, aandar na kasi eh, pero nakita ako ni Manong na sasakay kaya bumukas yung pinto nung bus. Buti na lang, mahirap mag abang ng bus eh.

Nakalimutan ko nga palang sabihin kung bakit ako bumalik. Ang totoo niyan, dito ako mag aaral para sa kahuli-hulihang year ko sa college. Eh kasi, bumagsak ako sa school sa Korea. Ang hirap kasing mag take ng Korean lessons kaya tuwing nagdidiscuss, nga-nga lang ako :/

"Yes sir, nasa Pilipinas na po ulit ako."

Hindi ko alam kung anong nangyari sa katawan ko. Naging bato eh, nung narinig ko yung boses na nasa likod ko. Parang boses kasi yun ng gustong gusto kong marinig ngayon.

"Ayos naman po sir yung 1 year exchange program nila."

Gusto ko mang sumilip sa likod ay hindi ko magawa dahil may katabi akong babae. Nag cecellphone pa. Baka maarte? Husgahan agad daw ba.

(Short Story) Love, RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon