// 2 : First Raindrop

29.9K 790 38
                                    

{ Love, Rain // 2. }

Kenji's POV.

"Kenji, pumunta ka daw sa faculty!"

Tiningnan ko yung nagsalita. Yung Vice President pala namin. At pagkatingin ko sa kanya, napa atras ako. Eh, nag iisip pa kasi ako kung san ako pupunta pero parang siya na yung nagsabi.

"Bakit daw?"

"Hala ka. Hahahaha, basta, pumunta ka daw eh!"

Uh, may nagawa ba akong masama? Hala, ma-guguidance ba ako? O__O

Imbes na mag iisip pa ng malalim, umakyat na ako ng hagdan at pumunta sa daan ng faculty room. At ayun, room 203, ayan na, malapit na! Ano kayang nagawa ko? Maling mesa siguro yung napatungan ko ng mga gamit ni Ma'am? Pero, noon pa yun eh, baka hindi yun. Para malaman na,  hinawakan ko na yung doorknob, at pinihit.

 "Oh, buti at narito ka na Ms. Candava"

Ngumiti ako kay Ma'am. Yung konting ngiti lang. At teka, andito si Bryan O___O

"Upo ka dito, Ms. Candava,"

Lumapit ako kay Ma'am. Andun din si Bryan, nakaupo dun sa upuan. Umupo na rin dun sa isang upuan, malapit sa kanya. Nakatungo akong umupo, nahihiya kasi ako eh.

Bakit nga pala kausap ni Bryan yung guro namin? Eh hindi naman niya yun adviser? Baka, may inuutos? O baka, mamaya, wala si Ma'am kaya siya nautusang sabihin dun sa klase nila?

"Ms. Candava, ang mga majors mo ay lahat ay 73. Kung hindi 73, 72. Ang highest mo lang ay English na 74."

Napatungo pa ako ng sobra dun sa sinabi niya. Waaa, bakit sa harap pa ni Bryan? Nakakahiya tuloy, sobraaa. Hindi naman ako 'bobo' pero ano, sadyang mahirap talaga yung test. Promise!

"At baka ikaw lang ang di makagraduate sa ating section, Ms. Candava."

Ganun? Ganun ka-seryoso? Kung ganun, mag aaral na pala ako > O <

Nakalimutan ko, masyado kasing high standard tong school na to. Sobra, parang sa Maynila ka nag-aaral at ang mga estudyante dito, puro matatalino. Matalino ako kaya nakapasok ako dito pero hindi na ko matalino dahil may mas matalino pa pala sa'kin. Gets niyo? T___T

"Pero syempre, as your adviser, alam ko namang you're working hard. Hindi ka naman makakaabot sa fourth year kung hindi ka matalino. Kaya, sa tingin ko, you need a guide.."

(Short Story) Love, RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon