// 7 : Love Signs

23.3K 654 40
                                    

{ Love, Rain // 7 }

"Sobra kasi akong nanlumo nung nalaman kong hindi kita mabibigyan ng gift kaya hindi na muna kita pinansin. Nahihiya kasi ako sa'yo >___<"

Kenji's POV.

Nasa isang special na restaurant kami ngayon. Parati kami dito kumakain. Hindi naman siya sikat na restaurant o isang mala grandeng restaurant pero lagi kami dito pumuunta tuwing friendship anniversary namin. Masaya dito at para bang may enerhiyang dito na maari kang magkwento ng kahit ano at magiging tapat ka sa iyong kausap. Masaya din dito kaya dito namin napiling pumunta nun at hanggang ngayon.

"Happy 3rd anniversary! Yehey!"

Tinuos namin ang baso namin na naglalaman ng stawberry yogurt. Yun siguro ang isa sa mga dahilan kung bakit kami bumabalik din dito sa restaurant na ito. Masarap yung yogurt nila eh.

"Stories, stories, stories! > w <"

Nagkwento muna si Rina tungkol sa kanyang pag momodel. Kung gano daw siya na-pressure nung unang click ng camera, yung moment daw na namimili ng accessories na isusuot sa kanya at yung moment daw na ikaw mismo yung pipili ng pictures na gusto mo. Next month pa pala ang release ng magazine kung san siya naka front cover pero nakuha niya dahil nag sign siya ng contract sa kanila. Ibig sabihin, ako yung unang nagkaron ng magazine na yun.

Patuloy naman kami sa pagkwento ng lahat lahat. Kinuwento ko rin yung ginawa ko nung di niya ako pinansin. Napatulo tuloy yung luha niya at patuloy na nagsorry sa'kin. Kinuwento ko rin yung nakita ko sa bulletin board yung name ko dun sa possibleng mag repeat.

"Rina, crush mo pa rin ba si Bryan?"

Napatingin siya sa'kin na parang hindi makapaniwala sa tinanong ko. Muntik pa nga niyang mailuwa yung kinakain niyang brownies eh.

"Alam mo, nagpapasalamat ako sa kanya kasi hindi siya yung nag confess sa'kin! Kasi, nakilala ko ng lubos si Lawrence! Nung una akala ko hindi ko talaga siya matitipuhan kasi nga medyo hindi naman sya gwapo pero habang tumatagal, nagiging gwapo na siya sa paningin ko. Ahi, nahihiya naman ako XD"

"Sobrang mahal mo na si Lawrence?"

"Kenji, hindi naman kami tatagal ng 2 years kung hindi di ba? At saka, 2nd year ko siya naging crush. 4th year na tayo Kenji!"

"Ah.."

Kinuha ko yung baso at kinain yung yogurt na natitira.

(Short Story) Love, RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon