CHAPTER 41

19.2K 379 8
                                    

CHAPTER 41

 

 

 

KENNETH POV

 

 

Nyeta naman!! Anong ginagawa ng lalaking ito dito?!! Hindi niya ba alam nakakadistorbo siya sa date namin ni Max?! BWST!!

“Sige, Max. Alis na ako!” Buti naman. Mas mabuti pang wag ka ng magpakita. Tsk.

“Oh, nakabusangot ka nanaman jan.” malamang! Umiistorbo yung bwst na Zaan na yan ehh!! “Seloso talaga to. May binigay lang sa akin si Zaan noh?!”

“Eh kahit na! Kita mong nagmomoment ako, bigla ba namang eepal. Nililigawan ka din ba nun?”

“Malay ko.” MALAY?! Eh mukha nga ehh. Bwst!! Naglibot na lang kami ni Max para mabawas bawasan ang pagkastress ko.

Aakbayan ko na sana si Max ng bigla siyang lumayo. TSK!! Sayang.

“Teka, si Daniella yun ahh!” Turo niya sa isang babae. Oi! Si pareng Dennis pala yun ahh. Teka, paano niya nakilala si Daniella? Si Daniella ang girlfriend ni Dennis. Seryoso yan!

“Paano mo nakilala si Daniella?” Tanong ko sa kanya.

“Bat kasama niya si Dennis?” Tanong niya naman sa akin. Nu ba yan, di man lang sinagot tanong ko. Siya pa tong nagtanong.

Nilapitan namin silang dalawa. Talaga tong si Max, hindi niya ba nakikita mukhang seryoso ang pinaguusapan?

“Daniella!” Bati ni Max kay Daniella. Nagulat silang dalawa sa pagbati ni Max. Anong meron? Hindi naman mukhang multo si labidabs ko ah?

“Ahh.. Ma—max! Hi. Hehe.” Sabi niya na ngumingiti ngiti. Pilit siya.

Stereo Hearts [BOOK 1] *Self-Published|Out of Stock*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon