CHAPTER 15

23.9K 382 7
                                    

CHAPTER 15

 

 

 

Two months na ang nakalipas simula ng magtrabaho ako kay Laurence. Binigay naman niya ang pera na pinagusapan namin na magiging sweldo ko. Medyo awkward pa din ang sitwasyon namin. Dahil nga doon sa pagpapakealam ko nung picture. Pero para sa akin, okay naman dahil kaunti lang ang binibigay niyang trabaho kaya hindi ako nahihirapan.

Minsan wala siya sa bahay niya kaya Masaya diba? Pero minsan, sa bahay ni Laurence sila nagiinuman kaya ayun! Madaming trabaho na naghihintay sa akin. Hindi pa pala alam ng mga kaibigan niya na nagtratrabaho ako sa kanya. Pagnasa bahay kasi ni Laurence silang magkakabarkada wala ako, pagandun naman ako tulog na sila or lasing na lasing kaya hindi nila nahahalata o naaalala man.

Wala rin akong balak na ipaalam sa iba or malaman man nila. Una, ayoko sa kanilang magkakabarkada. Pangalawa, ang magtrabaho kay Laurence ay hindi pinagyayabang. Bat ko pagyayabang iyon kahit na sabihin nating heartthrob ngatong si Laurence? Yayaman ba ako?

“Darating mga kabarkada ko mamaya kasama mga girlfriends nila.” Oh tapos?? Ano naman ngayon? Andito pala ako sa bahay ni Laurence. Punta daw kasi ako, importante lang. Ano kaya yun? “I need a big favour from you.” Favour favour. Utot.

“Ano?”

“Be my girlfriend.” Nabibingi ba ako? O naghahalucinate ako? O nananaginip man? Kung nananaginip man ako, sana po magising na ako dahil nababangungot na ako!

“Ano?” Sabi ko.

“Pumayag ka na.”

“At bakit? Ano nanaman ang binbalak niyong magkakaibigan? Hindi mo ba alam kung ano ang nangyari sa kaibigan mong si Jared?

“Alam ko. Aish! Arasseo! Sasabihin ko na. Ganito kasi yun, pinagpustahan ka namin—“

“Tangina naman Laurence oh!”

Stereo Hearts [BOOK 1] *Self-Published|Out of Stock*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon