CHAPTER 40.2

19.4K 321 9
                                    

 CHAPTER 40.2



SHIN POV

 

 

Andito ako ngayon sa harap ng bahay nila Clarence. Ewan ko ba bat gustong gusto kong tumambay dito. Okay fine fine, aaminin ko. May gusto pa ako kay Hime, but unlike nung dati. Hay nako.

“Oh, andito ka nanaman?” Sabi niya habang nakataas ang isa niyang kilay. Kasama niya ngayon si Laurence.

“Hoy! Shin! Layu layuan mo nga ang girlfriend mo kung ayaw mong maupakan.”

“Hahaha! Chill lang. Bakit Hiro, natatakot ka bang… baka mahal pa ako ni Clarence at bumalik pa siya sa akin?!”


“Manahimik na nga kayo para kayong bata. Samahan niyo na lang muna ako sa bahay.” Sabi niya sa amin. Wala kasi ang kuya niya may pinun tahan. Ewan ko kung saan. Something related daw sa school yun. Bukas pa ang balik.

Pumasok naman kaming dalawa ng pangit kong pinsan at umupo sa sofa. Feel at home lang kami, nakataas pa talaga ang paa. Wahaha!

“Mga senyorito. Baka gusto niyongipagluto ang prinsesa niyo?” Sabi ni Hime at nakapamewang.

“Wow! Prinsesa? Asan? Maganda ba? Chicks?” Asar ko sa kanya. “Pre, may prinsesa pala dito.” Sabi ko kay Laurence.

“Oh talaga?! Sino? Anong pangalan niya? Oonga, chicks ba yun Renz?” asar niya kay Clarence na nakakunot na ang noo. Hindi na lang niya kami pinansin at pumunta na ng kusina.

Nagtawanan naman kami pagkawalk out niya.

“Kulit lang!” Sabi ko.

“Yeah. Ang bilis niyang maasar. Kaya ang sarap pikunin. Hahaha!” Natawa na lang kami. Yun din ang ginagawa ko lagi kay Renz nung kami pa. Pagwala akong magawa pinagtritripan ko siya. Wehehehe~

Stereo Hearts [BOOK 1] *Self-Published|Out of Stock*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon