CHAPTER 16

21.8K 413 32
                                    

CHAPTER 16

 

 

 

“CLARENCE SOBELA?!!!!!!” Sigaw nilang lahat na magkakabarkada. Oo LAHAT SILA! Pati si Jared.

“Weh?? Hindi nga?”

“Babe, ayaw nilang maniwala pakilala ka nga at matauhan ang mga mokong na to.” BABE?!! SHIT!! Goosebumps. Nakakakilabot!! YUCK!! KADIRI!!

“Hi! Ako nga pala si Christina Clarence Sobela. Girlfriend ni Laurence.” Sabi ko at nagsmile ng konti. Nandidiri pa din ako sa sinabi ni Laurence. BABE?!! YUCKKK~

“Oh, ano naniniwala na kayo?”

“ANDAYA NAMAN CLARENCE!! Bat si Laurence sinagot mo! AKO HINDI!!” Sabay turo pa ni Jared sa sarili niya. Paano ko ba to sasabihin. Magsisinungaling ako? Aish! Oona. Para sa kapakanan ni Mr. Mizushima at ang kanyang isang milyong piso para kay Gabriella at isa pang 1milyon sa akin. Ahihi~ TAGHIRAP EHH! BAT BA!

“Eh kasi… nagpakatotoo siya. Ikaw hindi.” Sabi ko na lang. Takte! Gusto kong sabihin sa kanya na, HALATA KA KASI NA MAY INTENTION KA LUL!

“Ai! Daya. Tsk. Oh well, happy naman na ako sa girlfriend ko ngayon.” Totoo na kaya iyon?

After nun pinakilala niya na ang girlfriend niyang si Alyssa. Sumunod naman ang iba niyang barkada at ang ilan ding hindi ko pa kilala. So ang mga magkakabarkada ay sila, Laurence, Jared, Michael, Steve, Ryan, Dennis, Kenneth Legaspi, Jonathan Jimenez, Lance Quizon, at Ryugi Gonzales.

“KAINAN NA!” Sigaw ng mga lalaki. Nagunahan na silang magsialisan. Aalis na din sana ako para kumuha ng pagkain pero pinigilan ako ni Laurence dahil siya na lang daw ang kukuha. Pakitang tao -______________-

Stereo Hearts [BOOK 1] *Self-Published|Out of Stock*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon