Chapter 17

1K 24 1
                                    

CHAPTER 17

[AIRI’S POINT OF VIEW]

Lumipas ang 3 days na paring Segundo lang. Ang bilis nga eh. -__-

At sa buong 3 days na un, di ako kinausap ni Alex. Baliw un eh! May topak ata. -______-

Kaya si Hiroto nalang ang dinadaldal ko.

At infairness, sa lumipas na 3 days, medyo nakakapagtagalog na sya.

Kilala nyo un, henyo. -_______- Mala-Kei Takishima ba ang peg. XD

At sa loob ng 3 days, nagkasundo sina Steff at Luke.

Malay ko ba sa dalawang un but I smell love in the air between them. XD

Ambilis noh, lagpas one week palang sila magkakilala.

At ung dalawang babaita at ung isang lalaki kong kaibigan, ayon, landian pa ang peg. XD

Naghahanap ng fafa ung isa, sexy naman ung isa, at ung isa naman, ayon, nalaman kong may crush na pala. XD

Da who? Ang kuya ni Steff na model.

Pinalayas kanina ni Kuya Vin ung dapat susundo sakin kasi sabi nya ihahatid daw nya ko. At isa yung himala! Aba, minsan lang nya kaya ako ihatid. XD

“Nice Kuya, anong nalaklak mo at natripan mo kong ihatid? Ikaw ha, lumalablayp ka siguro ngayon noh? O di naman kaya may ipapagawa sakin? Alin don??”

“Hay nako, tanungin mo ang sarili mo kung bakit. Psh.”Sabi nya sakin with matching rolling eyes pa.

“Haaaaaah?????”-ako

“Basta mamayang uwian, ako ang maghahatid sayo, susunduin kita, okay?!”

Makapag-utos toh, akala mo alipin ako sya master ko. Tss.

Sarap tuloy nyang sapakin eh, kung wala lang ako sa mood ngayon eh.

“Oo na! Oo na boss! Opo! Babuuu!”Sabay labas sa kotse at pumasok sa gates ng school.

Ewan ko ba, paggising ko kaninang umaga, tinatamad na ko pumasok.

Tapos para bang duling ako at dalawa ang nakikita ko pero normal lang siguro un. XD

Kaya eto ako gora sa pagpasok. Haha!

---

Err...

Ang sakit ng ulo ko. >.<

Ewan ko ba kung dahil ba sobrang hirap ng lesson ngayon o dahil sa dalawang katabi ko na mainit ang dugo ngayon?

Buti nalang at biglang tumunog ung bell kaya tapos na din sa wakas ang class hours.

The rest of the time kasi is practice nalang para dun sa mga sasali sa Showcase.

3 weeks nalang kase. ^___^v

Ung feeling na matutulog sana ako ng biglang may dumapo na kamay sa noo at leeg ko.

Kanino naman tong mga kamay na toh? ~__~

Pagtingin ko, O_____O

Kamay ni Alex ung nasa leeg at kamay ni Hiroto ung nasa noo.

Abaaaah! Anong trip nitong dalawang toh!?

“B-Bakit?”-ako

Medyo nagtitinginan na samin ung mga kaklase naming kasi silang dalawa talaga ang agaw pansin dito sa classroom, correction, sa school pala. -______-

“Go to the infirmary.”-Hiroto

“May lagnat ka.”-Alex

Huh???????????????????

A Love Tale(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon