Chapter 4.1

1.4K 34 9
                                    

CHAPTER 04.1

[AIRI’S POINT OF VIEW]

“What are you doing here?”

Ay anak ng tokwa!!! WAAAAAAHHH!! Maoout of balance ako!!

Dumulas ung kamay ko dun sa may railings.

“AAAAAHHHHH!!!!”Napapikit ako. Ohmigosh, alam ko pagkamulat ko nasa langit na ko!! Lord ayoko pa mamatay!!!

Pero ilang Segundo na ko nakapikit at di ko pa rin nararamdaman ang lupa. Sobrang taas ba ng 5th floor? Minulat ko ung mata ko. Teka... nasa rooftop pa rin ako at....

Hawak hawak ni mayabang ung isang braso ko at ung likod ko. Kahit na walang ekspresyon ung mukha niya, kita ko ung bakas ng kaba niya.

Ibinaba niya ko sa sahig mula sa pagkakaupo ko dun sa railings.

“Stupid Clumsy Girl. Parati nalang kitang nililigtas. Paano pa kaya kung hindi ako dumating eh di wala ka na dito sa mundo ngayon?”Sabi ni mayabang.

+___+

Stupid? Clumsy?

“Eh ikaw kaya ang may kasalanan kung bakit muntikan na kong mag-goodbye world kanina! Bigla ka nalang nagsalita kaya nagulat ako! Bwiset! Kung di ka dumating eh di sana di mangyayari un.”Kumalas ako sa pagkakahawak niya.

Grabe kaya, ang lapit niya sakin. >___< Lumayo nga ako. I need SPACE. XD Tara sa NASA!

=__= okay di kayo natawa, ako na korny.

“At anu namang ginagawa mo dito?!”Feeling ko inii-stalk ako nito eh. Kahit saan ata ako magpunta nandun siya. =___= Bakit ganun? Kung sino ung pinaka ayaw mong makita un ung mas nakikita mo.

Tumalikod siya sakin at naglakad papunta dun sa pintuan. Mukhang aalis na ata. May sinabi ba kong umalis siya? Anyway, gusto ko naman talaga siyang umalis in the first place.

Pero akala ko lang pala un. Hinawakan niya ung doorknob at binuksan ung pintuan pero di siya umalis, binuksan niya un todo todo hanggang sa nakikita ko na ung papel kanina na nakita ko dun sa may pintuan.

Tiningnan niya un. Lumapit ako para mabasa ko ung nakasulat.

Alexander Lee’s property. Do not enter.

Feeling ko nagsilabasan na naman ang angry vein ko sa ulo. +____+

Feel ko bigla manapak, di ko alam kung bakit. Takte, pahiya ako dun ah! Ako pala ang dapat umalis dito, di siya. Property niya pala toh pero teka teka nga lang!!!

“Paano mo naman toh naging property aber?!”Pagmamay-ari ata niya tong school ah.

Tumingin siya sakin with his expressionless face.

“Wala naman talagang rooftop dito in the first place. Pero dahil ang Lee Group of Companies ay 75% ang shares dito sa school, hinayaan lang kami ng board of director na magpagawa ng rooftop dito sa school. And since hindi naman toh binayaran ng school kaya di siya student’s property and it’s only the Lee Group of Companies member,staffs and crews property.”

Barado ako dun ah. Wala akong maibato sa kanya. =___=

Grabe, 75% ang shares nila dito?! Eh 100,000 plus ang tuition fee ko dito eh! Edi sila na! Sila na mayaman! >__<

“Sige na, ikaw na! Ikaw na nag-mamay-ari nito. Di mo na kailangan sabihin, lalayas na ko ngayon din.”At nagsimula na kong maglakad ng padabog palabas. Edi sila na may-ari nito. Pssshh. >____>

Naglakad siya dun sa tabi ng railings at umupo. Nakasandal siya sa may railings at naglabas na naman ng libro. =__= The hell, puro nalang siya basa! Simula nung first class hanggang ngayon nagbabasa kaya siya. Gaano ba kakapal yang libro na binabasa niya at parang di ata matapos tapos?!

“Then bahala ka. Wala akong pakialam kung umalis o mag-stay ka. As long as you’re not going to bother me.”Then back to reading mode ulit siya.

I stopped in my tracks. Anung sabi niya? Nabingi ata ako. Is he...

Telling me to stay? Sabi ko nga bingi ako. =__= Wala daw siyang pakialam kung umalis ako or mag-stay eh. Bingi nga ko. Papatingin na nga ako sa EENT ko mamaya. Or baka kay Kuya nalang, nagmemedicine naman un eh. Naknang tofu talaga oh, -____-

Nakatayo lang ako sa kawalan dito. Anu ba dapat kong gawin? Umalis o mag-stay? Ayoko namang makasama tong mayabang na to since kasama ko na siya simula kanina pang umaga, pero... gusto ko naman mag-stay kasi may fresh air dito. Okay... what to choose?!

“Tell me anung nangyari!!”

“Nag-usap ba kayo? Nag-kiss? Kyaahh!! I’m craving naaaaa! Tell us now!”

“Tse! Lumayo layo kayo sakin Steff, Canada at Arika! Nakikita niyo toh?”Tinaas ko ung kamao ko. “Babagsak toh sa ulo niyo pag di niyo ko tinantanan. Sinabi ko naman sa inyo na walang nagyari, okay?! Di kami nag-usap o kahit ano. Inimagine ko lang na di siya nag-eexist sa mundo ko!! OKAY?”

Grabe lang... ung feeling na halos hilahin nila ko kung saan saan para lang tanungin kung anong nangyari kanina. Eh wala naman nangyari kanina eh.

Nag-stay ako pero nasa magkabilang dulo kami. Para kaming magkagalit.

Bakit hindi ba? O.o?

Tapos para di ako mainis tuwing nakikita ko ang pagmumukha niya, inimagine ko na di nalang siya nag-eexist sa mundo ko. Siya naman, parang invisible lang din ako sa kanya. Di niya ko pinapansin. Concentrate na concentrate dun sa binabasa niya. Ba’t di nalang niya pakasalan ung libro diba?

A Love Tale(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon