Chapter 2

1.7K 37 7
                                    

[Alexander Skye Lee on the right--->>]

CHAPTER 02

[AIRI’S POINT OF VIEW]

“Airi, ready ka na ba?”Tanong ni Kuya sakin na palabas na ng pintuan.

“Teka Kuya sandal! Sinusuot ko pa ung sapatos ko!! Waiiiit!”Sinuot ko ung sapatos ko at dali daling sumunod kay Kuya.

“Sumakay ka na sa kotse.”

Sumakay ako dun sa kotse at nagsimula na siyang magdrive.

Siya si Samuel Vincent Montez, 19  years old at nag-aaral siya ng medicine ngayon sa UP Diliman.

Ewan ko kung bakit sa lahat lahat ng course na pagpipilian eh ung pinakamahirap pa.

He’s the biological brother I’m talking about. Kaming dalawa lang ni Kuya ang bloodrelated kina Mama at Papa. Tapos half sisters at half brother namin ung ibang anak ng mga magulang namin.

Ang laki ng pamilya namin ni Kuya noh? Meron akong half sister kay mama at half sister at brother naman kay Papa. Buti nalang at tanggap kami ng mga napangasawa nina Mama at Papa kaya dalawa ang nanay at tatay namin.

“Andito na tayo sa school mo, GVH.”

GVH = Golden Ville Highschool

Pumasok kami ni Kuya sa Campus at wala namang tao kasi Sunday. Si Kuya na ang pumasok sa Principal’s office para ayusin ung iba pang kailangan.

“Kuya, dun muna ako sa may kotse, may nakalimutan ako eh, ung cellphone ko ata naiwan ko dun.”Pumayag naman siya at iniabot sakin ung susi ng kotse.

After kong makuha ung cellphone, may nakita naman akong malapit na tindahan ng streetfoods dun kaya lumapit ako.

“Ate, pabili po ng 20 pesos na kwek kwek tapos isang sago’t gulaman.”Nag-abot ako ng 50 pesos. Nung hinihintay ko maluto ung kwek kwek bigla nalang may sumigaw.

“KYAAAAH!! MAGNANAKAW!!!”Napalingon ako at tumakbo papunta sa direksyon ko ung magnanakaw kaya sinubukan kong patirin ito. At napatid ko nga siya, anu ba yan anong klaseng magnanakaw toh. =________= LAMPA.

Nung kukunin ko na ung bag para ibalik sa may-ari bigla siyang tumayo at tinutukan ako ng kutsilyo. Ung ibang tao naman dun nagsialisan at nag-atrasan.

“Wag kang lalapit kundi isasaksak ko toh sayo.”Banta sakin nung magnanakaw. Ngumisi ako. Di ako mabilis matakot sa mga ganyan. At ang cheap, kutsilyo? -____-

“Mahuhuli ka din nila kaya para saan pa ang mananakaw mo? At kung papatayin mo ko, mas bibigat lang ang sintensya mo, kaya kung ako sayo, itigil mo na yan.”

“Ang lakas din ng loob mong babae ka!”Sumugod ito sakin at akmang isasaksak ung kutsilyo niyang dala sakin. Nung bigla nalang may sumulpot na bola sa harapan ko at tinamaan ang kamay ng magnanakaw. Kaya ung kutsilyo na hawak niya ay nabitawan niya. Napatingin ako kung saan nanggaling ung bola at nanlaki ang mata ko.

A Love Tale(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon