Chapter 56: Expectation Vs. Reality

18K 79 4
                                    

Hindi pa rin siya makapagmove on sa sinasabi ko sakanyang 'Magsunog siya ng kilay' dahil hanggang ngayon ay tawang tawa padin siya. Sinabihan ba naman ako na nakakatawang tao daw ako!

Nakatambay lang ako dito sa kwarto niya para tingnan kung anu ba talaga ang ginagawa niya kapag nakastuck lang siya dito sa kwarto niya. Malay mo naman may ginagawang kababalaghan diba? Pero ito padin siya ngayon, nagpupumilit na magsunog ng kilay sakin Literally!

"Talagang hindi mo titigilan yan ano?!" Pagsita ko naman sakanya at pilit na kinukuha ko na yung lighter sa kamay niya pero ayaw niya pading magbitaw. Nako naadik na ata 'tong si koya!

"Sabi mo kasi magsunog ako ng kilay! ITOOOOO NAAAAAA!" Nakita ko ang lakas ng pagkasindi niya sa lighter then nagulat nalang ako nang bigla niyang tinutok ang apoy sa kilay niya! Ang lakas ng trip niya!

"Para yan sa pagaaral kong magsusunog ako ng kilay! Huuuuuuuuu!" Mistulang napanganga nalang ako sa ginagawa niya. Ano ba akala niya? Yung literal yung pinapagawa ko sakanya?!

"Sunog na yung kilay ko waaaaaaaaa! Ang sakit!" Hindi nalang ako tumawa sa harapan niya pero ang sakit na ng tyan ko, kakapigil ng tawa! HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!

Tumakbo naman agad siya sa CR niya para tabunan ng tubig ang mukha niya. Kalokohan kasi nitong lalakeng 'to e! Hindi mo malaman kung ano ba talaga ang trip sa buhay! Pinasok ko naman siya sa CR at nakita kong todo hilamos siya sa mukha niya. Hinimas himas ko naman ang likod niya habang umuungol ungol pa din siya dahil sa sakit ng pagsindi niya ng apoy dun sa kilay niya.

Matapos naman niyang maghilamos ay bigla siyang humarap sakin. Basang basa ang mukha niya at hindi pa din nakakapagpunas ng mukha. Tiningnan niya ko sa mukha na masyado siyang worried sa kilay niya. Nakita ko naman ang kilay niya na parang wala namang diperensya pero hindi ko talagang mapigilang tumawa!

"HAHAHAHAHAHAHAHA! WALA KA NANG KILAY! HAHA!" Pagbibiro ko sakanya kasabay ng mahinang paghampas ko sa may bandang baba ng balikat niya sa sobrang tawa ko sakanya. Pagtingin naman niya sa salamin sa harap namin ay napasigaw naman ito. Talagang naconscious talaga siya o? Akala ko walang pagbabago pero biglang numipis ang kilay niya! Nakita ko din sa pagkanipis ng kilay niya, na may pagkahati din ito sa side. Nakakatawa siyang tingnan! Lalo na't para pa siyang bata na masyadong conscious sa ginawa niya.

"Waaaaaaaaa! Ang nipis pa! Magpapakalbo na koooooo!" Ang OA talaga nitong magreact kahit kelan. Tapos nakita ko sobrang kamot na kamot pa siya sa buhok niya dahil sa nangyari sa kilay niya.

"Ang OA mo po! Lagyan mo nalang ng eyepatch! Parang si Captain Hook! Hohohohoho~" at ginaya ko naman ang mga action ni Captain Hook bilang pangasar sakanya! Hahahahaha! Nakakatawa talaga siya! Lalo na't ngayon na parang iiyakan pa ata niya!

"Hindi na 'ko gwapo! Wala na akong kilay!"

"Bakit kelan kaba naging gwapo? Hahahahahaha!"

Patuloy parin ang pangaasar ko sakanya hanggang sa paglabas namin ng CR. Todo tingin pa siya sa salamin. Masyado talagang conscious!

"Eh kung bumili nalang kaya ako ng fake eyebrows?"

"Eeeeeeeew! Yaks! Bakla ka ba? Dinaig mo pa 'ko! Hindi ako marunung gumamit ng ganun!"

That Elementary Jerk! (Jerk Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon