Chapter 41: Rings

21.9K 94 9
                                    

Titig na titig pa rin ako sa lamesa hanggang sa umalis na yung ex worker ko sa harapan namin. Nakakahiya kasi talaga kung mamukaan niya ko kasama si Phyllis. Baka sabihin nun mas pinipili ko pang sumama sa ibang lalaki para kumuha ng pera kaysa magtrabaho. Alam mo naman silang magsalita. Akala mo walang pinagdadaanan yung tao kung makapagsalita.

Hindi naman ako makatingin sa paligid ko dahil ayoko talagang mapansin nila 'ko.

"Nakalimutan kong umorder ng isa pa!" sabi naman ni Phyllis na bigla naman siyang tumayo para lumapit pa sa ipapadagdag niya. Nakakabato din 'tong lalaking 'to minsan e----- madalas pala.

Habang wala naman siya, binalak ko namang buksan ang sobreng natanggap ko dun sa adminitration office. Nung pagkakapa ko kasi nun ang kapal sobra. Baka sobrang dami ko na talagang utang! Hindi pwedeng tutunganga lang ako para lagpasan yung utang ko. Pinikit ko muna ang mga mata ko nang kapain at buksan ko ang envelope na ito. Kinakabahan ako. Here comes burden dreams.

Pagkadilat ko naman ng mga mata ko, biglang nanlaki agad ang mga mata ko. Tama ba 'tong nakikita ko?! 1000+2000+400+5400?! "This can't be happening!" pabulong ko naman sa sarili ko. Ang dami kong hawak na papel! In a total amount of 8800 pesos and counting! I'm gonna die right now!

"Anu yang tinitingnan mo?" kanina pa kaya siya nakatingin? Hindi ko kasi napansin. Masyado kasing lumuwa yung mga mata ko sa nakita ko. Nilagay ko naman agad ang sobre sa bulsa ko. "Ah envelope lang" I plainly said to him. I expected na kukulitin niya ko about dun sa envelope pero hindi naman. Instead parang napangiti pa siya dahil hindi ko pinakita sakanya. What's wrong with him? Imposible naman kasing hindi siya intrigero e. Siya pa!

"O? Anu nanamang meron diyan? Anung kinakalikot mo diyan?" sabi na e. Masyado talaga siyang intrigero. Tingnan mo nga, inaayos ko lang yung envelope sa bulsa ko e parang big deal na big deal na siya sa inaayos ko. "Ang kulit mo talaga. Envelope nga lang!" napakunot tuloy ako sakanya. Ang kulit kulit talaga niya. Hindi ko naman kasi malagay ng maayos. Mamaya may makakita pa. Iba pa naman ang mga tao ngayon.

"14000 pesos total amount" bigla naman akong kinabahan sa pag out of the blue niyang pagsabi nun. Did he----

"A-alam mo?!"

"Bakit hindi ko malalaman, ako nga mismong nagpabigay niyan e" beating my heart so fastly. A-anong sinasabi niya?!

"Hoy anong ikaw nagbigay? Nakuha ko 'to sa office no!"

"Kaya nga! Tungkol yan sa pagtatrabaho mo sakin kaya mo natanggap yan!" kinindatan naman niya ko. Hindi ko matatanggap 'to! PSH!

"Can't be! Bakit ba napakaharsh mo sakin?!" sigaw ko naman sakanya nang nagulat nalang ako ng biglang dumating yung pagkaing inorder niya kanina. Bigla naman akong napayuko nang inilapag na ang pagkain sa lamesa. Ayoko kasing mamukaan ako e. Pero mukhang nakakahalata na e!

"Let's just eat okay?" hihirit pa nga sana ako e! Nakakainis na kasi e! Lalo na't nakita ko pa 'tong sobreng natanggap ko sa office kanina na humirit pa 'tong si Phyllis na sakanya daw galing 'to. Is he taking the advantage on me?

Tahimik naman akong kumain sa nilapag dito sa lamesa namin. Habang ako ilang na ilang. Nakayuko pa din akong kumakain habang ang buhok ko naman ay nakatakip sa magkabila kong mukha. Ayoko kasing makita ako ng mga crew dito! Mainit kasi yung mga dugo nun sakin nung dito pa ako nagtatrabaho. As well, Baked Potato lang kinakain namin ngayon na ginawa nilang bowl yung solid na potato then may mashed potato sa loob. Ewan ko ba pero bakit ba nagustuhan ko 'tong menu na 'to? Hindi kasi siya yung pangkaraniwang pagkain na kinakain ko dati dito e.

That Elementary Jerk! (Jerk Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon