Chapter 43: Attached

20.4K 84 6
                                    

Nagayos ako ng sarili ko pagkauwi ko ng bahay. Hindi ako makapaniwala. Bakit ganun yung ginawa niya sakin? Hindi ko akalaing mabibigo nanaman ako with beyond my expectation with him. Sabi na nga ba'y sa choice letter e mapupunta ang moment e. Ang salitang 'Optional'

Hinawakan niya yung kamay ko at parang may kinuha pa siya na something na bulsa niya. "Theeeere! Same rings with a same sign" yung singsing kanina. Sinuot niya sakin. Pero p-pano kaya napunta sa bulsa niya yun? At talagang blue pa yung akin ah? Yung nilawayan pa niya yung sinuot niya sakin.

Tatanggalin ko na sana ang sinuot niya sa daliri ko pero bigla niyang pinigilan yung kamay ko sa pagtanggal ko nito. "Uhuh! No no no! You need to wear that. Unfair naman kung huhubarin mo. Nakasuot din ako niyan o? Ang cute cute kaya!" ang childish talaga niya sa mga ganitong bagay. Hindi ko na nga alam yung sasabihin mo sakanya e. Masyado siyang natuwa sa singsing na iyon.

"But this is so------ childish. At sa tingin mo ba nagsusuot ako ng ganito?" sabi ko naman sakanya. Ewan ko ba kung bakit gusto niyang pasuotin sakin 'tong singsing na 'to.

"Susuotin mo lang naman e. Sige ka pagtatampo na 'ko sayo. And it's plastic anyway. Don't be attached by it. Alam ko namang ayaw mo e. It is not real" sabi naman niya at napatango nalang ako. Pero bakit kasi kailangan pa ng ganitong kaekekan e. "Pano pa kaya kung tunay na singsing yan? Edi pinatay mo na 'ko niyan?"

"F-fine! Just go inside! Mamaya makita tayo dito tapos kasalanan ko pa" ayan nalang ang nasabi ko sakanya at napangiti nalang din siya sakin. Napapahawak nalang ang thumb ko dun sa singsing na sinuot niya sa malasingsingan kong daliri. It is plastic anyway, kaya bakit nga ba ako magiinaso na binigyan niya ko ng singsing? Peke lang naman 'to e.

Papasok na siya sa loob at umalis na din ako palayo sa gate nila nang pagkatalikod ko naman, ay pinagmasdan ko mabuti ang singsing na plastic na sinuot niya sakin. Bakit ba parang natouch ako nung sinuot niya sakin 'to? At parang naattached na ata ako dito sa plastic ring na 'to.

"Hay! Bakit nga ba suot suot ko pa rin 'to hanggang ngayon" hindi pa rin maalis sa isipan ko ang pagbigay sakin ni Phyllis ng plastic na singsing na ito. Matapos ko naman magayos para sa pagtulog ko ay napahiga naman ako sa kama ko at pinagmasdan ang singsing. Nakita ko ngang plastic nga lang siya. Peke din like 10 pesos lang siya isa pero bakit naman niya binigay sakin yung isang pares nito?

Why am I so attached to this thing? It's fake anyway.

Nilagay ko nalang yung singsing sa drawer ng side table sa tabi ng kama ko at nagsimula nang ipikit ang mga mata ko.

Bakit ba naiisip ko pa din yung sinabi sakin ni Phyllis nung binigay niya yung singsing sakin?

---

Pumunta naman ulit ako dito sa Sparluke para itanong kung tama ba 'tong binigay nila sakin na sobre. Ito kasi yung natanggap ko kahapon dito na binigay sakin ng babae kahapon. Baka mali lang yung nabigay sakin. At wala ring nakalagay na pangalan dito sa envelope e. Kaya baka nagkapalit lang talaga ng bigay.

"Sorry Skype pero para sayo talaga yang envelope na yan" sabi naman niya at napakamot naman ako sa ulo ko. Hindi ko na kasi alam gagawin ko e. Para kasing hindi akin 'tong pera na 'to e. Oo pera ang nasa sobre. Akala ko nga din toneladang utang ang nandito sa sobre e.

That Elementary Jerk! (Jerk Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon