A Secret Files Confession

40 1 2
                                    

Tanda ko pa noon, namamasyal tayo sa Villa Escudero. Sobrang higpit ng kapit mo sakin tapos sobrang saya ng muka mo habang nakatingin ka sa paa mo na may umaagos na tubig mula sa man made falls doon. Habang tinitignan ko ang relo ko ay nagulat ako nang bigla mo akong itinulak na s'yang dahilan kung bakit plakda akong nadulas sa matigas na semento. Nagsisisigaw ka pa ng "Manyak ka! Hayop!" habang dinuduro-duro ako dahilan kung bakit lahat ng atensyon ng mga tao ay napunta sa akin. Ikaw nga 'tong clingy satin eh, hayup.

Naalala ko pa noong first time mo akong ipinagluluto, sabi mo ipagluluto mo ako ng paborito kong ulam na adobo kahit na ang amoy ng niluluto mo ay parang sinigang. Excited parin naman ako kasi pinaghirapan mo ang niluluto mo. Pinagmamasdan lang kita habang naghihiwa ng kamatis pero nakaagaw ng pansin ko ang orasan na nasa dingding. Pag lingon ko sa iyo ay nananatili parin ang saya sa labi mo pero nagbago ito nang mapatingin ka sa akin "Umalis ka dito! Sasaksakin kitang hayop ka!" Natakot naman bigla ako kasi tinutok mo sa akin yung kutsilyong hawak mo. Wala akong nagawa kung hindi ang tumakbo at magtago kung saan.


Noong 3rd Anniversary natin sinurpresa kita sa bahay. Nag-hire ako ng pwedeng magayos ng table set, foods etc. May bouquet ng red roses rin akong binili. Talaga namang nasurpresa ka noon. Umiyak ka pa nga kasi kilala mo ako bilang kuripot na tao tapos bigla kong maiisip nagawin ito para sa'yo. Gusto ko kasing maalala mo itong araw na ito. Hinagkan mo ako bago ka maupo sa upuan mo "I love y...ah" nagtaka ako nang natigilan ka sa sasabihan mo kaya agad kong hinawakan ang pisngi mo pero bigla mo itong iniwakli at sinabing "Manyak ka! Wag mo akong lapitan! Umalis ka sa pamamahay ko" parehong galit at takot ang nakita ko sayo noon "Lauren calm down--"

"Lauren? Sino si Lauren? Nasaan ba ako? Sino ka ba?"













"Sino ka ba?" isa ito sa mga salitang kinakain ko araw-araw. Paulit-ulit kong naririnig pero ang sakit parin pakinggan. Everytime you have your episodes I always endure the pain from those words. Ang sakit dahil hindi ka maalala ng mahal mo. Just for 5 minutes, limang minuto lang ang itinatagal ng ala-ala mo kaya lagi akong nakamatyag sa oras. Ngayon ko napagtanto na napakahalaga na pala ng limang minuto.
Ngayon inilayo na siya ng mga magulang nya sa akin--na sinangayunan naman din ng mga magulang ko.

Masyado ko na daw napapabayaan ang sarili ko, hindi ko rin maintindihan kasi masiyado pa siyang bata para magka Alzheimer's disease.

Sa ngayon nasa ibang bansa sila kasama ang mga magulang niya at hanggang ngayon, siya parin ang laman ng puso ko kahit sa kamatayan ko siya parin ang magiging huling ala-ala ko, sa ilang sandali nalang ngpaghinga ko.

Ps: I have a cancer. Stage 4.

Pseudo
Other
BSECE

---

This is nof a true story.

Dead's One shots and PoemsWhere stories live. Discover now