10. Her Partner Gemilou.

986 23 2
                                    

Dedicated sayo Gemilou! Ito na! Hope you like it! :))

***

Antonette's POV

Naiinis ako. Ilang linggo na pagkatapos ng nangyare sa Cafeteria.. so far wala pa namang katangahang nagaganap! Haha. Subukan lang nila! Makikita nila ang Adrian's Other side! Nyehehe. Wala namang nagbago. Meron pala. Lumaki ang grupo! Nagkasundo ang mga utak ipis. Ang Destroyer at Silencers! Talaga naman! Isa lang ang ibig sabihin niyan..

"ADDDDDDDDD!" Hina.

Anak ng tinapa talaga. Inis na inis kong tinanggal yung earphone ko. Nandito kami sa bench sa likod ng school .. pinilit nila ako. Mga bwisit. Kaya naiinis ako kasi pinagkaisahan nila ako! Hindi ako makatakas kasi sina samaan ako ng tingin ni Adrian lalo na pag nag aattemp akong tumakas! Huhu. Wala manlang akong takas! Tinignan ko ng masama si Hina. Sinigawan ako sa tenga! Sinong matutuwa?! Tinawanan pa nila ako!

"Ano nanaman!?" Bwisit na bwisit kong sabi. Mukhang nasindak naman si Hina kaya napaatras. Lumapit si Ailene.

"AD naman.. huwag mong tinatakot si Hina." Ailene.

"What?! Istorbo kayo." Sabi ko. Mukha naman silang nahurt. Sige lang! Masaktan kayo para madali ang umalis someday. Pagnatapos na tong misyon aalis narin naman ako. So .. I don't need friends. Tumayo ako. Nababadtrip ako. Kasi nagpapacute sila sa harapan ko. Anong akala nila? Makukyutan ako sa itsura nila? Huh! In their face! Kahit medyo lang! Haha. xD

Hindi naman ako lalayo. Nakita kong masama nanaman ang tingin ni Adrian. Hindi naman ako lalayo. Buti nalang at nakapantalon ako. Lumapit ako sa pangatlong puno para medyo malayo ng konti sakanila. Mabilis ko namang naakyat yung puno. Hehe. Minsan napappaisip tuloy ako.. saan galing ng tao? xD

May dala pala akong libro. Nagbabasa basa lang ako. Pagbukas ko ay may nakita akong papel na maliit at halatang inipit .. para kung sakaling buksan ay hindi mahuhulog. Binasa ko..

Antonette Demierre is mine alone. :))

Natawa ako sa kakornihan ng nagbigay. Sino paba? Edi ang over possessive na si Adrian Calvin Laproaig! Hihi. Hindi ko alam na may alam pala siya sa mga ganito. *blush* tinanggal kona yung earphone ko at pinagmasdan yung papel. Natutuwa ako kasi wala mng nagbibigay ng ganito saakin simula noon..

"Masamang ngumiti.. pero kung ako ang dahilan ayos lang.."

Nagulat ako sa nagsalita. Lalo na ng makilala ko yung boses kaya nawalan ako ng balance at nahulog ako sakanya! Buti nasalo niya ako.

"Geez! Muntik na!" Nakapout kong sabi. Bumaba na ako sa pagkabuhat niya. Buti pala at matibay ang tuhod ng taong to. Kung hindi kanina pa sana ako nahulog ng tuluyan! Hoooh! Hinarap ko siya.

"Pasyal tayo?" Yaya niya. Nag isip ako. May gagawin ba ako ngayon? Hmm. Wala naman bukod sa pagbabantay kaya siguro naman pwede.

"Ano na?" Tignan mo tong taong to. Siya na nga nag iintay ng sagot ko. Inip na inip na agad! Pag ako hindi pumayag!

"Pag----" Sasabihin ko sana pag iisipan ko. Mwehehe. Pero hinigit niya na ako!

"Wag kana sumagot. Sasama ka. That's an order."

"Keyfine whatever!" Nasabi ko nalang. Mahirap mag react baka mamaya ay magalit nanaman to. Akala niya? Sus. Takot ko lang. Hehe. Nanghahalik kasi siya kaya takot ako sakanya! Kumbaga sa ahas.. nanunuklaw! Cute na ahas naman siya. Hihi.

Nakarating kami sa .. saan to? Hindi ko alam na may ganito sa pilipinas. Anong itsura ng lugar? Cliff. Hinila niya ako papunta doon.

"Dito ka lang." Sabi niya at binitawan ako. Malapit ako sa kweba. Bumalik siya sa kotse. Iiwan niya ba ako? Tadu talaga. Di nalang nagsabi na gusto niya ako iligaw! Kung sinabi niya edi sana nakapag handa manlang ako ng pagkain! Nakasimangot akong umupo at humarap sa falls. Bahala sila.

Sweet MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon