25 The Funeral

233 9 0
                                    

Hello sainyong lahat! :D

Pa-support ng Tainted Hearts, puh-leaase? :3

Story of Mylene Tan yun. Hehe. :D

You can click the External Link or just Visit my works! Thank you. :)

25 The Funeral

"Huh?" Napalingon ako sandali sa tabi ko. Umaga na at alam kong sabay kami natulog ng magkatabi pero bakit naman wala siya!? umagang umaga pinapainit niya ang ulo ko!

Adrian talaga kahit kailan!

Kahit tamad na tamad ako ay bumangon na ako upang maligo at mag bihis ng disenteng damit. Pagkatapos ay dumiretso ako sa kabilang lamesa sa kwarto at binuksan ang drawer non grabbing my knife and my gun.

I always have this with me. Better die in fighting than dying doing nothing.

Lumabas ako ng kwarto at nagpunta sa kusina. Doon ko nakitang...

...umiiyak siya...

Natulala ako sa itsura niya. Oo nakita ko na siyang umiyak dati but I never seen him like this. The pain he holds is just too much na kahit ako ay nararamdaman ko iyon.

"Anong nangyare?" Nagtatakang tanong ko at hahakbang na sana ng magsalita siya.

"Ayumi died... no... she was assassinated."

Doon ako nahinto at nanlaki ang mata ko. Kinalma ko ang sarili ko at lumapit sakanya at hinawakan ang mukha niya upang iangat iyon. Hinaplos ko ang mukha niya.

"Ayusin mo ang itsura mo Adrian." Matigas na sabi ko kahit na malambing ang mga haplos ko sakanya. Maang siyang napatingin saakin. "Hindi ka iiyak ngayon kung handa ka sa mga nangyare." Sabi ko.

Hinawakan niya ang kamay ko habang nanginginig ang kanya. Umiwas siya ng tingin. "Stop Antonette. I can't handle an argument right now..." He looked at me with pleading eyes. "...so please shut up!" He said at tumayo mula sa pagkaka upo.

Natawa ako sa reaksiyon. Tinalikuran niya ako kaya naman bago siya umalis ay yinakap ko na siya mula sa likuran niya at sinandal ang mukha ko sa likod niya.

"This is it Adrian. This is reality. This is the harsh reality of life Adrian. All weak peoples die and always the superior remains." Sabi ko sakanya.

That's what she once told me.

"She's my friend." He insisted.

"They are not your friend. You don't have one. I don't have one." Sabi ko at nag punta sa harap niya. "You can mourn. You can cry. You can be weak. Only, if you're ready to die." Sabi ko at tinalikuran siya.

"Ayusin mo ang sarili mo Adrian. Ayusin mo para hindi ka maliitin ng kalaban mo. Upang hindi ka malamangan ng dahil lang sa pagkamatay ng isang kaibigan mo ay naguho na ang mundo. Nagkakamali ka dahil lahat ng sakit ay nagsisimula palang. Kailangan mong maging matibay upang makipagsapalaran sa buhay na pinili niyong lahat. Kailangan mong maging malakas upang protektahan lahat ng mahalaga sayo at hindi sila mamatay..." Sabi ko at humarap sakanya. "...isa isa..." Dagdag ko at iniwan siya sa kusina.

Napangisi ako. Sinong gagawa niyan sayo? Sino kaya? Anong kasalan mo Ayumi? Ano nga ba?

Pagkatapos ng pag uusap namin ay nagpunta si Adrian sa bahay nila Ayumi upang makiramay ng kinagabihan. Habang ako naman ay nagpunta ng condo unit ni Lee.

Pagkarating ko sa tapat ng pintuan ng condo niya ay nagdoorbell lang ako ng dalawang beses bago niya ako pinagbuksan ng pintuan at tahimik na pinapasok ako. Katulad naman ng inaasahan ko ay mag isa lang siya.

Sweet MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon