15.3 Purification

475 18 10
                                    

NOTE **

LAST PART NG PURIFICATION! 15.3 MGA SWEETS! :) SALAMAT SA MGA NAG COCOMMENT AT VOTES! SALAMAT SA TULONG NIYO. HEHE. :)V

Dedicated to you. Sana mabasa mo. Hihi. :))

****

Angelou's POV

Paglingon ko sa kinaroroonan ni Sephira ay hindi ko napigilang mapasigaw!!!

"ANTOOONNNNEEEEEETTTEEE!!!!" Halos itili ko na lahat ng makakaya ko!

"ANTTOOONNEETTE!" Sigaw ko pa habang tumutulo ang luha ko.

Kasabay noong paglingon ko ay ang pagtama ng sunod sunod na bala sa katawan niya ng protektahan niya si Sephira.

Nakita ko pang tumayo siya! God knows how freakin scared I am right now! Hindi niya iniinda ang tama ng bala at dumiretso sa gimbal na gimbal na lider ng sindikatong ito. Nahihintatakutan ako. Utang na loob! Nakatayo pa siya!

Bigla niyang isinaksak sa puso ng lider ang maliit na kutsilyong hawak niya!

"Antonette!" Sigaw ko ng sabay silang bumagsak kasabay ng pagpapapa ulan ng bala.

Pinaputukan namin sila at nag paputok ako sa langit upang may dumating.

Agad akong tumakbo papunta kay Antonette na ngayon ay pinoprotektahan ng sugatang si Sephira.

Agad kong kinuha si Antonette habang nakikipaglaban din. Tulong kami ni Sephira sa pagbuhat sakanya. Nang makalabas kami ay pinindot ko ang buton na magpapasabog sa buong lugar!

Pagkapindot ko ay pagtalsik naming tatlo.

"Shit!" Inis na sabi ko. Nadaganan ako nila Antonette at Sephira.

Hinang hina na inayos ko sila. Unti unting lumulubog ang isla tulad ng plano. Ang orihinal kasi ay talagang uubusin muna upang walang makaligtas na buhay pero hindi na nasunod dahil may tama si Antonette!

"AD? Hold on please!" Umiiyak na sabi ko habang nakatingin lang si Sephira pero patuloy ang agos ng kanyang luha.

"Take .. care of .. him .. okay?" Hirap na hirap na sabi ni AD!

"No! Please no. Wag ka nang magsalita. Please. Kaya mo to." Umiiyak na sabi ko.

Ngumiti si Antonette at nilingon si Sephira sa tabi ko.

"Take care." Sabi ni Antonette.

"ANTONETTE!!!" Sabay na sigaw namin ni Sephira ng mawalan ng malay si AD!

"Tara!" Biglang sabi ni Sephira at tinalian si Antonette. Dumating na ang helicopter.

Naka akyat naman kami.

"To the Kingston Hospital." Mabilis na sabi ko at mabilis na umalis kami.

"Antonette .." Umiiyak na sabi ni Sephira.

"Mag mulat ka please." Pakiusap ko.

Pero wala. Kahit kailan ay hindi ko nagawang matakot para sa iba. Kahit kailan. Pero ngayon, halos manginig ako sa takot. Hindi ko nakita ang sarili ko na magiging ganito pa simula ng pumasok ako sa Mafia. Hindi ko alam kung bakit pero hindi ko kaya ang takot ko at sobrang nginig ang nararamdaman ko!

kung ano ang ayos ko ay siya ring ayos ni Sephira at halata ang takot sakanya.

Agad kaming nakarating sa Kingston Hospital at agad silang nag bigay ng stretcher.

'Please. Kayanin mo. Parang awa mo na. Kayanin mo AD.. kayanin mong mabuhay.'

Paulit ulit na binibigkas ko sa utak ko. Sabay sabay kaming tumatakbo hanggang sa makarating kami ng ER.

Sweet MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon