Chapter 26: Confessions

1.1K 28 3
                                    

"Ano na ang mangyayari sa'tin ngayon Chase?" Tanong ko sa kanya habang nagpapahinga kami sa isang bakanteng kubo na nakita namin. Malayo ito sa kabihasnan kaya nakakasigurado kaming walang makakasunod sa'min dito.

"Hindi ko alam." 

"Pano niya tayo nasundan? Akala ko ba hindi tayo mahahanap ni Ryder don?"

"Iyong cellphone? Sinong nagbigay sa'yo non?" Tanong niya sa'kin.

Naalala ko iyong cellphone na binigay ni Ryder. Naiwan ko iyon kanina sa beach pagkatapos naming takasan si Ryder.

"Si Ryder."

"Sigurado akong may microchip na inilgay sila sa cellphone mo para matunton ka nila kahit san ka pa nagpupunta. Isang gps chipset." 

Naalala ko ang araw na binigay ni Ryder sa'kin ang cellphone. Wala siya sa mood non at halatang ayaw niya akong makita. Kaya pala pinipilit niyang tanggapin ko ang cellphone na iyon. Dahil pala may gps chipset iyon na kaya akong tuntunin kahit sa'n ako magpunta. 

"Pero hindi ko maintindihan kung bakit ganun nalang ang interes ni Ryder kung san man ako magpunta. At iyong pag-aaway niyo kanina, anong ibig sabihin non? Hindi ko mainintidihan. Nalilito ako."

 Gusto ko ng maiyak dahil sa mga pangyayari. Hindi ganito ang buhay ko noon. Masaya kami ni Daddy kahit dalawa lang kaming magkasama, pagkatapos nong nawala siya, biglang nagbago ang lahat. Biglang gumulo ang mundo ko, at mas lalo pa itong gumulo pagkatapos kong lumipat sa North Academy.

"Alexis, iyong sinabi kong problema ko non. Ikaw iyong tinutukoy ko na masasaktan kung sakaling susundin ko ang utos ni Boss. Ang papa ni Ryder. Malaki ang utang na loob ko sa kanya pero hindi ko rin kaya na masaktan ka, lalo na 'nong unti-unti nang nahuhulog nag loob ko sa'yo." 

Tahimik lang ako habang pinakikinggan ang kwento ni Chase.

"Binigyan kami ni Boss ng misyon na paibigin ka. Gusto ka niyang saktan. Hindi ko alam kung anong nagawa mong kasalanan at ganun nalang ang galit ni Boss sa'yo. Hindi niya sinabi sa'kin ang dahilan, pero inutos niyang paibigin ka namin ni Ryder para masaktan ka. Iyon ang dahilan kung bakit sa tuwing nakikita mo si Ryder, wala ako at kung nasa tabi mo ako, wala si Ryder. Isa iyon sa naging plano namin ni Ryder para mapaibig ka namin, para malito ka at masaktan ka."

Napahilamos nalang ako sa mukha ko para pigilan ang mga luha sa mga mata ko.

"Bakit? HIndi ko kilala ang papa ni Ryder bago ko pa man kayo makilala kaya sigurado akong wala akong nagawang masama sa kanya."

"Sa ngayon hindi ko iyan masasagot dahil ako mismo, hindi ko alam. Pero huwag kang mag-alala Alexis, andito lang ako para protektahan ka. Kahit na ibigay ko pa ang buhay ko, gagawin ko iyon, maligtas ka lang." Sabi ni Chase saka niya hinawakan ang dalawang kamay ko.

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa sinabi ni Chase o hindi. Sa tono ng boses niya, mukhang seryoso ang mga kaganapan. 

"Balak ba talaga ni Ryder na patayin ka sa susunod na magtagpo kayo?"

Tumahimik si Chase saka siya tumango.

"Sa tingin ko, nahulog na rin ang loob ni Ryder sa'yo kaya niya tayo binigyan ng pagkakataon para mabuhay. Totoo iyong sinabi niya sa'yo kanina Alexis na gusto ka niya. Pero kilala ko siya. Hindi niya kayang traydurin ang ama niya. Binigyan man niya tayo ng pagkakataon kanina, sigurado akong sa susunod, wala na tayong takas."

Mas lalo akong natakot sa mga nalaman ko ngayon. Pero nagpapasalamat pa rin ako sa Panginoon, dahil kasama ko si Chase at naniniwala ako sa kanya na po-protek-tahan niya ako.

"Magiging okay din ang lahat Chase. Naniniwala akong magiging okay din tayo."

Tumango lang si Chase.

"Sa ngayon pag-isipan na muna natin kung anong susunod na hakbang natin at kung san tayo pupunta. Hindi tayo pwedeng magtago nalang ng magtago. Kailangan nating mag-isip ng plano."

"Pero ngayon na wala pa tayong plano, anong pwede nating gawin?" Tanong ko kay Chase.

"Wala na tayong ibang magagawa sa ngayon kundi ang umiwas na muna at magtago. Dito nalang tayo muna magpalipas ng gabi. Bukas, pupunta tayo don sa safehouse ko."

"Safehouse? Anong gagawin natin don? Magtagago ba tayo don?"

"Hindi tayo pwede don Alexis dahil sigurado akong may nagbabantay na don. Alam ni Ryder ang lugar na iyon kaya delikado."

"Kung delikado nga iyon, bakit pa tayo pupunta don? Maghanap nalang tayo ng ibang lugar."

"Hindi naman tayo magtatagal don. Kukuha lang ako ng pera at gamit. Sigurado akong alam na ni Boss na nagtraydor ako sa kanya kaya di ko na magagamit ang credit card ko. Wala na akong pera at hindi tayo mabubuhay kung wala tayong pera."

"Tawagan nalang kaya natin si Brianna? Hihingi tayo ng tulong sa kanya."

"Masyadong delikado."

"Pero Chase.. Hindi natin 'to kayang dalawa. Kailangan rin natin ng tulong ng iba."

"May tiwala ka ba sa kanya?"

Nag-isip na muna ako ng isang minuto bago ako tumango kay Chase.

"Kung ganun bukas nalang natin hihingin ang tulong niya pagkatapos nating makalusot sa safehouse."

Tumango ulit ako kay Chase saka niya ako niyakap ng mahigpit.

"Salamat Chase."

"Hindi mo kailangang magpasalamat Alexis. Ginagawa ko ito dahil gusto kita. Matulog na tayo. Maaga pa tayo bukas. Mag-ipon na muna  tayo ng lakas ngayon."

-R&D-

Kinabukasan, maaga kaming naghanda ni Chase para sa plano. Ang lusubin ang warehouse para makakuha ng gamit at pera. Hindi ko alam kung anong gamit ang tinutukoy ni Chase pero sa tingin ko mga armas ito para sa proteksyon naming dalawa. Hindi ko alam kung bakit umabot sa ganito ang lahat pero andito na eh. Ang kailangan ko nalang gawin, ang pagkatiwalaan si Chase.

"Handa ka na ba?" Tanong niya sa'kin. Huminga na muna ako ng malalim saka ako tumango sa kanya.

"Huwag kang mag-alala, matatapos ang araw na'to na buhay tayo." Sambit niya saka niya ginulo ang buhok ko. Ngumiti lang ako kay Chase.

Binigay niya sa'kin ang pulang helmet saka ko ito sinuot at sumakay sa motorbike niya.

Mabilis na pinatakbo ni Chase ang motorbike niya pero iniiwasan namin ang malalaking highway dahil masyado daw itong delikado. Nakakakaba dahil kahit anong minuto, maaring may makakatagpo kaming mga kasabwat ng Tatay ni Ryder at kung mamalasin, baka si Ryder na mismo ang makakatagpo namin.

Hindi nagtagal, tumigil kami ni Chase sa maraming mga puno. Pinatay niya ang motor ng motorbike niya saka kami bumaba.

"Sampung metro lang ang layo ng warehouse mula dito. Sigurado akong maraming nagbabantay don kaya sundin mo lang ang mga sasabihin ko." Sambit niya.

"Oo Chase. Sabihin mo lang kung anong gagawin ko at gagawin ko."

"Alexis, dahil masyadong delikado ang mga mangyayari, manatili ka lang dito. Hintayin mo ako dito hanggang sa makabalik ako."

"AYOKO!! Hindi ako magpapa-iwan dito.."

----

AN: It's been a year right? Heol~ masyado talaga akong busy. I will update another one tomorrow. For now, iyan na muna. Hopefully may nag-aabang pa rin nito :) Goodnight everyone. And don't forget to add me on facebook ^_^

R.E.D & Dagger (UPDATED!!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon