Chapter 23: Red Diamond

1.8K 45 30
                                    




AN: First of all , I want to say sorry dahil magiging busy ako. Super busy. I will be explaining my side after this chapter. But before anything else, gusto ko kayong bigyan ng isang malaking pasabog. I don’t know if nakuha na ba ng iba ang mangyayari. But I guess most of you eh hindi inasahan ‘to.





Chase’s POV




Tama lang iyong desisyun ko na bilhin ang bahay nang hindi nalalaman nila Ryder at ni Boss. Nagstock nadin ako ng damit ko at damit ni Alexis na pwede naming gamitin habang nagtatago kami.



Ewan ko ba kung bakit ganito nalang iyong epekto ni Alexis sa’kin. Dati naman kahit anong iutos ni Boss sa’kin hindi ako sumusuway. Ngayon lang talaga.



Pumasok na ako ng banyo saka ako nagbabad sa bath tub para mag-isip. Pinikit ko iyong mga mata ko saka bumalik sa isipan ko ang araw na una kong makita si Alexis.



“Blade pare, sigurado kabang aabangan natin iyong babae kanina? Iyong Alexis?”



Tanong ni Gray kay Ryder.



“Oo nga. Kaya nga tayo andito diba. Hindi ko palalampasin iyong pagpapahiyang ginawa niya sa’kin kanina. Sinwerte lang siya pero ngayon sigurado akong hindi na siya makakawala sa kamao ko.”



Sabi ni Ryder saka niya kinuyom iyong dalawang palad niya habang gigil na gigil siya.



“Mukhang masaya ‘to ah.”



Sabi ko saka ako tumawa ng mahina. Si Ryder makikipaglaban sa gangster ng South. Hindi lang basta bastang gangster kundi babaeng gangster pa. Excited na akong makita ang mga pangyayari.



Naghintay pa kami ng konti nila Ryder at Gray sa labas ng school building hanggang sa nakita na namin si Alexis.



“Oh ayan na pala si Alexis! Hi Alexis!”



Sabi ni Gray.



“Tss. Feeling close ka din noh?”



Sabi ni Alexis na nagpangiti sa’kin. Sa lahat ba naman kasi ng babae dito sa North Academy siya lang iyong hindi natatakot sa’min.



Nagpatuloy lang si Alexis sa paglalakad niya pero hinarang ni Ryder iyong kanang paa niya para hindi makadaan si Alexis.



“That’s too old. Ginawa niyo nadin iyan kanina at nakita mo namang hindi gumana sa’kin. Gusto mo bang sipain ko din iyang tuhod mo?” Pananakot ni Alexis.



“Tss. Alam kong hindi gumana sa’yo kaya hindi ko na iyon uulitin. Anong tingin mo sa’kin tanga?” Sabi naman ni Ryder.

R.E.D & Dagger (UPDATED!!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon