Chapter 22: Away from Others

1.7K 40 12
                                    





Isang linggo na ang lumipas simula nong makulong kami ni Chase sa rooftop. Umaga na ng makauwi kaming dalawa. Mabuti nalang talaga at walang pasok kinabukasan nong gabing iyon.



Patungkol naman kay Ryder, ganun parin. Walang nagbago. Malamig parin siya sa’kin. Kaya buong buo na ang pasya ko na hihiwalayan ko na siya. Wala rin namang patutunguhan iyong relasyon namin. Isa pa, sa tingin ko niloloko lang ako nong Papa ni Ryder dahil hanggang ngayon wala parin siyang binigay sa’kin na balita tungkol kay Daddy.



“Alexis!! Alexis!! Saglit!”



Napahinto ako sa paglalakad ko pagkatapos kong marinig si Brianna na tumatawag sa’kin.



“Oh Brianna. Akala ko nasa classroom ka na. Nakakapanibago, parati kasing ikaw iyong nauuna sa’kin.” Sabi ko sa kanya.



Ngumiti lang siya sa’kin saka siya sumagot.



“Ano kasi eh. Tumawag iyong parents ko kaya di agad ako nakapasok.”



Ngumiti lang din ako saka kami sabay na naglakad patungo sa classroom namin.



“So ano ng balita sa inyo ni Ryder?”



Tanong ni Brianna pagkatapos naming makaupo sa mga arm chairs namin.



“Ganun parin. Walang nagbago. So I decided na hihiwalayan ko na siya mamaya.”



Hindi na nagulat si Brianna sa sinabi ko dahil siya naman iyong nag suggest na bigyan ko pa ng one week si Ryder.



“Well. Bagay naman sa kanya iyon.”



Sabi nito.



“Oo nga. Well atleast pagkatapos ng araw na ito wala na akong iisipin pang Ryder Ryder o kahit na sinong magpapaalala sa kanya.”



Sabi ko kay Brianna.



“Wala nga ba? Pano si Chase? Mukha kasing may something sa inyong dalawa na hindi ko maipaliwanag.”



Naalala ko na naman si Chase at iyong sinabi niya sa’kin.



You don’t deserve this Alexis. Ililigas kita. Hindi ko pa pwedeng sabihin sa’yo ang lahat ng nangyayari pero kailangan ka lang magtiwala sa’kin. Iyon lang ang hinihingi ko. Magtiwala ka sa’kin.



Isang linggo ko nading hindi nakita si Chase. Huli ko siyang nakita at nakasama nong nakulong kami sa rooftop pero pakiramdam ko, nasa likod ko siya parati at binabantayan ako. I feel secured pagkatapos niyang sabihin sa’kin na ililigtas niya ako.



“Good morning Class.”




R.E.D & Dagger (UPDATED!!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon