Chapter 19: Mr. Cold

1.7K 52 21
                                    

“Brianna?”

Ngumiti si Brianna sa’kin pagkatapos niya akong makita.

“Hi Alexis. Good morning!”

Bati niya.

“Goodmorning din. Anong ginagawa mo dito?”

Tanong ko sa kanya saka ako lumingon lingon sa paligid para hanapin si Ryder. Simula kasi nong sinabi niyang nililigawan niya ako, palagi niya akong hinihintay sa labas. Wala talagang araw na hindi niya ako hinihintayp Pero ngayon, si Brianna na iyong naghihintay sa’kin. Nagkasakit kaya siya ulit?

“Hinahanap mo ba iyong boyfriend mo?”

Tanong ni Brianna sa’kin.

“Haa? Ahh. Oo.. Nakakapanibago lang kasi.”

Sabi ko.

“Ako nga din eh. Naninibago sa kanya. Naghiwalay ba kayo?”

Tanong niya sa’kin at umiling ako.

“Bakit mo naman naitanong?”

“Ano kasi.. Parang iyong dating Ryder bumalik na sa tunay na ugali niya. Akala ko talaga eh naging ganun siya dahil hiniwalayan mo siya. Halika nga..”

Bigla nalang akong hinila ni Brianna papasok ng school building. Tumatakbo kami sa hallway papuntang second flooor hanggang sa nakita namin iyong mga estudyante na nagkumpulan.

“Paraan lang. Excuse me!”

Bulalas ni Brianna saka kami nakipagsiksikan para makapunta kami sa harapan.

“Ryder?”

Nagulat ako sa nakita ko. Parang ganitong ganito din iyong nangyari nong una kong nasilayan ang mukha ni Ryder. Akala ko nagbago na siya. Akala ko hindi na siya nambubully ng mga estudyante dahil lang trip niya pero hindi pala. Bumalik ulit siya sa dating Ryder.

Iyong uniform niya, naka unbutton ulit tapos printed pa iyong white shirt niya. Iyong buhok niyang blonde, hindi ulit nakaayos. Mukha ulit siyang gangster. Mukha ulit siyang gago sa paningin ko.

“Anong ginagawa mo sa kanya?”

Tanong ko habang hawak hawak parin niya iyong kwelyo ng uniform ng schoolmate namin.

“Oh Alexis. Andito ka na pala. Andito na pala ang girlfriend ko.”

Sabi nito saka niya tinanggal ang dalawang kamay niya sa kwelyo ng schoolmate namin at ngumiti ng pilit sa’kin.

“Ano bang nangyari?”

Tanong ko ulit sa kanya saka ako dahan dahang lumapit. Kalmado lang ako pero ang totoo hindi ko na alam kung anong gagawin ko.

“Wala naman. Inaayos ko lang iyong uniform niya. Para kasing hindi plantsado iyong suot niya kaya inayos ko lang.”

Sagot niya saka niya ginamit iyong dalawang palad niya para ayusin ang uniform ng schoolmate namin.

Hindi ako tanga para maniwala kay Ryder. Halatang halata sa mga mata ng schoolmate namin ang takot.

“Tapos na iyong show! Pwede na kayong umalis lahat!!”

Sigaw ni Ryder sa mga taong nakapalibot sa’min.

Agad namang tumakbo iyong lalaking nakabangga ni Ryder dahil sa sobrang takot. Isa isang nagsibalikan ang mga tao sa kani kanilang classroom hanggang sa kami nalang tatlo ni Brianna at Ryder ang natira.

“Ano bang nangyari? Bakit ka ba nagkakaganyan?”

Tanong ko kay Ryder pero tahimik lang ito. Hindi nga niya ako matignan sa mga mata ko.

R.E.D & Dagger (UPDATED!!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon