Chapter 47: Eyes meet

2 1 0
                                    

Gaya ng napagkasunduan ay sumama nga sa akin si Rafael. We really had a fun day at the class and to my surprise ay naka enroll din pala dito ang batang nakilala ko sa coffee shop. If im not mistaken, her name is Jannica. May mga bata din sa sumali at karamihan sa kanila ay magmommy or magkapatid. Kaya habang on-going ang class ay kami ang madalas na nakikita ng aming teacher dahil na din sa presensya ni Rafael. Sya lang kasi ang lalake sa class namin at alam ko na madalas syang tinitignan ng mga naroon na students. Mapadalaga man or mommy ay di maalis ang tingin at sulyap nila rito.

"Stop making a scene here" bulong ko,

"Im not, Ces. Im just asking questions" lapit nya sa tenga ko para bumulong pabalik.

Nailing na lang talaga ako. Pano ba naman ay panay tanong nya. He is interested to know more about the baking class but he is quite distracting them. Simpleng tanong lang nya ay naririnig ko ang hagikgik ng magkabilang side ng table namin. Ito ang effect nya sa mga tao na narito.

"Iha, boyfriend mo?" Tanong nung isang matanda na kasama din namin sa klase.

"Hindi po, magkaibigan lang po kami" tugon ko sa matanda.

"Ganun ba, bagay kasi kayo iha" ngiti ng matanda sa amin sabay lingon kay Rafael na busy sa paghahalo ng mixtures.

Umalis din ang matanda at nagtungo sa kanyang kasama sa class na sa tingin ko ay kanyang apo. Marami talagang natutuwa kay Rafael. Wala ka ng hahanapin pa sa kanya. Mabait, maalaga sa lahat ng bagay, mahilig sa bata, approachable, matulungin. Ngunit kahit gaano pa karami ang katangian sa kanya ng isang mabuting lalake, alam kong di ko masusuklian ang lahat ng kabutihan at pagmamahal nya. Nilapitan ko sya at napangiti ako sa pagkaseryoso nya sa pagdedesign ng cake. Who wouldn't believe that a CEO would be wearing an apron.

"You are so cute" pangaasar ko sa kanya.

"Halikana nga dito, matatapos ko na itong cake natin. I want to get that prize for you" kunot noo nyang sabi habang naglalagay ng panibagong fillings para sa icing.

Today is our second and last day of the baking class. At nagpacontest ang aming teacher na kung sino man ang may pinakamasarap at pinakamagandang desenyo ng cake ay syang mananalo ng teddy bear na nakasuot ng itsurang chef. I admit, gusto kong manalo sa contest na ito pero di ko akalain na mas seryoso sya kaysa sa akin.

"You have 20 minutes more to finish your cakes. I have here 2 of our respectable chefs and professor of this academy. Sila ang magjujudge ng mga ginawa nyo" sabi ng aming professor.

Bumalik ang tingin ko kay Rafael na patuloy sa pagtatapos ng kanyang ginawang cake. Kaya tinulungan ko na din sya sa pagaayos ng mga kakailanganin nya para matapos ang kanyang ginawa pero pinigilan nya ko. He did 2 heart shape medium size cakes. Alam kong para sa amin ang isa at ang isa naman ay para sa mga judge. Matapos ang 15 minutes ay natapos na din sya kaya nilagay nya ito sa lamesa kung saan doon ilalagay ang mga cake na pagpipilian ng mga chef.

"You want to try?" Aniya.

"I know its delicious, masyado ka kasing perfectionist." Biro ko.

"For that teddy bear, ofcourse i will do everything"

"Kayang kaya mong bilhin ang lahat ng teddy bear sa toy store and you want that teddy bear?" Kuryoso ko.

"Kasi ito pinaghirapan kong kunin and i guess eto lang ang tatanggapin mong regalo mula sa akin" mapupungay at seryoso nyang tingin sa akin.

Napakagat labi ako sa kanyang sinabi. Wala akong masabi sa kanyang pahayag. Napangiti na lang ako at hinaplos ang kanyang pisngi. Napalingon kami ng biglang maghiyawan sa pang aasar ang iba sa mga estudyante na nandun.

The Lazy PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon