Chapter 11: Project 101

27 5 0
                                    

Busy mode ako ngayon, bukas na kasi ippresent lahat ng mga proposal kay Rafael at kay Xander. Kaya eto tutok na tutok ako sa computer ko at sang katerba ang mga plans at drawings ko.

"Ganun ba talaga kalaki ang project na yan at ang pag-aya namin sayo para magcoffee ay tinatanggihan mo na" -Marj

"Oo sobra, malaki ang project na ito at di lang ito basta basta..i'm sure narinig nyo na ang pangalan ni Mr. And Mrs. Fernandez"

"Yes, i heard their name and about their reputation.. Kaso mapili ang mga ito pagdating sa pagpili ng mga proposals sa kanila" -Liz

"That's what I'm doing right now, a proposal that they will never surely reject"

I'm very sure of my plans.. ofcourse kung may plan A dapat may plan B and C, hindi naman sa hindi ako confident sa mga proposals na hinanda ko pero mabuti na rin ang sigurado.. After kong makipagconference call sa mga bessies ko, nagpatuloy lang ako sa pag gawa ng plans and drawings ko..Hinati ang lahat sa three group at peste talaga yang ma'am Hannah na yan dahil di sinama sa group ang mga baguhan na employee na kagaya ko, kainis.. kaya bukas magppresesnt ako magisa, i dont need their help..well, i need some but not in this kind of situation kung saan ay inignore ako ni ma'am Hannah.

Konti na lang at matatapos ko na ito.. Di pa naman ito ang final na pagppresent ko kaya simple drawings lang ang ipapakita ko kahit na magdemand pa yung Xander na yun. Magpapahinga na muna ako, kinuha ko ang phone ko sabay punta ng kitchen.

Di kaya biro magprepare ng presentation ng magisa kaya talagang ikakain ko ito. Habang ginagawa ko ang sandwich ko sinusubukan kong tawagan ang lahat.

'Sorry miss ces pero ongoing po ang meeting ni si miss marj ngayon'

'Pasensya na po pero may kausap po sa loob si miss Liz ngayon, sabihin ko na lang pong tumawag kayo'

Seriously? I mean kakaconference call lang namin kanina pero mga busy na. Ang dali naman nilang makahanap ng pagkakabusyhan tapos nakuha pang magaya magcoffee.. Hayy, mga girlfriends ko talaga, matawagan ko na lang kaya ang mommy ko.

'The number you're trying to call is busy at the moment please try again later'

"AAAAAAAHHHHHHH! Makabalik na nga lang sa office"

Naglakad ako pabalik ng office para tapusin na lang ang mga ginagawa ko. Nakakafrustrate lang talaga ang walang makausap lalo na sa bahay na ito. Di ba pwedeng iconsider ito ni daddy? Grrrr...

Dahil hapon na din, binilisan ko ang pagtapos sa natitirang gawain ko para bukas. Ginawa ko yun habang kumakain ng sandwich ko, dami ko nga ata talagang ginawang sandwich kaya ayan di na ko makakakain ng dinner. Natapos ko din sa wakas ang presentation ko, nagligpit na ako ng mga gamit ko, naghugas ng pinagkainan at nagshower na.

Bago ako humiga, sinigurado ko munang nakasara ang mga pintuan. What do i expect kay Xander, ni hindi ko nga alam kung umuuwi pa ng bahay yun e. May spare key naman sya at di ko na sya dapat alalahanin. Kung alam ko lang ng maaga na gusto pala nila ako bumukod ng bahay edi sana yun na lang ang ginawa ko kaysa naman sa ganito ang set up. Ni hindi ko nga nararamdaman ang presensya ng kasama ko dito dahil kundi sya wala e hindi naman sya uuwi.

---------------------------------------------

Maaaga akong nagising sa tulong ng alarm clock ko. Nagdecide akong pumunta ng maaga sa office. Daig ata ng maagap ang masipag. Inayos ko na agad ang mga dadalhin ko at siniguradong wala akong makakalimutan. Natapos na ko ng pagaayos sa sarili ko at sa mga dadalhin ko kaya nagpunta ako ng kitchen. Syempre may small battle mamaya kaya dapat magrecharge.

"Umuwi ata si Xander kagabi" nasabi ko sa sarili ko.

Nabawasan kasi ang laman ng ref plus may mga nakataob na pinggan at mug na halatang pinaghugasan ng pinagkainan. Pagkatapos kong kumain ay agad akong nagdrive papuntang office. Pagkarating ko ng office, ilalapag ko na sana ang mga gamit ko ng biglang magtext si Xander.

From: Xander Sipag/Sungit

Come to my office now.

Aba! Ang aga aga namang progress report nito. Ayokong mainis ngayong araw na ito at baka di ako makapagconcentrate mamaya. Nilapag ko ang mga gamit ko sa table at agad na nagpunta sa office ni mr. President. Pasalamat ako at wala dun ang malanding secretary nya kasi kung nagkataon at nagmaganda na naman sya baka sa kanya ko pa maubos ang iniipon kong pagpipigil ng pagkairita.

Di na ko kumatok at pumasok na lang ako sa office nya. Nakaupo sya sa upuan nya at umiinom ng kape habang may binabasang mga papeles. Masipag talaga.

"What do you want?" Malamig kong tanong sa kanya.

"We have a very important client na kailangan natin makuha, i know you know that" -xander

"And..."

"And i assigned your manager to that huge responsibility and you're part of it"

"So.."

Nagpakawala sya ng isang malalim na buntong hininga. I know.. Nakakainis ang mga sagot ko sa kanya pero like hello?! With a capital H.. Nakakainis kaya ang supervisor na naghahandle sa mga newbies na kagaya ko.

Tumayo si Xander at lumapit sa akin. Kinabahan ako sa paglapit nya dahil napaka seryoso ng mukha nya. Di ako magpapatinag, kung may masipag na masungit syempre may tamad na masungit din dapat.

"This is not a game Ces, they are a big investor sa company natin and i want them so badly. We need them dahil sa reputation nila sa business world"

Okay. That was very convincing. Sige na nga kahit gusto ko pa syang asarin ay binabawi ko na. Hehe! Pero gosh! Ang gwapo nya sa malapitan, sa totoo lang.. Ngayon ko lang sya natitigan ng ganito katagal. Umiwas ako saglit ng tingin sa kanya para di halatang natulala ako sa kagwapuhan ng masipag/masungit na ito. Binalik ko din ang tingin ko ng mahimasmasan ako sa pagkakatulala sa kanya.

"Look, i know na that you're in charge of me but i know what im doing besides di naman nabibigyan ng pagkakataon ang mga newbies na kagaya ko so i think you should look on the others first. Alright?"

Tumalikod na ko sa kanya at nagsimula ng maglakad palabas ng office nya pero napaisip ako sa huli nyang sinabi sa akin bago ako tuluyang lumabas....

"Surprise me... Surprise them Ces"

I gave him a quick smile then left the office. Kahit di nya sabihin im really surprising all of you. I want the old me to be back especially my freedom. So lets see what will happen to that huge investor of yours Mr. President ^_~

The Lazy PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon