Chapter 13: Small World

16 3 0
                                    

Di parin ako makaget over sa first ever unexpected date namin ni Xander. Ganun ba talaga ang effect nya sa lahat at parang ako ay nahawa na din?

Buti na lang naging busy ako this past few days dahil na rin sa pagaasikaso ko sa project ko. Malaki expectations nila sa akin lalo na't isang baguhan ang maghahawak nito. Maraming natuwa pero mas maraming nagalit. Puro negatives ang naririnig ko sa karamihan.

Hindi ko na pinansin ang mga yun dahil sa bagay makikilala naman nila ako in the future na ako ang fiance ni Xander. I continued my work and focus more sa project ko. Nagresearch ako at nagbasa basa about sa mga investors na ito. Nag background check pa ko para malaman ko ang tunay na gusto ng mga ito. It's not easy dahil marami na silang nireject na proposal kahit na isang sikat at tinuturing na pinakamagaling na architect sa lugar ay nireject nila and im sure meron mas malalim na dahilan.

I should think of another way para malaman ang reason na yun, siguro hindi lang puro research ang ginagawa ko. Maybe i should investigate. Tama! Magiimbestiga ako.

Pero bago yun, magrerelax muna ako. Makapunta nga muna ng mall. Nagbihis ako agad at sumakay ng aking kotse. I can't wait to shop pero syempre I'm not like before na todo shopping. Nang makarating ako sa mall dumiretso kaagad ako sa paboritong boutique ko. Binati ako agad ng mga sales lady doon.

"Long time no see Miss Ces" masayang bati ni Gianne, ang friend kong sales lady sa boutique na ito.

"Oo nga eh, its been decades since the last time i got here"

Napatawa si Gianne at ang iba pa nyang mga kasama. Feeling ko taon akong nawala dahil lang sa pagtitipid ko. Pumunta ako sa section kung saan naroon ang sale pero pinigilan ako ni Gianne.

"Miss Ces, dito po ang new arrivals section namin"

"Naku Gianne sa sale section talaga ako pupunta, kailangan kong magtipid e" ngiting sagot ko sa kanya

Halata sa kanyang mukha ang pagtataka at may halong pagkabigla. Hindi kasi sila.sanay dahil never akong nagshopping ng may discount. Pumunta ako sa mga discounted item nila at naghanap ng maganda na murang damit.

And to my surprise, marami din pa lang magagandang design na damit dito compare sa mga hindi discounted. Naghanap ako at nakakita ako agad ng maganda na pwede ko pang magamit sa office.Di na ko nagdalawang isip pa at binili ko kaagad ito. Si Gianne parin ang nagassist sa akin at di pa rin nya lubos maisip na binili ko ito.

"It's a long story Gianne" natatawa kong sabi sa kanya.

Natawa kami sa kanya kanya namin reaction. Namiss ko talaga ang pagsshopping lalo na ang mga taong di ko inaasahang maging kaibigan kahit na tamad pa ko. Natigil kami sa pagtawa namin ng may dumating na costumer. Pero di ko inaasahan na di lang si Kate ang makikita ko...

"Ces?" Pagkasabik sa kanyang mga mata ang nakita ko, nakakapit pa ng maigi si Kate sa kanyang braso.

Natigil ang mundo ko, bumalik lahat ng sakit ng nararamdaman ko. Pati ang galit na matagal ko ng kinikimkim ay bigla ulit nabuhay. Ni hindi ko sila kayang tignan na magkasama. Nandidiri ako ako sa presensya nila lalo na pag magkasama silang dalawa.

"Kakabalik lang ni Sean kanina from States at pinuntahan nya ko kaagad, how sweet di ba?" Sabay kurot pa nito sa pisngi.

Hindi pa rin sya nagbabago, gwapo pa rin sya. Mapupungay ang kanyang mata at mas lalong gumanda ang katawan, sa palagay ko lagi syang nasa gym. Pumuti din sya dahil siguro sa malinis at malamig na hangin sa States. Natigil ang pagtitigan namin ni Sean ng nagsalita muli si Kate..

"We're not expecting to see you here, diba Babe?"

"Yes.." aniya habang seryosong nakatitig pa din sa akin.

"It's really a small world"

"Yes, it is. I gotta go" Lumingon ako kay Gianne at kinuha ang ilang pinamili ko "Salamat, Gianne" sabay ngiti sa mga ito at agad na din umalis.

Hindi ko akalain na makita silang makasama. At hindi ko din inaakalang magkikita pa kami ni Sean. Matagal na panahon na yun pero bakit ang sakit pa din. Simula ng naging party girl ako halos malimutan ko na lahat at halos mawalan na ko ng pakiramdam at di ko na alam ang salitang sakit. Pero bakit unti unting gumuguhit sa puso ko ang lahat. Wala akong ibang masabi kundi masakit.

Umuwi ako ng bahay na mabigat ang pakiramdam. Inayos ang pinamili ko at nagluto ng pagkain. Pagkatapos kumain ay dumiretso sa may pool area bitbit ang wine na binili ko bago ako umuwi. Baka sakaling mawala ulit ang sakit.

"Small world huh?!?" Sarcastic kong sinabi sa sarili ko sabay lagok sa bote ng wine.

The Lazy PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon