Chapter 16: Mysterious Visitor

20 4 0
                                    


I'm done with everything. Kahit na panay ang meeting nila ay nagkakaron ako ng sariling mundo. Magaling ang team ko, I have Jill who is good with connections and bargains and Sam, who is new to the company but his intelligence is very impressive. Kaya di ko na kailangan pa ng malaking team,siguro kapag nakuha na namin ang project na ito then that's the time I will increase them.

Sam is always bullied by others. Mga walang magawa sa buhay nila,sa bagay bully din naman ang president ng company ito kaya no wonder pati ang ibang empleyado ay ganun din. May itsura naman si Sam,yun nga lang parang mali-mali kumilos at nerdy look. May pagka mahiyain pero maasahan sa lahat. He is a good architect at marami akong natutunan sa kanya lalo na sa pagdesesign ng model ng project na ito. This project is really hard, how would you turn a world class hotel/resort into a community type and friendly environment na kahit sino ay pwedeng makapasok dito. Well, that's my team's big secret that Xander needs to find out.

"Princess, pinapatawag ka sa office of the President" sabi ng ka-office mate ko.

"Bakit daw?" Tanong ko.

Nagkibit balikat lang ito at dumiretso na sa station nya. Inayos ko muna ang gamit ko bago ako tumayo at naglakad papunta sa office ni Xander. Sa paglalakad ko, nakasalubong ko si Jill at Sam na naguusap. Bad mood ata si Jill ngayon at parang pinagalitan si Sam,napangiti ako sa kanila. Kung iisipin ko parang bagay sila. Nilapitan ko sila at panay talak ni Jill.

"Jill, relax lang. Bakit parang high blood ka ata ngayon kay Sam?" Natatawang tanong ko.

"Eto kasing si Sam,di man lang nagsalita at pinagtanggol ang sarili nya kay President" pailing na sabi nya.

"Oh anong ginawa ni Xan...I mean ni Sir sau?" Sabay lingon ko kay Sam.

"Pasensya ka na Ces, di na ko makakasama sa project nyo. Tinanggal na kasi ako ni Sir sa trababo e" napakamot sya ng ulo dito.

"Ano?!? At bakit ka naman nya tinanggal?" Naku,Xander ka..humanda ka sa akin.

"Nalaman kasi nya na aside sa paggawa natin ng models e nagiinvestigate pa tayo na labas na sa scope ng trabaho natin. Kaya ayun."

"Ganun.. O sige,gusto nya pala talaga ng away ha.." Naglakad ako papunta sa elevator.

"Teka Ces, anong gagawin mo? Presidente natin yun..huy!" pagpipigil ni Jill sa akin pero di nya na ko naabutan dahil nagsara na ang pinto ng elevator.

Wala akong pakialam kung President pa sya ng Pilipinas o kahit anong bansa. Wag na wag nyang papakialamanan ang team ko. Nang makarating ako sa tamang floor at dire-diretsong naglakad papunta sa pinto nya pero pinigilan ako ng maarte nyang secretary.

"Sandali lang miss, kung makapasok ka parang may-ari ka ng building" hawak nya nya sa braso ko.

Naku, wag mo ng dagdagan ang init ng ulo ko baka bukas ikaw ang mawalan ng trabaho.

Kalma lang Ces.

Inhale. exhale.

"Pinapatawag daw ako ni sir,kailangan ko syang makausap" As in ngayon na!

"Maupo ka muna at maghintay dahil may mga bisita syang dumating" aniya.

"Kailangan ko na nga sya makausap,di na ko makapaghihintay" pumiglas ako sa hawak nya at naabot ko na ang door handle kaya nagbukas na ito.

"Sabi ngang di pwede e.."

Pero huli na dahil nakita na kami ni Xander sa pintuan. May kasama syang isang magandang babae na katabi nyang nakatayo sa may bandang bintana at ang isang lalakeng bisita na nakaupo lang sa couch.

"Pasensya na po Sir,nagpupumilit po kasi syang pumasok..."

"It's okay, you can leave" malamig nyang sabi at titig na galit sa akin.

The Lazy PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon