KABANATA 25:Patikim

30 2 0
                                    

Lumipas ang dalawang linggo
Mula nung huling pag-uusap namin ni Mike

di na siya bumalik sa hospital hanggang nang makalabas na si Miko

Hinahanap siya ni Miko
Pero nanaig ang kagustuhan kong hindi muna sila magkita

Alam ko pagiging makasarili ang gagawin ko pero
Sa ngayon ito lang ang alam kong tama

" Hindi mo ba siya kokontakin?"

Pagtatanong ni Clouie
Umiling lang ako at pinanindigan desisyon ko

" ate !!! Sigurado ka na ba talaga sa mga desisyon mo?"

Pagtatanong ni Sheryl
Habang inaayos mga damit ni Miko

" Siguro She panahon na para bigyang respeto ko naman sarili ko"

" Paano si Miko?"

" Sa ngayon di ko pa alam,"

" Natatakot lang ko te baka mahuli na lahat"

" matagal na nahuli lahat She"

" Te nga pala gusto ka makausap ni Miguel may mahalaga siyang sasabihin sayo nasa mansiyon siya te , pero wag ka mag-alala hindi pa daw umuuwi si Kuya Mike sa mansiyon kaya malaki ang chance na wala siya sa mansiyon te
mahalagang mahalaga sasabihin niya sayo te kaya nakikiusap ako makipagkita ka sa kanya"

Kahit mahirap sinubukan ko

Nagpahatid ako kay Clouie sa mansiyon

" Ayaw mo magpasama?"

" hindi na Bessy si Miguel lang naman sadya ko at kung nandito man siya umasa kang di na ako luluha pa gaya ng sinabi ko na pagod na akong magpakatanga Bessy"

Pagkapasok ko ng mansiyon sinalubong ako nina manang

Yakap ng yakap sakin si manang mukhang alam na alam na nila ang buong katotohanan
At pinapalaya ko na si Mike

" Nasan po si Miguel?"

" Nandun sa harden nak"

Tinungo ko ang harden
Nakita ko si Miguel malapit sa fountain
Sa kinaroroonan ng mga gumamela

" Hi Mig!"

Bati ko sa kanya na abalang nagdidilig sa mga halaman

" Alam mo te Han namis ko lang gawin to...lagi kasi ako napapagalitan ni kuya Mike pag nakakaligtaan ko diligan ang mga gumamelang to"

Nagtaka ako sa narinig mula kay Miguel

Naupo kami sa may fountain

" Anong ibig mong sabihin kanina Mig?

" Si kuya Mike kasi mula nung umalis ka nagpatanim sakin ng mga gumamelang paborito mo nakakatawa nga dahil umaga pa lang salungat na kilay ni Kuya pag nakita niyang di pa nadidiligan ang mga bulaklak na gustong gusto mo"

Hindi ako makapaniwala sa mga naririnig ko mula kay Miguel

" nga pala te Han pwede na kayo lumipat sa Batangas
may bahay na pinatayo si Kuya Mike dun na nakapangalan sayo
...hindi ka magsisisi dahil maganda ang pagkakagawa at isa pa te si kuya Mike ang nagdesign

alam mo namang architect yun hindi nga lang niya na practice dahil mas inasikaso niya ang kumpanya sana magustuhan mo dun te nakita na nga pala yun ni Sheryl "

" Ano pa di ko alam Mig"

" Nga pala bago ko makalimutan may bagong kumpanya ng wine na ipinatayo.si Kuya Mike dun

4 years ago lumalaki na nga ngayon kung hindi mo pa alam te nakapangalan sayo ang kumpanya at may pangalan na rin si Miko sa isa sa mga product bago lang"

Naalala ko sinabi nun ni Manong Jes na may nagpatayo ng bagong kumpanya sa kabilang bayan

Naguguluhan na ako sa mga nasasaksihan ko

"nasan siya Mig?"

Nakita kong may luhang pumatak sa mula sa mga mata niya
Naiyak na nga siya ng tuluyan bago nagsalita

" Ako rin te di ko alam nasan siya, namis ko na si Kuya Mike kahit masungit kasi yun pero kahit kailan di ako nagawang pabayaan nun"

Di ko alam kung saan magsisimula ng tanong

Naluha ako sa mga narinig

totoo kaya mga sinasabi ni Miguel?

Tumayo ako at lutang na tinungo ang papasok ng mansiyon

" Bakit ka nandito?"

Sinalubong ako ng sagot ni Ada

Nakaupo siya sa may sofa at tinitingnan litrato ni Mike

"Swerte mo ! "

Bigla ko narinig sa mga bibig niya
Then she started to cry

Mas naguluhan ako

" Kung may dapat man akong ihingi ng tawad sayo Hannah yun lang yung araw na binastos kita sa mall nag selos ako nun dahil sinabi ni Mike may babae ng nakahuli ng puso niya sa unang kita pa lang kaya sinundan kita at yun na nga .....

I'm sorry Hannah
at yung ginawa sayo ng mga hosts sa party sana mapatawad mo ko nun ikaw naman kasi inaway mo si Mike

sa pagkakaalam ko Han yun lang ang dapat ihingi ko ng tawad"

Marami ako gusto itanong kay Ada pero bigla na siya umalis

Bigla bumigat nararamdaman ko
Ano ba ang totoong nangyayari ?

Bakit parang nagi guilty ako matapos ko sila marinig
Saka bakit ako maswerte?

"Nak okay ka lang?"

Lumapit si manang at agad ako yumakap sa kanya ng napakahigpit

" Manang wala na ho akong naiiintindihan sa mga nangyayari nasan ba si Mike marami ako gusto itanong sa kanya "

" Nag-aalala na nga ako nak ! Hanggang ngayon kasi di pa siya umuuwi huli siyang umuwi nung galing siya sa hospital at sinabi ang tungkol sa anak niyo tapos umiyak siya at sinabing pinutol mo na lahat sa inyo nak"

Mas lalo ako naiyak
Paano nangyaring nasaktan ko siya ng palayain ko siya gayong simula't sapol yun naman talaga gusto niya

Umakyat ako ng kwarto at doon nagpatuloy sa pag-iyak

Kala ko tuluyan ko ng pinapakawalan si Mike pero ng makapasok ako ng kwarto bumalik ang mga ala-ala ni Mike

Inalis ko lahat ng mga pictures namin at inilagay sa isang box

Habang patuloy pa rin sa pagpatak ang mga luha ko

Binuhat ko ang box at bumaba na ng hagdan

" Senyorita saan niyo po ilalagay ang mga yan ako na po magbubuhat"

Sinundo ako ni Manong Jes at binuhat
Ang box na dala dala ko kanina

"Ilagay mo yan sa basement manong Jes ayoko ng makita ulit ang mga larawan na yan"

"Senyorita ehh mukhang may mahalaga hong tinatago doon si senyorito kasi ini lock po niya yun "

" Sirain mo manong Jes,"

Naupo na ako sa misa at pilit pinapatatag sarili ko sa mga oras na yun

" Senyorita! "
Hinihingal na tawag ni manong sakin
"bakit manong Jes"

"Senyorita tingnan niyo po ang basement"

" Bakit anong meron?"

Tumayo ako at tinungo ang basement
Sinamahan ako ni Manong Jes

Humawak ako sa may pinto na nakasara at unti unti itong binuksan

Naluha ako sa una kong nakita

Iniwan ako ni manong Jes





When Will I Be Enough?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon