KABANATA 15:Harana

31 0 0
                                    

Nagpaalam na ako kina Clouie
Lucho at Sheryl mag-aalas otso na kasi ng gabi
At ang ulap ay nagdadabog
Indikasyon na may ulan na darating
Papalabas na ako ng bahay kasama sina Sheryl nang biglang may tugtog ng musika kaming narinig  pagdako namin sa may sala
Isang musikang gawa ng piano

" Ma'am Sheryl"
Tawag ng papalapit na yaya na nanggaling sa labas ng bahay
Napalingon kami lahat
" Bakit ate Chelle?"
Tugon ni Sheryl
" May bisita po kayo , narinig niyo po ba ang tugtog"

" Bisita ? Oo may narinig kaming tugtog
Agad namin tinungo ang labas ng bahay
Tumambad sa harapin namin si Miguel na nakatayo malapit sa may gate at isang mamá sa tabi niya na di gaanong katandaan na tumutogtog ng piano
Nagsalubong ang kilay ni Sheryl
" anong ginagawa ng gagong yan dito?"bulalas niya
Noong umalis kami patungong Amerika pinapili ni Sheryl si Miguel kung sasama ba ito sa kanya at doon na sila magsasama o magpapaiwan sa Pilipinas at tapusin na ang namamagitan sa kanila
Pero pinili ni Miguel manatili sa Pilipinas sa dahilang siya lang ang nakakaalam

Hawak ni Miguel ang isang wireless microphone
Si Clouie bangga ng bangga sa akin halatang siya ang kinikilig si Lucho nakatingin lang at para bang naghihintay lang sa magiging reaksyon ng Ate niya
" Kapal ng taong to ate"
Inakbayan ko siya
" Pag-isipan mong mabuti mga desisyon mo She di natin alam ang nasa puso at isip ng tao baka hindi naman talaga nagtaksil sayo si Miguel baka iba lang talaga ang dahilan niya"

"Muli ay pagbigyan akong nagkamali
Muli ay patawarin ako'y nagsisisi
Alam Kong ako'y nangakong di na mauulit pa
Akoy nagkamali sayo Muli ay patawarin mo"

Ang lamig ng boses ni Miguel
I can see sincerity sa bawat salitang binibigkas niya
Ang laking binata na ni Miguel bilis ng panahon tumangkad siya lalo mas matangkad pa siya sakin ngayon kasing tangkad na siya ni Mike

Kahit di ipinapakita ni Sheryl alam Kong kinikilig siya
" She sige na muli mo raw siya  pagbigyan , kung anuman mapag-usapan niyo ni Miguel wag mo lang sana babanggitin tungkol Kay Miko"

" Te! "

" Sige na She lapitan mo na ako lalapit diyan sige ka gwapo ng manliligaw mo Oh palalampasin mo pa ba She" biro ni Clouie

" Te Cloy wala naman yan sa kagwapuhan nasa sinseridad"

Lumapit si Sheryl Kay Miguel

" Sana kantahan din ako ni James ng ganyan Bessy ano!"
" Bessy hindi bagay ang kantang yan sa inyo , kasi naman wala namang muli ibabalik sa inyo kasi wala namang past"

" Bessy nakakasakit ka na ng damdamin ha!"

" Biro lang Bessy"
Then I embraced her

Hinayaan ko munang magka-usap si Miguel at Sheryl kaya umuwi na ako marami pa sana ako itatanong Kay Miguel pero mukhang mas maraming tanong si Sheryl

Nag taxi lang ako pag-uwi
Sa daan bumuhos ang malakas na ulan ngunit walang kidlat at kulog
Habang pinagmamasdan ang pagdaloy ng Tubig sa bintana ng sasakyan
Naalala ko bigla noon ang panghaharana ni Mike
Na sorpresa talaga ako kasi inakala ko para sa birthday ni Clouie gagawin naming surprise tapos kakanta si Mike dahil nga crush niya ito
Ngunit ako ang na sorpresa ng kantahin ni Mike ang heaven by your side
Magdadalawang linggo pa lang noon mula ng mailibing sina nanay at tatay
Kaya di ko gaanong makuhang magsaya
Pero ng kumanta si Mike bigla napawi ang sakit na nararamdaman ko ng mga oras na yun
Pawang di ma ipaliwanag na kilig at saya ang tangi Kong naramdaman
Sabay ng sorpresang iyon ang proposal ni Mike
Diba ang saya ! Pero ngayon it's Hell by your side pala ang ending

When Will I Be Enough?Where stories live. Discover now