Napasandal ako sa may labas ng tindahan malapit sa main entrance nito
Huminga ako ng malalim bago sinimulang tunguhin ang kalye kung saan naghihintay si MikeNgunit pagdating ko sa lugar
Wala na ang sasakyanMuntik na akong mamatay kanina
Tapos iniwan pa ako ni MikeSinubukan ko siya tawagan ng ilang beses pero di siya sumasagot
Hindi na ako nagreport sa police station na kay lapit lang sa department store
Tinawagan ko nalang si Manong Jes na agad naman dumating para sunduin ako
Sinalubong ako ni Manang
Nagkausap kami saglit
Pero hindi ko na binanggit ang tungkol sa nangyari sa department storeNagpalit na ako ng damit at nagdasal
Bago nahiga sa kamaKatatapat lang ng long hand ng orasan sa 12 at ang short hand sa 4
Hapon na
Nagtataka pa rin ako kung bakit nawala si Mike
Hindi man lang nag text o tumawag kung nasaan na siya at bakit siya bigla umalis
Gayong kailangan na kailangan ko siya
Naisip ko paano pag kasama ko kanina si Miko
Mas lalong di ko siguro malaman ang gagawinSinubukan ko uli tawagan si Mike pero ni Hello walang sumasagot
Tinawag ako ni Manang para kumain pero tumanggi ako at sinabing wala akong gana
Nakikita ko sa mukha ni manang ang pag-aaalala
" Ano bang nangyari?"
Naupo si manang sa tabi ko sa kama
Ipinasandal niya ang ulo ko sa balikat niya" Nang...."
Tangi kong nasambit kay manang habang pilit pinipigilan ang mahikbi
"Ano ba kasi nangyari ? nasan si Mike kala ko ba susunduin ka niya "
" Nang.....na holdap po ako kanina"
Napa sign of the cross si Manang
Ikinuwento ko sa kanya ang buong pangyayari
" Hesus Maria!!!! "wika ni Manang
"Nang alam niyo okay lang ho sakin mawala ang singsing nakikita lang naman yun nang nabibili ...ang masakit kasi nang iniwan ako ni Mike nang sa panahong kailangan ko siya nang "
At tuluyan na akong naluha" Hay !! Di ko kayang isipin pag may masamang nangyari sayo"
Sabay yakap si Manang sakin
" Makakatikim ang batang yan sakin paano ka niya nagawang iwan at hindi pa nagpaalam"
Hindi ko na binanggit kay manang na pangalawang beses na akong iniwan ni Mike sa ere
Hinintay muna ni manang makatulog ako bago siya umalis
Naramdaman ko pang hinalikan ako ni manang sa noo
Kringgg Kringgg
Nagising ako sa lakas ng tunog ng cellphone ko
Unti-unti ko itong inabot
Number lang ang tumatak
Walang pangalanDahan dahan ako tumayo at sinagot ang tawag
" Hello! Sino to?"
Inaantok pa na pagkakasabi ko
" Hello !good morning po!"
Bati ng babaeng nasa linya
Umaga na nga pala ng tingnan ko ang orasan" Ito po ba si Mrs. Del Carmen?"
![](https://img.wattpad.com/cover/118834204-288-k819758.jpg)
YOU ARE READING
When Will I Be Enough?
RomancePag sinabi ko bang mahal kita maniniwala ka ? Paano pag sinabi kong di na kita mahal maniniwala ka rin bang hindi na talaga?