Chapter 5 - Reserved seat

581 16 18
                                    

[May konting changes lang po sa writing format ko to avoid confusion on the readers part.]

AYA'S POV: (flashback - 2009)

First session ngayon ng aming Basic Communication Skills class o ENGL 11. Grabe talaga 'tong Ateneo. First week pa lang, klase na agad. Wala man lang adjustment period.

Unang itinuro sa amin ng professor naming si Mr. Balidiong ang kahulugan ng "Communication."

"Ms. Aaliyah Abraham." - Mr. Balidiong

Tumingin muna siya sa master list bago niya nabanggit ang buo kong pangalan.

"Y-yes?" - Ako

"What are the four basic communication skills?" - Mr. Balidiong

"Uhmmm.. The four... The four m--.... *coughs* The four basic communication skills are reading, writing, speaking and listening." - Ako

"Good." - Mr. Balidiong

Boom! "Good" daw. Eh pa'no, dito lang naman ako sa subject na 'to may "say." Medyo magaling daw ako sa mga communication subjects. English and Filipino, to be exact.

Hindi naman ibig sabihin na BOBO ako, wala na rin akong ibang alam.

"Congrats, Aya." - Abby

Si Abby ang seatmate ko ngayon sa subject na ito. Alphabetical order kasi. 'Pag college, papalit-palit ng classroom. Papalit-palit rin ng upuan. Kung hindi ikaw ang pipili ng seat mo, ang instructor ang gagawa.

Nasa front row kami. Abraham ako, Acas siya. Akalain mo iyon? Pareho pa kaming AA ang initials? Sa tingin ko, si Abby na nga ang magiging college best friend ko. Bukod sa siya ang pinakauna kong naging ka-close nung orientation at nalaman kong malapit lang ang mga bahay namin, nakakagaan din siya ng loob kausap.

"Mabuti na lang talaga ikaw ang katabi ko sa subject na ito. Medyo mahina ako sa English." - Abby

Nag-BS Architecture si Abby hindi dahil passion niya ito. Umiiwas lang siya sa English subjects. Kitams? Pati matatalino, may kahinaan. Keri niya rin naman ang pagdo-drawing at pagso-solve ng Mathematical equations na napatunayan ko kahapon sa ibang classes kaya tingin ko, makaka-survive siya sa course na 'to.

Little Miss PerfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon