Chapter 2 - Si Rain

672 13 3
                                    

RAIN'S POV: (present time - 2012)

Anong oras na ba? 

Kanina pa dadak nang dadak itong babaeng nasa harapan ko eh. Akala ko ba nandito kami para kumain??? Ano ba naman iyan? Lumalamig na ang pizza. 

Ang babaeng tinutukoy ko ay ang girlfriend kong si Elise. Kasama ko siya ngayon sa Barrio Bistro.

Simula nang maging kami, lagi na kaming pumupunta rito. Twice, ah hindi, thrice a week. Paborito niya raw kasi ang pizza rito eh. Ayos lang din naman sa akin kasi mura lang. 

Kung looks lang naman ang pag-uusapan, almost perfect na si Elise para sa akin. Ika nga ng mga kabarkada ko, siya raw 'yung tipong pasado sa standards ko. Maganda, morena, slim, matangkad -- pang-model kung baga.

Hindi rin siya ang klase ng babaeng hanggang panlabas na anyo lang. Matalino si Elise. At mabait. Kung naging ibang lalaki lang ako, siya na ang tipo ng babaeng seseryosohin ko at ipapakilala ko sa aking mga magulang.

KAYA LANG, HINDI AKO ANG "IBANG LALAKI" NA IYON. AKO SI RAIN. 

"Rain.. Rain! Nakikinig ka ba?"

"Hmmm.. Ano nga ulit iyon?"

"Ang sabi ko, magpapakulay ako ng buhok. Ano sa tingin mo ang magandang kulay?"

"Mmmm.. Ikaw bahala."

"Ayan ka na naman eh.."

"Eh 'di 'yung dating kulay na lang. Nagagandahan ako doon."

"Anong dating kulay? Eh hindi ko pa naman nasubukang magpakulay ng buhok dati. Kaya nga tinatanong ko sa'yo kasi first time ko 'to. Duh.."

Bakit ba ako ang tinatanong nitong babaeng 'to? Wala ba siyang kaibigang babae? Unang-una, hindi pa ako nakapagpakulay ng buhok. Ikalawa, malay ko ba sa mga kulay-kulay na 'yan? Ang alam ko lang ay ROYGBIV.

Kaya minsan nakakasawa ang mga babae. Gusto nila, lahat ng alam nila, alam mo rin. Lahat ng gusto nila, dapat gusto mo rin. Masyadong stubborn.. Gustong sila parati ang nasusunod.

KAYA AYOKO NG COMMITMENT.

8 MONTHS. Iyan na ang pinakamatagal na panahong kumapit ako sa isang relasyon. At hindi pa ako committed sa lagay na iyan. Eh, pa'no ba, noong high school parang laro lang ang love.

Ipinata ko na rin na hangga't nag-aaral pa ako, hindi ko muna seseryosohin ang pag-ibig na iyan. Mataas ang pangarap ko para sa aking sarili at sa aking pamilya.

Aabutin ko pa ang pangarap kong maging isang ARCHITECT. Two years na lang at ga-graduate na ako.

Sus.. Magiging architect ka! Ikaw pa. Isa ka kaya sa pinakamahuhusay na Architecture students ng AdDU.

Kahit ayokong pinupuri ako ng ibang tao, minsan, naiisip kong tama rin naman ang sinasabi nila. Matataas naman grades ko. Isa akong straight-A student at consistent Dean's Lister.

"Rain, okay ka lang ba?"

Hindi ko in-expect mula kay Elise ang tanong na 'yun ah.

"Ha?"

"Ang sabi ko, okay ka lang ba? Pansin ko kasi ngayong mga nakaraang araw na parang malalim parati ang iniisip mo. Nag-aalala na tuloy ako para sa'yo."

Mabait namang girlfriend si Elise. Laging concerned, inaalagaan ako at hindi nauubusan ng oras para sa akin.

Kaya lang, PARANG MAY KULANG EH.

Minsan nakakasawa na rin.

Officially, si Elise nga ang girlfriend ko. Pero hindi niya alam na hindi lang siya ang babaeng dine-date ko.

Kung may Elise, syempre dapat may Alice. 

Si Alice ay isa sa mga magna cum laude ng BS Architecture batch 2011-2012. Kung edad lang ang pag-uusapan, nakakatanda siya sa akin ng halos tatlong taon. Pero ayos lang. Wala akong pakialam sa edad. Mas matangkad din naman ako sa kanya ng 6 inches.

Physically, walang-wala si Alice kung ikukumpara kay Elise. Hindi siya katangkaran at hindi pa masyadong developed ang katawan. Pero ano pang magagawa ko? Matalino naman siya at hindi rin naman siya pangit. Isa pa, siya naman ang umamin na may gusto siya sa akin.

May adobo na, maghahanap pa ba ako ng caldereta?

Kaya 'yun, habang kami ni Elise, lumalabas din kami ni Alice. Pero 'di rin naman ito nagtagal dahil nang malaman ni Alice na may girlfriend pala ako, agad niya rin akong pinakawalan at sinagot ang kanyang masugid na manliligaw na cum laude rin ng kanilang batch.

Ako? Tuloy pa rin.

Si Nadine naman ang sunod kong pinormahan. 3rd year college na siya ngayon at mas bata rin sa akin ng isang taon. Gaya ni Alice, isa rin siyang achiever. Presidente siya ng isang art club sa AdDU. Marami na rin siyang nakukuhang leadership awards dahil sa pagiging officer niya sa iba pang clubs.

Ito namang si Nadine ay matagal nang alam na may girlfriend ako. Kaya heto, hanggang ngayon, lumalabas pa rin kami. Win-win naman kami kasi may boyfriend din siya.

Sinisimulan ko nang kainin ang ikalawang slice ng inorder naming pizza ni Elise nang may bigla akong naalala.

KUMUSTA NA KAYA SI AYA? Ano nang ginagawa niya? Iniisip niya rin ba ako?

Teka. Let me rephrase the question.. MAY ORAS PA KAYA SIYANG ISIPIN AKO?

Sa tanang buhay ko, iisang babae lang binalak kong seryosohin at iyon ay si Aya. 

Kung tutuusin, ang layo niya sa standards ko 'nung una ko siyang makilala. Hinding-hindi siya ang klase ng babaeng gusto kong ipakilala sa mga magulang ko. Ni hindi rin siya ang tipong ipagmamalaki ko sa mga kaibigan ko.

NOON IYON.

Ibang-iba na siya ngayon.

Agad kong naalala ang tanong ni Elise.

"Rain, ba't 'di mo ako sinasagot? Tinatanong kita kung okay ka lang ba."

Hindi. Hindi ako okay.

Little Miss PerfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon