PROLOGUE

1K 20 7
                                    

[Dedicated to madieberswag for being the first one to comment on this story.]

AYA'S POV: (present time - 2012)

Hi. Ako nga pala si Aaliyah Abraham. Aya for short. 

Fourth year Masscom student. Consistent Dean's Lister. Candidate for Cum Laude. Glee Club member. Published writer. 

Hindi naman sa pagmamayabang pero sabi ng mga nakakakilala sa akin, swerte raw ako. Halos lahat na raw yata ay nasa akin. Pati mga co-teachers ng mama ko, ako ang ginagawang example sa kanilang mga anak.

'Yan si Aya, tularan mo. Ang bait-bait na nga, ang sipag pang mag-aral.

Boyfriend ka nang boyfriend. Tingnan mo si Aya oh. Kahit maraming nagkakagusto at nanliligaw diyan, ni isa walang pinatulan. Masyado kasing focused sa kanyang pag-aaral.

BOYFRIEND. Si Aya na walang boyfriend.

Bakit nga ba hindi pa ako nagkaka-boyfriend gayong pinahihintulutan naman ako ng mga magulang ko na makipag-relasyon?

Wala akong sinasagot ni isa sa mga manliligaw ko dahil wala sa kanila ang gusto ko.

Si Rain. Ang dati kong kaklase at malapit na kaibigan. Siya ang gusto ko. Hindi ako makakarating sa kinatatayuan ko ngayon kung 'di dahil kay Rain.  

Hindi naman talaga ako ganito dati. Noong nasa first year college pa lang ako, ako ang bobo, tanga, bakekang at nobody na si Aya. Lahat ng nakakakilala sa akin noon ay sinasabing malaki na ang ipinagbago ko.

Dahil kay Rain, ginawa ko ang lahat para maging matalino, maganda at popular. Syempre mahirap namang magkagusto sa isang taong ubod ng talino tapos ikaw, tatanga-tanga lang. Syempre kailangan mong magpasikat sa kanya. Mahirap sa simula pero nagawa ko.

Kaya lang, BIGLANG NAGBAGO SI RAIN. :(

RAIN'S POV: (present time - 2012)

Ako si Rain Napoleon Uytingco. Rain ang tawag ng karamihan sa akin. 

Hindi ko naman talaga sinasadyang makakuha ng matataas na grado. Hindi naman sa ayaw ko pero hindi kasi ako ang klase ng taong mahilig sa spotlight. Ayoko ng atensyon galing sa iba. Ayoko ng acknowledgement. 

Kaya lang, nandito na eh. Hindi ko rin naman maaaring pabayaan ang pag-aaral ko dahil ako lang naman ang nag-iisang anak ng mga magulang ko. Kaya heto, ang spotlight na ayaw ko, siya namang sumusunud-sunod sa akin.

Girlfriend ko si Elise. Pero dine-date ko rin si Nadine. Noong nakaraang buwan, sinubukan ko ring i-date ang isa sa mga magna cum laude ng batch 2011-2012  na si Alice. 

AMINADO AKO NA ISA AKONG PLAYER. 'Di rin naman ito lihim sa karamihan, kaya ang hindi ko ma-gets ay kung bakit marami pa ring nagpapaloko sa akin.

Ngunit sa lahat ng babaeng dumating sa buhay ko, iisa lang ang hinding-hindi ko lolokohin. Si Aya. Ewan ko ba kung anong meron siya na bigla ko na lang naisip magseryoso.

Kaya lang, noong magtatapat na sana ako, NAGBAGO SI AYA. :(

Little Miss PerfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon