Chapter 3 - Hello, college!

625 13 11
                                    

AYA'S POV: (flashback - 2009)

TUG-DUG... TUG-DUG... TUG-DUG...

Kinakabahan ako.

TUG-DUG... TUG-DUG... TUG-DUG...

Dinig na dinig ko na ang tibok ng puso ko.

TUG-DUG... TUG-DUG... TUG-DUG...

Sa kabila ng aking kaba, sinubukan ko pa ring magmasid sa aking paligid. Malapit nang mapuno ang covered court ng Ateneo de Davao University (AdDU) ng mga incoming college freshmen na tulad ko. Bawat estudyanteng pumapasok ay sinasalubong ng mga taong naka-blue t-shirt na may naka-printang "AFYOP" sa bandang harapan. Inaalalayan nila ang mga estudyanteng bagong dating patungo sa kanilang respective seats.

Hindi ko katabi ngayon ang aking mga dating kaklase sa high school. Hindi naman kasi kami ang mamimili ng uupuan. 

Bawat upuan ay may nakadikit na papel sa likod. Nakaprinta sa mga papel na ito ang aming sections. 

WOW...

Ganito pala rito. Masyadong organized.

Binasa ko ulit ang mga letrang nakasulat sa papel na nasa likod ng kinauupan ko.

BS Arch - 1A

Parang may mali. Alam kong BS Architecture ang napili kong kurso pero... A??? As in letrang A talaga?! Sabi ng pinsan kong magfo-fourth year na dito sa AdDU, first section daw ang A -- ang section kung saan mga matatalino lang ang pwede. 

Paano ako napunta sa first section? Kahit kailan, hindi ko tinuring ang aking sarili na matalino. Naging valedictorian nga ako pero HALLER?! Elementary pa ako noon. Hindi ko na nga maalala ang mukha ng ibang classmates ko noon eh. 

Naalala ko ang sinabi ng pinsan ko.

Mapupunta ka lang sa first section kung isa ka sa mga nakakuha ng matataas na grado sa entrance exam.

Weh? 'Di nga?? Eh, ang bilis ko ngang natapos sa exam eh. Hindi ko na binasa ang karamihan sa mga tanong dahil ihing-ihi na ako. Shade na lang kung shade.

Eh 'di...

TSINAMBAHAN KO ANG ENTRANCE EXAM?? Hanep ah!

Hiniling ko na tuloy na sana sinagutan ko na lang ng maayos. Baka sakaling mali pa ang mga sagot ko at maisip ng admin na ilagay ako sa panghuling section. 

Pero huli na ang lahat. Nasa first section na ako.

Napalunok muna ako bago ko nakuhang harapin ang aking mga magiging kaklase. Occupied na ang halos lahat ng mga upuan sa section namin. Mga pito o walong upuan na lang yata ang bakante.

Makakahanap kaya ako ng kaibigan dito?

Lahat ng mga kaklase ko ay mukhang matatalino. Napakaseryoso pa ng mga nakaupo malapit sa akin kaya nagdadalawang-isip tuloy akong i-approach sila.

Naku. Hindi ito ang inasahan ko. Hindi pa naman ako sanay na walang kausap. Hindi yata uubra ang pagka-friendly ko dito. OH MY GULAAAY!

At bigla ko siyang nakita..

Ang gwapo niya..

'Yung tipong sa Koreanovela mo lang makikita. Ang gwapo niya talaga.

Dalawa silang bagong dating ngunit siya lang ang nakakuha ng aking atensyon. Gwapo rin naman 'yung isa pero iba talaga ang appeal niya. Naku, walang ganito sa dati kong eskwelahan.

Anong section kaya siya? Sana maging magkaklase kami!

Sana BS Arch - 1A... Sana BS Arch - 1A... Sana BS Arch - 1A...

Little Miss PerfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon