Chapter 11: Basketball Tryouts

23 1 0
                                    

7:01 A.M. huminto na yung tricycle sa harap ng School Gate. Malakas pa din ang ulan pero mabilis na bumaba si Aaron para magbayad.
Loko loko ba siya? Gusto niya ata talaga maligo sa ulan eh.
Bumaba na din ako para payungan siya. Tapos na siya magbayad kaya pumasok na siya agad sa gate ng hindi manlang ako pinapansin.
Pasalamat siya medyo mabait siya ngayon kung hindi, sinipa ko nanaman siya.
May bubong sa pathway pagpasok ng gate kaya tiniklop ko na yung payong niya. Magtha-thank you ba ako sa kanya?
I swiped my I.D. after him but hindi niya pa din ako pinapansin. Bahala nga siya diyan. Di ko na lang isasauli tong payong niya.
He crossed his arms in front of him. Nilalamig na siguro ang mokong dahil basang basa pa din ang uniform niya hanggang ngayon.
Sabay kaming nakarating sa classroom at dahil late na kaming dalawa, sa back door kami dumaan. Naramdaman ko agad ang malakas na electric fan pag pasok ko.
Napatingin ako kay Aaron, kakaupo niya lang sa upuan niya, siguradong ginaw na ginaw siya. Nakita kong nakangiti ng malaki saamin si Marie.
Malisyosa talaga tong babaeng to eh.
I opened the umbrella and left it in the back to let it dry.
"So, sabay na kayo pumasok ngayon?" she immediately whispered when I sat down beside her.
"Echosera ka marie, ang aga aga pa."
She chuckled lightly. "Okay hindi na po, girl in the rain."
She's waiting for my reaction. I hit her shoulder lightly. Girl in the rain my ass! More like asungot in the rain.
But still, hindi pa ako nakakapag thank you sa kanya dahil sinungitan niya ako kanina.
By 8:00 A.M. bago umalis si Ma'am, nag announce siya ng Varsity Tryouts na gaganapin mamayang 8:30 A.M.
"Those who wants to try the basketball tryouts, come by the Gymnasium." she finally stepped outside after.
May tatlo akong classmate na nagsitayuan para sumunod kay Ma'am. One of them is Aaron, now completely dry.
Hindi na basa ang uniform niya at ang buhok niya. Natuyo na siguro sa lakas ng electric fan. Lumabas na sila ng classroom dala ang bag nila.
Paano naman kaya siya makakapag tryout kung wala siyang extra shirt?
At yung payong niya nasa likod pa ng classroom. Hindi kaya lagnatin siya mamaya?
     Hindi naman sa nag aalala ako sa kanya pero bakit parang ganun ang nangyayari?
Paano kung lagnatin nga siya dahil sakin?
     "Sasali siya sa varsity team? Dalawang varsity player na ang manliligaw sayo nelle! How to be you po?" marie teased me.
     Konti na lang talaga masasabunutan ko na tong kaibigan ko na to eh. Masiyadong binibigyan ng kulay ang lovelife ko.
"Alam mo marie, I really like christian. Wag mo na nga ako ipartner sa asungot na aaron na yun."
"Never say never nelle. Malay mo naman diba?"
Before I could respond, a more high pitched voice cut through the room. "Guys, hindi pumasok si Sir. Mamaya pang 9 a.m. ang sunod na class."
Si shireen, the overly confident na classmate ko since first year. Hindi ko alam kung bakit lagi kaming napupunta sa iisang section.
Basta ang alam ko, sawang sawa na ako sa muka niya at sa boses niyang matinis. Siya ang number one hater ko dahil may gusto din siya kay Christian and hindi niya maintindihan kung paano ko binasted si Christian.
Ilang beses na niyang sinubukan na landiin si Christian pero hindi naman siya pinapansin nito.
"For sure happy siya dahil makakapanood siya ng tryouts." marie said while looking at her from head to toe.
At dahil best friend ko si Marie, naiinis din siya kay Shireen. Natuwa naman ang nga classmate ko sa ina announced niya.
Excited siyang lumabas ng classroom kasama ang tatlong minions niya. Nagulat ako ng tumayo din si Marie sa upuan niya.
I look at her curiously. "San ka pupunta?"
She rolled her eyes at me like I'm stupid. "Sa gym, duh! Okay lang ba sayo maunahan ka ng hipon na yun?"
I let myself smile at what she said. Tumayo na din ako. Sabay kaming lumabas ni Marie ng classroom para bumaba.

***

Cheated by CupidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon