Chapter 1: Hate at first sight

61 7 0
                                    

7:15
Sheez! 15 minutes na akong late. Nakakabwiset na lalaki yon! ang sarap kutusan eh.
Pagdating ko ng classroom nakatingin sakin lahat ng classmate ko. Naramdaman ko ding may kasabay akong pumasok ng room pero hindi ko na tinignan kung sino. Nagmadali na akong umupo sa tabi ni marie.
napalingon ako sa bestfriend ko, ngiting ngiti siya habang nakatingin sakin. Tumingin ako sa kasabay ko at nanlaki ang mata ko ng makita ko yung lalaking nanghila sakin kanina.
anong ginagawa niya dito? kaklase ko siya? hindi pwede to!
napalingon siya kung saan ako nakaupo at nakita kong napangiti siya. Bigla akong kinabahan sa ngiti niya. Jusko lord, bata pa ko ayaw ko pa mamatay at ayoko ko pa pumatay. Naglakad siya papunta sa direksyon ko.
hindi lang inis ang nararamdaman ko, bumibilis din ang tibok ng puso ko sa di malamang dahilan. Bakit ganito ang nararamdaman ko? umupo siya sa bakanteng upuan sa tabi ko at tumitig saakin.
bigla niya na lang ako binato sa muka ng papel kaya syempre nagulat ako.
"Anong problema mo?" kumukulo ang dugo ko sa lalaking 'to.
"Break na kami dahil sayo" walang emosyon sa muka niya. Hindi ko alam kung nasasaktan ba siya dahil break na sila o wala lang sa kanya.
"Bakit ako? Ikaw 'tong humila sakin eh"
tinitigan niya lang ulit ako at pagkatapos ay tumayo na siya at lumipat ng upuan. Niyugyog ako ng best friend ko.
"Shit nelle! ang gwapo niya pala." nabatukan ko siya dahil sa sinabi niya. "di mo manlang sinabing ikaw pala yung babae na pinag aawayan nila" tumawa siya ng malakas.
"Eh hindi ko nga kilala yan eh!" pano kung lahat ng tao sa canteen ay iniisip na ako nga yung babae ni kuya? nakakahiya talaga! anong gagawin ko?
"Alam mo, nakakaawa nga yung babae kanina eh, natulala lang siya nung umalis kayo tapos tsaka umiyak ng umiyak" bigla kong naalala yung babae kanina, siguradong nasaktan siya ng sobra. Bigla tuloy akong nalungkot dahil sa nangyari.
tumingin ako kay kuya pero nabigla ako ng makita kong nakatingin din siya sakin kaya naman agad kong iniwas ang tingin ko. Pakiramdam ko namumula ako dahil sa nangyari.
nang matapos ang klase ay naglakad palapit saakin si kuya kaya naman napataas ang kilay ko.
ano nanaman ba nagawa ko sa kanya?
he frowned at me. "Ang panget mo" pagkatapos ay naglakad na siya palabas...nagtawanan ang mga kaibigan ko dahil sa sinabi niya.
what the hell?
Siya lang ang bukod tanging nakilala ko na super yabang! Eh ano ngayon kung gwapo siya? Masama naman ang ugali niya at niloko niya pa ang girl friend niya. Buti nga sa kanya, sana lang hindi na siya balikan ng girlfriend niya
Eh mukang wala lang din naman sa kanya yun eh. Baka mamaya marami pa lang girlfriend yan. Unang araw pa lang ng pasukan minalas na agad ako
     "Sigurado ka bang hindi ikaw yung babae niya?"
Naiinis na ako sa best friend ko. "Hindi nga, okay? Alam mo namang hindi ako nagboboyfriend at tsaka may taste naman ako no"
"Gaga ka ba? Ang gwapo kaya non!"
"Wala akong pake sa kanya. Sana nga madapa siya eh"
"Eh bakit magkasabay kayo pumasok?"
"Hindi ko din alam na classmate natin siya."
pumasok na ulit yung hari ng kayabangan sa classroom and uminit instantly ang ulo ko. Janelle, chill ka lang diyan! Wag mo hayaang mabadtrip ka dahil lang sa kanya, okay?
may namato nanaman sakin ng papel, hinanap ko kung sino pero walang nakatingin sakin ni isa sa mga classmate ko. Sino naman kaya ang siraulong namato sakin? Wala nanaman sigurong mapagtripan
maya maya may tumama nanaman saking papel na nakabilog.
Sino ba yon?
yumuko ako kunwari at pag tingala ko huling huli ko sa akto yung hari ng kayabangan na babatuhin nanaman ako. Anong bang problema niya? Feeling close lang?
bumulong sakin si Marie. "Nagpapapansin nanaman siya sayo"
pinulot ko yung mga binato niya sakin kanina at isa isa kong binato sa kanya pabalik. Bakit ba kasi wala pa kaming teacher? Masiyado na siyang late.
tumawa yung hari ng kayabangan. "So, ngayon nagpapapansin ka na sakin?"
Ano? Ako pa daw ang nagpapapansin eh siya nga tong kanina pa namamato ng papel. Eh kung sipain ko kaya ulit sa binti tong mokong na to, baka sakaling magtanda.
"Hoy siraulo! anong nagpapapansin? Ikaw ang nag umpisa, ikaw ang nagpapapansin"
hindi niya ako sinagot, binato niya lang ako lalo ng papel. Hindi na talaga nakakatuwa. "ANO BANG PROBLEMA MO?"
natigil ang eksena namin dahil dumating na yung teacher namin. Tumawa ulit siya sakin. Pasalamat talaga siya dumating si Ma'am. Nako kung hindi baka nakapatay na ako ng tao ngayon
feeling ko pumasok lang talaga siya sa school na to para bwisitin ako. Nagfocus lang ako sa dicussion hanggang sa magrecess. Mabilis siyang lumabas ng classroom kaya hindi ko siya naabutan
"Akala ko ba hindi ka nagpapapansin sa kanya, eh bakit parang hinahabol mo siya ngayon?" inasar ako ni Marie
"Gusto ko pa kasi siyang sigawan. Tara na nga"

***

Cheated by CupidWhere stories live. Discover now