Chapter 7: Unexpected

29 2 0
                                    

     "Pero sis ang intense ng eksena kanina."
     I glared at Marie. "Geez marie! Nasaktan yung girl dahil sakin. Napakamanloloko kasi nung lalaking yon eh."
     Tumawa siya. "I mean ang intense ng yakapan niyo kanina."
     "Ha ha ha nakakatawa marie. Umuwi ka na nga ayoko na sumabay sayo."
     Tinalikuran ko siya pero mas lalo lang siyang natawa. Pinapartner niya pa ako ngayon sa manyak na yon.
     "Joke lang ikaw naman!"
     Masama pa din ang tingin ko sa kanya. Napatingin ako sa likod niya. Nakita kong naglalakad si Christian papalapit samin.
     Oh baka dito din siya sasakay ng jeep diba?
     Inayos ko agad ang muka ko. Relax ka lang janelle. Paano naman ako magrerelax eh nakita niya yung nangyari kanina.
     Dapat nga tinatago ko na ang muka ko sa kanya. Nang makalapit siya samin ngumiti na siya. Marie noticed him kaya umalis siya sa pagitan naming dalawa.
     "Hi janelle."
     "H-hi."
     Natuyo na lang bigla ang lalamunan ko. Halata kayang kinakabahan ako?
     Wala siyang kasamang tropa kaya medyo weird. Bakit kaya mag isa lang siya ngayon?
     He look straight into my eyes. "Pwede ba kitang ihatid? Kung okay lang..."
     I dropped my jaw. Oh my god! Gusto niya akong ihatid. Matapos ng mga nakita niya kanina gusto niya pa din akong ihatid.
     Gusto niya pa din ako.
     Maybe this day wasn't so bad at all. Ngumiti ako sa kanya. "Sure Christian." May naalala ako bigla. "But kasama ko kasi si Marie..."
     We both look at Marie. Ngumiti siya saming dalawa at umiling. "Go ahead guys. Kaya ko umuwi mag isa."
     "Are you sure? Sabay kana samin." Christian offered.
     "Di ko pangarap maging third wheel. No thanks guys!"
     "I'll also drop you off to your house c'mon!" Christian insisted.
     Sinenyasan ko si Marie na sumabay na dahil hindi ko ata kayang makasama si Christian na kaming dalawa lang.
     Anong pag uusapan namin? Wala akong kaalam alam sa mga lalaki. What if hindi pala mabait si Christian? What if masira ko tong chance na to?
     Tumawa si Marie. "Are you my parents or what? Go guys, ngayon lang to."
     Nilakihan ko na ang mata ko para maintindihan ni Marie na kailangan ko ng tulong.
     Wag kang aalis marie.
     Hindi ko narinig ang sagot ni Christian dahil sa malakas na tambutso ng motor na tumigil sa harap namin.
     Napatingin kaming tatlo sa nagdadrive nito. Tinanggal niya ang suot niyang helmet at aaminin ko na napakagat ako sa labi ko.
Aaron the asshole is looking at me with his tousled hair. Okay medyo gwapo siya.
Eh ano ngayon? Bakit siya huminto dito?
"Babycakes halika na. Ihahatid na kita."
Ano?
Talagang sinisira niya ang chance ko kay Christian. Narinig kong nag uh oh si Marie sa tabi ko. I close my eyes because of frustration.
Kailan ba ako titigilan ng lalaking to?
"Sorry brad, ako ang maghahatid kay Janelle."
Napatingin kaming tatlo kay Christian. Hindi ko inaasahan na sasabihin niya yun. Ibig lang sabihin nito hindi siya naniniwala sa mga pinagsasasabi ng mokong na to kanina sa canteen
Yes! May pag asa pa!
"Really? Ang alam ko sinabi niya sakin na saakin siya magpapahatid."
His stupid smirk is back on his face. Ngumiti sa kanya si Christian. "I'm pretty sure wala siyang sinabi." He faced me. "Let's go janelle?"
Ngumiti ako sa kanya and I nod. Nakangiti ako dahil napahiya si Aaron at dahil kinikilig ako kay Christian.
"Marie, we'll go ahead. Ingat ka."
And with that tumalikod na kami at naglakad papunta ng parking lot.
Sa wakas wala na sa paningin ko yung mokong na yun. Hanggang uwian ba naman ayaw akong tigilan.
We stopped in front of a blue Ford Fiesta. Christian opened the door for shotgun seat. Hawak niya lang yung pinto habang hinihintay na sumakay ako.
Seriously? May mga ganito pa bang lalaki? Yung pagbubuksan ka pa ng pinto ng sasakyan?
Sumakay na ako at sinara niya na yung pintuan. Bukod sa kilig na nararamdaman ko, bigla na lang akong ninerbyos.
Oo nga pala. Kaming dalawa lang ang magkasama. Anong gagawin ko?
Kasalanan to ng tukmol na yun eh, kung di siya dumating edi sana napapayag ko si Marie na sumabay na samin.
Umupo na siya sa driver seat. Bahala na si Batman!

***

Cheated by CupidWhere stories live. Discover now