Chapter 2: The MVP Player

39 6 0
                                    

     "Hi Janelle!"
     "Janelle, ang ganda mo talaga"
     "Janelle penge naman ng number mo"
     Seniors na kami kaya marami ng nakakakilala samin sa school na to. Madalas ganiyan ang mga naririnig ko sa tuwing lalakad kami sa hallway papunta sa high school canteen.
     syempre ako naman dedma, hindi naman sa papeymus o feeling maganda, ayoko lang talaga na maraming natawag sakin habang naglalakad ako. Naiilang ako dahil hindi naman ako sanay na nasakin ang atensyon ng mga tao
     nangyari lang yan ng magkagusto sakin si Christian, ang MVP player ng batch namin. Hearthrob sa school kaya tinitilian ng mga babae. Kinukwento niya ako sa buong basketball team
     marami ring babae ang nagselos saakin. Mag isa ako non na nakatayo sa labas ng school, lumapit siya sakin at bigla na lang akong dinaldal. Hindi ko maintindihan kung bakit nakikipag-usap siya sakin
     hindi pa ako nagkakaboyfriend kaya hindi ko alam ang gagawin ko nung bigla niyang aminin sakin na gusto niya akong ligawan. Nagulat ako kaya automatic na hindi ang naging sagot ko sa kanya
     kinabukasan pagtapos niyang magtapat sakin bigla na lang akong sumikat sa school. Ang kauna unahang bumasted kay Christian, Christian Torres na, chossy pa din?
     Dumami ang haters ko at dumami ang mga lalaking nagtatanong kung pwede ba akong ligawan. Umiiwas sakin si Christian kapag makakasalubong ko siya sa hallway
     hanggang sa feeling ko unti unti ko na siyang nagustuhan, lagi ko siyang nahuhuling palihim na nakatingin sakin. Isang araw pag gising ko nag sisisi na ako na hindi ako pumayag na magpaligaw sa kanya
     tsaka ko pa siya nagustuhan kung kailan huli na ang lahat. Ako naman yung palihim na tumitingin sa kanya ngayon. Bakit ba kasi binigla niya ako nung araw na yun?
     may narinig akong boses na pamilyar. "Hi Nelle"
     dahan dahan, slow motion akong tumingin sa kanya, nakangiti sakin si Christian kasama ang mga katropa niya. Totoo ba to? Nag hi siya sakin? Tumigil na ata ang tibok ng puso ko.
     nagtitigan lang kaming dalawa na para bang walang tao sa paligid. May narinig pa akong boses sa likod ko. "Hoy panget"
     hindi ako lumingon dahil hindi naman ako panget, baka may iba lang siyang tinatawag. Ngumiti ako kay Christian kaya naghiyawan naman ang mga tropa niya.
     "Hoy panget"
     Sino naman kaya yun?
     may humawak sa balikat ko, paglingon ko nakita kong nakatayo sa likod ko yung hari ng kayabangan.
     Siya nanaman?
     Pwede bang mamaya na siya umeksena? Ang ganda ng moment oh
     "Panget, halika may pupuntahan tayo"
     Panget?
    "Excuse me? Ako ba yung tinatawag mo?"
     "Oo, sino pa ba?"
     What the hell? Tinawag niya akong panget sa harap ni Christian. Nakakahiya baka kung anong isipin niya
     paalis na sila Christian. "Basted ka nanaman bro" sabi ng isa niyang tropa.
     Oh no! Sira na ang moment ko. Ang tagal tagal kong hinintay to tapos masisira lang dahil sa mokong na to. Humarap ako sa kanya pero bago niya ako hilain ulit..
     TUUUUGS
     "Aray ko!"
     sinipa ko ulit siya. Yan ang nababagay sayong mokong ka!

***

Cheated by CupidWhere stories live. Discover now