The Lucky One

641 5 3
                                    

[A/N]: Isa na naman pong storya na nanggaling pa sa panaginip ko kagabi. Shet! Nakakakilig 'yun, grabe! Sana magkatotoo! Puhlease? Hahaha. LUL.

Spell ASA? Hohoho.

-------

15 years na akong single. Hindi kasi kami vibes ni destiny eh. Ayaw talaga sa akin. Eh di ayaw ko din sa kanya. Ganti-ganti lang, pre! 

Pero seryoso. Wala talaga. As in, zero! Wala nga. As in wala. Wala pang signs si Mr. Right. Huhuhu. Wala naman akong balak na huwag mag-asawa eh. Huhuhu.

Ay pero, keber ko ba? Ayoko pa din naman pumasok sa ganyang masalimuot na sitwasyon. Grabeng term yun ah. Masalimuot. The nose is the bleed. Kpayn. -__-

Ayoko kayang pumasok sa long-distance relationship kung saka-sakali. Paano ko nasabi na long-distance relationship kami? Kasi nasa langit ako, siya nasa lupa. Hindi niya ako marereach. De, joke lang. Kasi nga po, malapit na akong mag-graduate. Malay mo, magkaiba kami ng school. Oh ano? Basta ayoko.

At asa pa akong may nagkakagusto sa akin no! Bwahehihohu. Eh mas sobra pa sa coke zero yung lablayp ko eh. Ang gulo ko, ano? Nagrereklamo ako na single pa ako, when in fact ayoko pang magka-boyfriend. Wala. Trip ko eh. Huwag niyo na lang basagin.

Jaedyn Dominique Corpuz. 15. Tawagin niyo na lang akong JD, Dee-dee, Dyn-dyn, Nikki, Min-min, Domz, bahala kayo. Basta 'yan ang pangalan ko. Mabait ako sa mga taong mabait sa akin. Sa mga taong masama ang pakikitungo sa akin, mabait pa rin. Hahaha.

I-describe ang sarili? Maganda! Magandang magsulat! -___-

Ayaw maniwala? Oo nga. Maganda sulat kamay ko. Maganda din ugali ko. Pwera na lang sa mukha ko. Kahit na gasgas na ang linyang 'to, gagamitin ko pa rin. Nung nagpaulan ng kagandahan ang Diyos, nakapayong ako.

Pero may crush ako. Secret lang! Hihihi. De, joke lang. HINDI NA YUN SECRET! Kasi yung mga lukaret kong mga kaibigan, daig pa yung announcer sa radyo! Huhu. Hindi na secret. 

Ay wait, first love na ata? 4 years ko na kasi siyang gusto eh. Imposible namang crush pa rin 'to. Troy Rivera ang pangalan niya. Ka-batch ko rin at kaklase. Pero hindi niya naman ako napapansin. Ay mali. Hindi niya ako pinapansin.

Okay lang naman sa akin 'yun. Basta, libre akong nakakatingin sa kanya, solve na. Buo na kaagad ang araw ko. Freebie na lang kapag gusto niya rin ako. Pero malabo talagang mangyari 'yun. Kaya, eto ako. Minamahal siya mula sa malayo kahit na ang lapit namin sa isa't-isa. *sigh*

Siya nga pala, Valentine's Day na bukas. Maglilipana na naman ang mga sweet couples kung saan-saan at maghahasik ng kaligayahan. Meron din namang mga taong may pa-forever alone pang alam na kadramahan. At huwag din nating kalimutan ang mga taong wapakels at nakaupo lang sa isang tabi, karamay ang musika. 

Ako? Isama niyo na lang ako sa mga wapakels. 

"Mga bruuu, Valentine's Day na bukas!! Sana may surprise sa akin si Miggy!" sabi ni Krystel

"Sana ako din! Galing kay Stephen!" sabi naman ni Chloe

"Asus. Meron din ako niyan! Alam ko namang pinaghahandaan na 'yun ni Nico eh." sabi ni Erikka

Oo. Tama kayo. Hindi kayo nagkakamali. Ako lang ang single sa aming apat! Kaloka nga eh. Kapag nag-uusap kaming apat, parati naming topic ang lovelife. Pero ano namang ikukuwento ko? Kaya mga 'ah', 'yah', 'talaga' at 'sige' ang lagi kong sagot sa kanila.

"Hoy bruha, hindi pa rin ba umaariba 'yang lovelife mo?" tanong ni Chloe sa akin

"Itanong mo kay Troy." pabiro kong sagot

Totoo naman eh. Siya lang naman ang hinihintay ko. Assumera ba? Masanay ka na.

"Troy na naman. Ang dami pang iba diyan Dominique oh! Apat na taon ka nang naghihintay, wala pa rin! Gumising ka nga diyan sa kahibangan mong 'yan!" sumbat sa akin ni Erikka

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 18, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

One Shot Love Stories :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon