Expectations = Heartaches

289 4 1
                                    

[A/N]: Namiss kong gumawa ng mga short story. Kaya, eto na naman ulit ako. Umeepal sa mundo ng Wattpad. Mwahaha! Huwag sana kayong mag-expect na maganda ang short story na 'to, dahil ito ay kinalabasan lamang ng paggiging bored ko. Sana po, magustuhan ninyo ang kawalang-hiyaan ko. HAHAHA. xD

----------------------------------------------------------

Expectation is the root of all heartaches.

---------------------------------------------------------

"Kyaaaahhhh!!!~ Paparating na si fafa Kyle! OMG! OMG! OMG! OMG!" sigaw ng isang babae

Kyle na naman? Psh. Kulang na lang, kainin ko 'yang pangalang Kyle na 'yan eh. Busog na ako araw-araw! Susuntukin ko na yang mga babaeng 'yan eh.

Okay lang naman na titigan na lang nila si Kyle, kasi yun din ang ginagawa ko. Kumpleto na ang araw ko pag ganun.

At OO. Gusto ko si Kyle. Pero hindi ako katulad nilang ipinagsisigawan na 'OMG. Gusto ko si Kyle.' Hindi ako ganun kabaliw sa kanya. Crush-crush lang. Hehe.

Grade 4 pa lang ako, crush ko na yang si Kyle. Seatmates kami niyan eh. Hindi ko alam kung papaano ko siya naging crush. Basta nagising na lang ako at narealize kung gaano ko kagustong pumunta sa school, ARAW-ARAW.

Ang OA ng drama ko. Baliw eh.

Tapos ayun, nung grade 5 na kami, lumipat siya ng school. Syempre, nalungkot ako. Ako yung baliw na may gusto sa kanya, alangan namang magsaya ako.

Simula nung lumipat siya, nadepress ako. Hindi naman yung umabot sa puntong 'Wala na siya. Wala nang saysay ang buhay ko. Magpapakamatay na ako. Hindi na ako kakain. Hindi na ako iinom ng tubig. Hindi na ako tatae.' Hindi ganun. Mahal ko si Lord!

Hanggang sa nag high school na ako, hinihintay ko pa rin siya. Umaasa na babalik pa siya. Pero hanggang sa panaginip na lang pala 'yun.

But not until our junior year came.

Syempre, 3rd year high school na ako. Junior nga eh.

BUMALIK NA SIYA! BUMALIK NA SI KYLE! SI KYLE NA SEATMATE KO NUNG GRADE 4. SI KYLE NA GUSTO KO! SI KYLE NA HINIHINTAY KO! NANDITO NA SIYA! BUMALIK NA SIYA!

Pero... hindi niya na ako kilala. Dinadaan-daanan niya na lang ako sa hallway.

It feels like I don't exist.

Anong saysay ng kahit na maraming estudyanteng pumapansin sa'yo, pero yung kaisa-isang lalaking gusto mo, hindi ka pinapansin. Parang invisible ka pa rin, diba? MASAKIT, YOU KNOW!

[Flashback]

"Hoy bakla! Tigil-tigilan mo na nga yang pag-asa mong makikilala ka pa ni fafa Kyle! Nasasaktan ka lang eh. Haynako!" sabi ni France. And yes, girlalu siya.

"Oo nga naman, Mich. Andami pang lalake diyan oh. Atsaka, diba bumabaha yung mga manliligaw mo? Siguro nandun sa kanila yung taong para sa'yo." sabi naman ni Camille

Bumuntong-hininga na lang ako. Ayoko nang sumagot sa kanila. Sawa na ako. Ganyan naman sila lagi eh. Paulit-ulit na lang.

"Let's go mga bakla. May klase pa tayo. Papagalitan pa tayo ni Sir mamaya pag nalate tayo." pagyaya ni France sa amin ni Camille

" O sige. Mauna na na lang kayo. Susunod na ako." sabi ko

"Sige. Mag-iingat ka Mich ha? Baka maligaw ka." sabi ni Camille

"Ang OA mo, Cams. Ano ka ba."

Tumawa lang sila atsaka umalis na din.

Matapos ang ilang minutong pagmumuni-muni, napagpasyahan kong umalis na ng canteen. Pagtayo ko sa upuan, may natapon sa blouse ko na spaghetti. Eff~

One Shot Love Stories :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon