Friend of mine

333 5 2
                                    

I'm in love with my best friend.

Universal story na 'to diba? Pero siya, may gustong iba. Motto na siguro sa buhay ang "Mahal mo, may mahal na iba."

Ang hirap magmahal ng taong best friend lang talaga ang turing sa'yo, ng taong ikaw ang takbuhan tuwing may problema siya,  at ng taong sobrang manhid na hindi maramdamang may gusto ka sa kanya.

Eh paano kung nagsama pa yung tatlo? Tripleng sakit ang mararanasan mo. Pero wala kang magawa kasi nga...

MAHAL MO SIYA.

-----

Nakilala ko siya 3 years ago. School fair kasi ng school namin. Sa iisang school lang kami pumapasok pero kahit minsan, hindi ko pa siya nakita dun. Syempre kapag may school fair, andami ding mga pakulo. At ang all-time favorite ay ang horror house. 

Pumasok akong mag-isa. Wala rin kasi akong magawa dahil free-time ko dun sa booth ng class namin. Pagpasok ko pa lang, nabingi na ako sa sigawan ng mga babae, bakla, lahat na! Pero may isang babae talaga na sobrang takot. Mag-isa ata siya. Hoy! Hindi ako manyak no! 

Sa sobrang takot niya, napakapit siya sa pinakamalapit na tao sa kanya, which is ako.

"Multo!!!!" sigaw niya pagkakapit niya sa akin.

"Sa gwapo kong 'to, mukha na akong multo?" pagbibiro ko

"Sorry. Pero pwede bang kumapit sa'yo hanggang dun sa dulo? Natatakot kasi ako eh." Sus. Pumasok pa dito kahit natatakot? Chansing ka lang eh! Hahaha.

"Sige. 50 pesos hanggang dulo." biro ko ulit.

Simula nun, madalas kaming magkita sa labas ng gate at sabay umuwi. Sabay din kaming mag-recess at mag-lunch noon.

Hindi ko namalayang nahulog na pala ang loob ko sa kanya. Nagsimula sa crush-crush lang pero hindi nagtagal nahulog na pala talaga ako sa kanya.

~Prom~

Siya yung ka-date ko nun. The school has this crazy idea na girls ang magyaya sa mga boys. Andaming nag-alok sa akin pero tinanggihan ko. Umasa kasi ako na siya yung lalapit sa akin since best friend niya ako.

At hindi naman ako nabigo sa pag-asa ko nun. Siya nga yung nag-alok sa akin. Since best friend niya ako, pumayag na din ako. Papakawalan ko pa ba ang chance? Mukha niyo!

Nakarating na din kami sa venue ng prom. Andaming tao sa loob. So, nag-umpisa na nga. Sayawan na daw. Niyaya ko siyang sumayaw. Dun ko na din aaminin sa kanya ang hidden feelings ko para sa kanya pero hindi na ito hidden maya-maya. xD

Sayaw lang kami ng sayaw. Hanggang sa nag-change ang music sa isang kanta na parang sinulat para lang sa nararamdaman ko.

Now playing: Friend of mine

I've known you for so long 

You are a friend of mine

But is this all we'd ever be?

I've loved you ever since

You are a friend of mine

But Babe is this all we ever could be?

You tell me things I've never known

I've shown you love you've never shown

But then again, when you cry

I'm always at your side

You tell me 'bout the love you had

I listen very eagerly

One Shot Love Stories :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon